FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 20 April 2012
Joke # 1
Tonton (kausap ang kaklase): Uy, pahiram namang lapis diyan, o!
Titser (kay Tonton): Ops ops ops! 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na magdala ka ng sariling lapis mo? Ano ka, pupunta ka sa giyera, wala kang sandata?
Tonton: E ba't ikaw Ma'am? Lagi kang naghihiram ng chalk at eraser sa kabilang classroom? Lagi mo ring hinihiram ang red ballpen ng first honor namin? Sino sa'tin Ma'am ang mas walang sandata?
Joke # 2
"The rains today are caused by the tail-end of a cold front..."
Daming nagsasabing dapat wikang Filipino na daw ang weather forecasts.
Subukan natin.
"Ang pag-ulan ngayon ay sanhi ng dulong buntot ng malamig na harapan..."
Ngayon, mamili ka, sa'n diyan sa dalawa ang magandang pakinggan?
Joke # 3
Ekonomista: Patuloy na tumataas ang inflation dito sa Pilipinas!
Pilosopo: E 'di kumuha ka ng karayom!
Ekonomista: Ano namang magagawa ng karayom?
Pilosopo: 'Di ba ang inflation 'yung paglobo ng balloon? Gamitin mo ang karayom para paputukin mo ang lobo! E 'di tapos!
Joke # 4
Ito ang mga hinaing ng mga bagay-bagay sa mundo na gustong magpakasosyal:
"Buti pa ang universe at earth, may beauty contest, bakit ako wala?"
- araw
"Buti pa si Friday, good; bakit ako, black?"
- Sabado
"Buti pa ang magasin, itinatabi; samantalang ako, ipinapamunas sa bintana!"
- dyaryo
"Buti pa ang dolyar, pag lumakas, ang saya-saya nila. Pero pag ako ang lumakas, nakakunot ang mga noo nila!"
- piso
"Bakit ang salamin, 'pag kumikinang sila, ayaw nilang madumihan? Samantalang ako, wala silang paki kahit na kumikinang ako, bagkus tinatapakan pa rin!"
- sahig
"Bakit si contact lens, mas tuwang-tuwa sila kapag may kulay? Tapos ako, ni asul, pula o brown, hindi mailagay sa'kin?"
- eyeglasses
Joke # 5
(Usapan ng bagong kasal.)
Babae: Hon, may itatanong sana ako sa'yo.
Lalaki: Sige hon, anu 'yun?
Babae: Tumutulo ba laway mo habang natutulog?
Lalaki: Ahm..oo hon e.
Babae: Kasi araw-araw pagkagising ko, lagi kong naaamoy buhok ko, amoy laway.
Lalaki: Pasensya na, hon. Kasi nung hindi pa tayo kinakasal, lagi akong may kayakap na unan, ini-imagine kong ikaw 'yun. Kaso tumutulo nga laway ko, natutuluan ang unan, kaya 'yun, hanggang ngayon ganoon pa rin.
Hayaan mo't hindi na 'ko haharap sa'yo pag matutulog.
Babae: Hon, okay lang, willing akong matuluan ng laway buhok ko, kahit na limampung beses akong mag-shampoo ng buhok, okay lang!
Pero...bago matulog please lang, magsepilyo't mag-mouthwash ka muna, ah? Amoy imburnal!
Joke # 6
'Pag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
Kaya ako nakuba e.
Pa'no ba naman, kumot ko mula paa hanggang tiyan ko lang! Ang lamig-lamig pa! Anong magandang gawin ko, 'di ba?
Joke # 7
Amo: Ipagtimpla mo nga 'ko ng copy!
Yaya: Ano po, ser? Tinitimpla po ba 'yung copy?
Amo: Hoy! Ikaw, kabago-bago mo lang dito sa pamamahay ko, marunong ka pa sa 'kin ha? Ayun o! 'Yung Gr*at Taste! Timpla mo 'ko bilis!
(Pagkaraan ng ilang minuto...)
Amo: Indaaaaaaaaaaaaay! Nasa'n na copy ko?
Yaya: Pwede pong mamaya na lang. Ubos na po kasi 'yung Gr*at Taste natin ser e! Bibili po muna ako.
Amo: Sige, at saka pwede pakikape ng mga dokumento ko a? Nasa ibabaw ng misa.
Yaya: Misa? E 'di pupunta pa po ako ng simbahan? At saka, pa'no po kakapehin 'yung dokumento?
Amo: Ah basta! Sundin mo inuutos ko! Gusto ko isang oras lang makuha ko na!
