Tuesday, April 24, 2012

{M} Understanding the job of an emcee

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 24 April 2012

Hindi ko maituturing ang sarili kong batikan o propesyonal na emcee, pero hindi naman sa pagmamayabang, I became an emcee or a host for at least eleven (11) times already, within a span of seven years:
1. 2005 Christmas Party (Dec. 2005) >> Program Hosting debut
2. 2006 Selebrasyon ng Buwan ng Wika (Aug. 2006) >> Competition Hosting debut
3. Undisclosed friend's debut (March 2009)
4. Philippine Tiong Se Academy (PTSA) 110th Foundation Anniversary (Nov. 9, 2009) >> Century Park Hotel Manila
5. PTSA 110th Foundation Anniversary (Nov. 11, 2009) >> SM San Lazaro, Manila
6. PTSA 110th Foundation Anniversary (Jan. 2010) >> SM Manila
7. PTSA 110th Foundation Anniversary (Feb. 2010) >> SM Mall of Asia Concert Grounds
8. 4th Chinese Declamation Contest (April 1, 2011) >> Chinese competition hosting debut
9. 1st Freshmen Collage Making Contest (Oct. 2011) >> Solo Hosting debut
10. 5th Chinese Declamation Contest (April 13, 2012)
11. Fiesta sa Guangzhou: Summer Saya Kasama ang Pamilya (April 22, 2012)

Because of all these hosting experiences, stage fright never existed in me. It also boosted my public speaking ability. Oo, nandun 'yung kaba, kaso 'yung tipong ayaw na ayaw mong tumapak ng stage, wala akong ganung personality.

However, hindi lahat naging madali ang pinagdaanan ko sa pag-e-emcee.

The first two were smooth, wala masyadong problema. Kahit na mga naunang mga pagkakataon ang mga 'yun, hindi naman ako pinagpawisan.

Pero naalala ko, nung March 2009 debut ng isang kaibigan ko, I was not originally the host of the said event, nag-back out the day before ang tunay na host at nagsabing hindi siya makakapunta. Kinausap ako ng debutante kung pwede ako na lang ang humalili. Nagdalawang-isip ako nun kasi unang-una, at that time, wala akong alam sa debut, kung ano ang flow ng program and whatsoever. Pero at the end of the day, napa-oo ako, kasi wala naman na talagang papalit kundi ako.

So that night came, kinakabahan ako kasi wala akong alam kung paano and wala akong script, o kahit man lang outline ng kung anong mangyayari. Namamatay na 'ko sa kaba until an angel came to save me by the name of Ate Tim. Nag-debut siya the year before kaya alam na alam niya ang sequence ng debut, ayun pala, siya ang ka-partner ko sa pagho-host ng debut. Kaya naman, nakadepende ako sa kanya. =7

Dahil doon, napunan ang aking pagka-ignorante sa mga debu-debut na 'yan.
Moreover, nawala 'yung takot ko na humarap sa mga taong generally ay hindi ko kakilala. Puro kasi kamag-anak at well-wishers ng debutante ang nandoon.
Doon din akong natutong mag-impromptu, mag-ad lib. E wala talagang script e.

Ang sumunod na event na nag-host ang inyong lingkod ay ang sunud-sunod na foundation anniversary celebrations ng alma mater ko. To give you a bit history of that, ang orihinal na plano ay magtatanghal lang ang school ng nasabing okasyon sa Century Park Hotel at sa SM San Lazaro na kapwa idinaos noong Nobyembre 2009 dun sa Maynila. Pero bigla na lang nag-imbita ang SM Manila at SM Mall of Asia na kami magtanghal din sa kanila.

