FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 18 April 2012
For the second part, click here.
My batchmates' "gift"
After lunch, may "Chinese Urban Culture" class ako ng 1PM, nataon din namang magtatawag ang prof namin ng ilang students para mag-discuss sa harap regarding ng napili nilang city in Southern China.
At isa sa mga natawag ay ako. Well, the prof told me that whether mabunot niya 'ko o hindi, I would still discuss in front of the class.
Sa mga nakakakilala sa 'kin, alam na nila what I'll do, most of the time, hindi po naghe-hesitate ang inyong lingkod. 'Pag natawag, sige lang...go!
E 'di 'yun nga, natawag nga ko. Punta ako sa harap. Discuss lang. Never expected that they will appreciate my work.
Tapos nagbotohan, sino daw 'yung Top 3 for them. Thanks to the 44 votes, I topped the voting. That was the "birthday gift" I received from my fellow batchmates.
The Committee Meeting that made me irritated at first, but...
At 5:30PM that day, a committee meeting was scheduled to tackle about the recently held "Chinese Tourism Seminar" and the upcoming Chinese declamation contest. Present are my committee head, my fellow committee members, and one of our student council's vice chair.
Una, hinanapan ako ni vice chair ng script, ako kasi muli ang tatayong emcee sa naturang contest, this will be my second year in a row na mag-emcee nun. Sabi ko, first part pa lang ang nagawa ko. So pinabasa niya 'yung first part. Binasa namin ng partner ko. Pero dissatisfaction was seen in her face. Sinabi niya na sinabihan na daw niya ang student council chairman at ang council adviser na maipapakita na daw niya ang script sa araw na 'yun, nadismaya siya kasi mapapahiya siya sa dalawa.
Ang sabi ko naman, wala pa kasi akong ideya kung ano ang magiging takbo ng program, kung pagsasalitain ba ang mga pinuno ng college, kung ilan ang contestants for both individual and group categories, kung magla-live comment ba ang mga inampalan kada pagtapos mag-declaim ang isang contestant and the like. Sinabi ni committee head ko na ibibigay na daw ang mga iyon sa akin kinagabihan.
Kaya naman, nag-promise ako na kinabukasan na nila matatanggap ang script. Malakas akong mangako that time kasi at 10AM the next day, wala akong pasok, 3PM pa next class ko so I have at least 5 hours to do that. And sa tanang buhay ko, hindi ako umabot nang ganun katagal sa pagsulat ng script, besides, naka-type naman.
Natapos ang isyu ng script. Sinundan ito ng ebalwasyon tungkol sa katatapos lang na seminar na ang komite namin ang punong-abala.
Unang binanggit ng vice chair namin ang case ng biglaang pagkawala ng projector na isang vital tool para sa naturang seminar. Yeah, totoong biglang nawala ang projector, pero ani ng commitee head namin, hours before ng seminar, nakita pa niya itong nakakabit sa kisame. 'Nung nadiskubre ko lang na nawawala ito tsaka lang siya naalarma. 'Yun pala, tinanggal muna ito kasi may sira daw. Kaya naman, humiram kami ng another projector.
Pero si vice chair, sinabihan pa rin na sa susunod, tingnan muna ang bawat kagamitan kung present ba sila o hindi, para mapaghandaan.
Sunod na binanggit ay ang paglitaw ng messages ng committee head namin from a chatter sa MSN, na nakabukas pala while the seminar is ongoing. Laptop kasi ni committee head ang gamit namin kaya whatever happens sa laptop niya ay naka-broadcast ito sa output ng projector. Sinabon ni vice chair ang head namin dahil unang-una, hinayaang naka-online ang MSN ng huli habang nagse-seminar ang speaker. Kahiya-hiya daw. At pangalawa, kasabay ng tawanan ng audience, tumawa-tawa rin daw ang head namin.
Dito ako unang nainis, tinanong ko vice chair namin, sabi ko, "E anong gusto mong ilabas na facial expression ng committee head ko?" Hindi niya tuwirang sinagot ang katanungan ko, bagkus sinabi lang niya na hindi naman daw kailangang tumawa pa ang head namin sa ganung pangyayari. Whatever, sa isip-isip ko.