(Makalipas ang isang oras...)
Yaya: 'Eto na po ser o! (Sabay abot sa amo)
Amo: Hoy! Ano 'tong pinaggagagawa mo? Hindi ito ang gusto kong mangyari! Ha? Bakit?
Yaya: E bumili po ako ng Gr*at Taste, tapos kinuha ko po sa simbahan habang nagmimisa ang pari 'yung mga dokumento po niyo, 'yung Marriage Contract, Baptismal at Confirmation Certificate po 'yung ibinigay sa 'kin ng sakristan. Tapos nilagyan ko po ng Gre*t Taste 'yung mga dokumento, tapos pagbalik po dito, itinimpla ko na po. Ayan po ang nangyari!
Amo: AAAAAAAAAARGH! YOU'RE PIRED!
Joke # 8
(Isang paslit, kaharap ang bentilador, nagpapahangin)
Bata: Wawawawawawawawawawawa......!!!
Bentilador: Hoo! Araw-araw na lang tinitiis ko laway mo, ang baho ng hininga mo! Kahit anong bilis ng elisi ko hindi umuubra! Heto nga't ma-sample-an ka ulit!
(Buong lakas na binilisan ng bentilador ang ikot ng elisi. Natakot ang bata.)
Bata: Mamaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!
Nanay: Naku't mapalitan na nga ang electric fan na 'to! Hindi ko alam ba't natatakot anak ko dito!
Bentilador: L*ch*! Isa ka pa! Hinahayaan mo lang anak mong marumihan at malawayan ang isang napakamahal na bentilador na katulad ko! Hmmp! Magsama kayong mag-ina!
(Dumating ang asawa ng nanay ng bata.)
Nanay: Mahal, palitan na natin bentilador natin! Laging natatakot si bunso pag kaharap niya 'yun e.
Tatay: Alin do'n, 'yung binili ko sa junk shop? Oo, sige maya-maya't ibebenta ko 'yan dun.
Joke # 9
(Sa palengke...)
Tindero 1: Lambat kayo diyan! Lambat! Lambaaaaaaaaaaaaaaat!
Tindero 2: Sira! Siraaaaaaaaaaaaa!
Tindero 1: Lambat! Lambat!
Tindero 2: Sira! Sira!
Tindero 1: Lambaaaaaaaaaaaaaaaaat!
Tindero 2: Siraaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Tindero 1 (kay Tindero 2): Hoy! Nananadya ka 'ata! Hindi sira lambat ko!
Tindero 2: Inaano kita diyan?! Nagtatawag lang din naman ako ng mamimili a!
Tindero 1: Kung magtatawag ka ng mamimili, 'wag kang maninira ng kapwa mo tindero! (sabay sapak kay Tindero 2, nagkarambulan sa palengke)
Kapitan (kadarating lang): Anong kaguluhan 'to! Ha?
Tindero 1: Kasi po, sinasabi ng pesteng 'to na sira daw lambat ko!
Tindero 2: Hindi po totoo 'yun! Nagtitinda lang ako ng sira e. Akala niya siya sinasabihan ko!
Kapitan (binatukan si Tindero 1): Taga-Maynila ka no? Hindi naman ikaw ang sinasabihan nito e! Ang sira dito sa Bikol ay isda! Ikaw pa may ganang manapak ha? Sige, bugbugin 'yan!
Joke # 10
Judge: The audition is now open. First one, please.
Aplikante 1: Tuwinkol tuwinkol litol istar, aw ay wander wat yu ar...
Judge: Makakaalis ka na! Next please!
Aplikante 2: Twinkel twinkel litel istarrr, haw way wanderrr wat yo arrr...
Judge: Bwis*t! Next!
Aplikante 3: Thwinkle thwinkle lithle sthar, haw I hwandher whath hyoo har...
Judge: Umalis ka sa harapan ko't mababato ko 'tong sapatos sa'yo! Next!
Aplikante 4: Sir, pwede po bang magtanong?
Judge: Ano 'yon?
Aplikante 4: Kasi naririning po kasi sa labas na inayawan niyo 'yung naunang tatlo. Tingin ko naman po okay sila. Ano po ba ang nararapat na pagkanta nito?
Judge: Gusto mong malaman? 'Eto...
Chwinkle chwinkle li'l shtar, how ay wandher whath yoo are.
Up above ja world show high, like a dhiamond in ja shky!
Chwinkle chwinkle li'l shtar, how ay wandher whath yoo aaaaaaaaaaaaaaare!
>> rrj@chn_2012-04-20
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.