Ang pinakanakakakaba sa apat ay ang sa Century Park Hotel.
Ang daming VIPs, ang daming taong alam mong mataas ang antas sa lipunan pero you have no particular idea kung sino talaga sila, ang daming taga-Chinese press (ng Pilipinas), mataas pa ang expectation sa program na ito kaya big deal pag nagkamali kami kasi maaaring maipahiya namin ang school pag nagkataon. Subalit, hindi naman po nabigo ang inyong lingkod, gayundin ang aking partner na isang Chinese.

Nang natapos itong sa Century, dito na po nagsimulang tumaas ang perfectionism sa sarili ko pagdating sa hosting job, 'yung pag nagkamali ako ng sabi ay naiinis ako sa sarili ko.

Kaya naman, nung nasundan ito ng sa SM San Lazaro, SM Manila at sa SM Mall of Asia, tintiyak ko laging hindi ako magkakamali, sa spiels at sa sequence of events. Ngunit ang naging bad effect nito ay nadamay na rin ang ibang tao sa ini-set kong standard na dapat lang ay para sa sarili ko.

'Nung sa SM Manila, which is the biggest crowd na nakita ko, daan-daan ang nanood, I was almost late kasi walang masakyang jeep (lagi kasing puno) papunta sa naturang mall, it took us (kasama friend ko at kapatid ko) more than an hour sa kahahanap lang ng jeep. Kaya naman, I was almost late, mga twenty minutes na lang siguro. Sinabihan ako ni Principal na ang dami-dami na raw tao, kailangan na raw magsimula kasi dapat daw pakiramdaman namin ang aura ng audience. Medyo nainis ako dun, yeah, I know mali ang pagiging almost late, kaso, hindi din naman 'ata maganda na magsimula agad.

I agree na pakiramdaman ang audience pero same principle with being too late, too early is also bad. Mabibigla ang madlang tao. 4:30PM ang scheduled start pero gusto nila 4:15 something magsimula na, for me, hindi naman 'ata pwede 'yun. Nangangamba ako na baka may ibang performers na hindi pa nakakarating, o dili kaya may iba pang panauhing hindi pa nakapunta, tapos malalaman nilang "late" sila kasi we started early, so nonsense 'yung pagtatakda ng oras.

At that moment, na-point out ko na the program starts with us bilang emcee. That is a boastful statement, pero, hindi pa 'ko nagtatapos dun, dahil base na rin sa aking mga karanasan, sa kabuuan ng isang programa, 'yun lang ang kayang kontrolin nang buong-buo ng isang emcee. How about the other parts of the program? Heh, hindi na kayang hawakan ng emcee 'yun kasi dahil sa marami pang factors. I will go to details tungkol sa bagay na 'yan later.

Nung naparito ako sa China, laking gulat ko nang ako ang mapili ng Student Council na mag-emcee sa declamation contest, well, it is not campus-wide, restricted to our Overseas Chinese Education course lang; pero kahit na, Chinese 'to e. Nagdalawang-isip na naman ako, pero tinanggap ko pa rin ang hamon.

Sa pagkakataong ito, nag-develop naman ang public speaking ko, in Chinese nga lang; dito rin na-develop ang self-control ko while on stage. Kasi naman, sino bang hindi maiinis sa kapartner mong inagawan ka ng linya on stage? Kapeste talaga 'yun, napansin din 'yun ng audience kaya nag-cause 'yun ng usapan for a short while. Hindi ko na maalala kung nakunot ko noo ko nun sa harap nila, pero what I did after was I plastered on a smile, as if nothing happened. Grabe talaga, nagpaka-ipokrito ako sa harap ng audience dahil doon.

That was the first time sa life ko na kaming emcee ang magbubunyag ng winners, so dapat exciting 'di ba? Kaso inagaw ng kapartner ko 'yung trabahong dapat kaming dalawa ang gagawa. Ang boring kaya, walang excitement, ni-pabitinin ang mga hininga ng mga naonood wala e. Grabe ang pagkalungkot ko noon. Pero I made a determination to do it better, kung ako man ulit ang mapipiling emcee, sa susunod na taon.