Pangalawang ni-raise na problem kuno ay ang comprehension difficulty ng ilang audience sa seminar. Sinabihan ni vice chair si head namin na sa susunod, piliin daw mabuti ang iimbitahang audience, kasi nagmukhang walang kwenta ang seminar kasi panay daw daldal ng ibang audience kasi nga hindi daw nila naintindihan.
Pangatlong problema kuno ay ang sa question and answer portion, ang hihirap daw ng questions namin. Kitang-kita daw dahil may ilang natawag pero nung pumili na ng munero sa PowerPoint, hindi daw makasagot kasi napakahirap nga ng tanong.
Habang naririnig ko ang mga ito, sa isip isip ko, bakit sa amin mo binabato lahat ng 'to? 'Di ba inaprubahan ninyong lahat ito? 'Yung questions, siya mismo ang nag-check nun e. E 'di ibig sabihin responsable din siya dun sa kahirapan ng mga tanong kasi hindi niya man lang binago or what.
Huling ni-raise na problem ay ang frequent daw naming paglabas pasok sa mga pinto. Nakaka-istorbo daw ng audience (nasa harap kasi ng audience ang mga pinto). Ako na ang nagsalita dito in defense of our team, sabi ko, e anong gusto mong mangyari? Ipagpilitan naming dumaan sa likod kahit wala talagang space para dumaan? Or dili kaya dumaan in front of the audience and the speaker? Sinabi ko talaga nang harap-harapan na "hinahanapan mo kami ng butas sa mga sitwasyong wala naman kaming choice".
Si committee head din naman ay nangangatuwiran din kaso ipinagkibit-balikat lang ito ni vice chair at sinabi sa kanya na "hindi ka naparito para pangaralan ako kung anong dapat kong gawin". This time, nakita ko face ni head, hindi maipinta, mangiyak-ngiyak na. She took her bag and literally walked out of the meeting venue. Tinawag siya ni vice chair na bumalik pero umalis lang siya.
Grabe naman kasi si vice chair makapang-comment. Parang wala kaming ginawang tama.
By the time our committee head walked out, I asked the vice chair, "Kung ginaganito niyo lang kami, sana 'di na ikaw nag-text sa'min isa-isa na 'Job well done' "
Depensa niya, "'Yun ba ang tinext ko sa inyo? Ang tinext ko ay 'OK lang ang kinalabasan ng seminar.' "
Sinabad ko siya, "Kahit na, positive pa rin ang text mo. Pang-aasar 'ata itong ginagawa mo sa amin e."
Hindi na siya sumagot. Tinawagan na lang niya si committee head na bumalik na agad.
Sa isip-isip ko, grabe, last year, nabahiran ang birthday ko ng pagkainis, ito't birthday ko ulit, ito na naman!
Tsk tsk tsk!
Kinakausap ko pa ang kapwa ko member nang biglang pumasok si committee head...
...may bitbit na cake!
'Wag niyong sabihing...
"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! ..."
HAY NAKU! NAKAKAINIS!
Hindi ako makapagsalita. Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko kanina. Nahiya ako kay vice chair.
Ang meeting pala na iyon ay isa lamang MALAKING setup para pabanasin nila ako.
Ang mastermind ay si committee head.
Hay, grabe talaga!
Conclusion
Isang napaka-memorable ang naging ika-19th birthday ko. Hindi ko alam anong nagawa ko sa kanilang mabuti that will make them feel grateful for having me. I just did my part as a member of the student council, as a classmate, as a friend, at kung anu-ano pa.
Apart from my 17th birthday last 2010 wherein I graduated from high school and delivered my third valedictory speech, my most recent birthday was the best. Kaya naman bawat oras, bawat minuto ng araw na 'yon ay aking inalala upang maibahagi ko ito sa aking blog.
Sa mga nagmamahal sa'kin, I'm very glad for having you too.
Sa mga nag-greet ng araw na 'yon sa Facebook, Twitter at kung saan pa, many thanks to all of you!
To those who were with me on that day, thanks for making that day memorable not only for me but also of yours also.
Thanks be to God. Hope that my 20th will be as happy as the 19th.
>> rrj@chn_2012-04-18
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.