At ako nga muli ang naging emcee ng declamation contest ng sumunod na taon, which is this year. Pero bago muna 'yan, I had my very first solo hosting job nung October last year. Hindi rin dapat ako ang emcee nun, pero dahil sa walang ibang mapili, ako na naman ang sumalo. The day before lang ako nasabihan, pero gawa na ang script at sinabi naman na sa'kin ang flow ng program, kaya naging smooth din ang solo hosting ko that day.

At ang sumunod na nga ay itong declamation contest nitong taon. Binuhos kong lahat ng efforts, mula sa costume na pinagkagastusan ko talaga  hanggang sa background music namin ng partner ko sa awarding ceremony. I planned to make this year's contest more exciting and more memorable than the last time, for this will be my last time to do the emcee job dahil restricted na 'ko next year to do so sa susunod na declamation contest.

Maliban sa isang maliit na pangyayari, naging maganda ang flow ng program mula simula hanggang sa bago mag-awarding. Ang pangyayaring tinutukoy ko ay nung nagsimula kami'y napilitang kaming magsimula ulit kasi walang sound 'yung mikropono ng partner ko. Though nakakahiya talaga, binale-wala ko nalang iyon.

Dumating ang awarding ceremony, nagkamali-mali na sa pagkasunod-sunod ang pag-announce namin ng winners kasi may nakalimutan na isang special award. Tapos, minamadali pa ko sa oras, kesyo alas nuwebe na daw; and then nagkamali pa ng pagpindot dun sa makeshift scoreboard. Ilan lang po ito sa mga ikinainis at ikinagalit ko kaya nadismaya ako. Dagdag pa diyan ang gutom kasi hindi ako kumain prior the program. Medyo sumasama kasi tiyan ko nun at plinano kong pagkatapos na lang ng programa tsaka ako kakain.

Marami silang hindi nakaintindi sa 'kin, sinabi pa nilang wala daw akong dapat ikagalit. For me kasi, last ko na 'yun, kung may mga kapalpakang lumabas sa programa, wala na akong tsansang baguhin iyon next year, ibang tao na ang mag-e-emcee. Hindi naman siguro masamang mag-set ng goal, na pagandahin at mas maging exciting ang contest this year, hindi naman ako nagse-set ng pang ilusyon lang, makatotohanan po ang lahat ng isinet ko. Sa isip-isip ko, mahirap bang gawing maganda at flawless ang programa?

Naayos din naman ang problema ko with them (mga kapwa ko SC members) five days later. Naintindihan din nila sa wakas, pero sinabihan ako ng committee head ko na OK lang daw mag-set ng goals, pero dapat hindi ko raw dinadamay ang ibang tao dun, kasi unang-una, hindi nila alam na may ganon pala akong goal. In-accept ko naman ang sinabi niya.

Tulad nga ng sinabi ko kanina, ang powers lang ng emcee ay nasa umpisa lang ng isang program. Pero the rest, 'yung mga taong nasa technical committee, 'yung mga contestants, 'yung oras, 'yung audience, bilang isang emcee, hindi ko kayang kontrolin ang mga iyan ngunit kailangang sumunod sa flow. Ito ang aking pinakasariwang natutunan sa loob ng labin-isang beses. I have a personality kasi na maiinis ako pag may sudden changes sa naiplano na. I think ito'y kailangan ko talagang maisabuhay hindi lang sa pagiging emcee, kundi na rin sa mismong buhay ko na rin.

Sabi nga ng isang kanta, "Everything can change when you least expect it."

So, sa mga magbabalak mag-emcee in the future, nawa'y may napulot po kayong mga tidbits on how to do it yourself. Madaling magsalita pero pag kaharap mo na ang mga tao, nerbyos at takot ang sasalubong sa'yo, pero kailangan mong harapin ang mga iyan, masasanay ka rin. You'll see! =7

>> rrj@chn_2012-04-24

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.