FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 11 April 2012
Ito po ang kauna-unahang pagkakataong sumulat ang inyong lingkod ng blog sa wikang Filipino. Ito rin ang unang pagkakataong mapasaya ko kayong lahat, aking mga mambabasa, kahit man lang sa paraang medyo corny kumbaga.
Hindi na po bago ang "Joke Sakto" sa pandinig ng aking mga kaklase at ka-eskuwela noong nasa hayskul pa 'ko. Ito po ay naging comedy segment ng noo'y "25 Oras" na ang inyong lingkod din po ang gumawa.
Nagsimula itong "Joke Sakto" noong taong 2007 sa "25 Oras", mula pa sa isang tabloid ang mga kalokohang pinagkukuha ko noon. Naging patok naman iyon sa mga ginigiliw kong mambabasa kaya naman mula sa isang beses sa isang buwan, naging kada dalawang linggo ang labas nito hanggang sa tuluyang mamaaalam sa paningin ng mga mambabasa ang "25 Oras" noong Nobyembre 2009.
Ngayon at nagkaroon na 'ko ng sariling blog, ito nga't napagdesisyunan ko na ibalik ang "Joke Sakto" na halos dalawa't kalahating taon na ding nabaon sa limot.
Ngunit sa pagkakataong ito, karamihan po ng jokes ay hindi ko na po kukunin mula sa mga pahayagan, o dili kaya sa internet. Pawang orihinal po ang ipo-post ko dito. 19 taong gulang na po ang inyong lingkod, baka ako pa po'y mademanda...hehehe! Subalit kung sakaling may pinanggalingan ang mga naturang jokes, sasabihin ko naman po kung saan o kung kanino galing.
Simulan na po natin!
Joke # 1
Laging sinasabi ng teacher natin na mag-take notes palagi para hindi makalimot.
Eh, lagi kong nakakalimutan ang mga panaginip ko eh.
Pa'no 'yon? Mag-take notes habang nananaginip?!
Imba!
Joke # 2
Na-e-excite ako, magkikita kami ngayong araw!
Habang siya'y papalapit, bumibilis tibok ng puso ko...
Tumakbo ako, napatigil siya...
Humihingal pa 'ko nang biglang sabihin niya, "Alam mo, Troy, may sabihin sana 'ko sa'yo eh..."
"Ano 'yon?" Mukha ko'y pulang-pula tulad ng mansanas...naghihintay sa kanyang sasabihin.
"Troy, I hate to say this, but... Talikod ka muna, bukas zipper mo."
Joke # 3 (mula sa isang website dito sa Tsina)
Anak: 'Tay, bakit wala po akong kapatid?
Tatay: (naistorbo sa pagbabasa ng dyaryo) At bakit gising ka pa? Matulog ka na nga!
Joke # 4
(Nag-uusap sina Webcam at A***e Photoshop)
Webcam: Alam mo, nagtatampo ako sa amo natin.
Photoshop: Bakit naman?
Webcam: Kasi, nagmumukha akong sinungaling pag nakikita niya sarili niya sa 'kin.
Photoshop: Ha? 'Di ko gets?
Webcam: E alam mo naman 'tong amo natin, hindi niya matanggap na hindi siya kagandahan, e 'yun naman talaga siya e.
Photoshop: Ah, siya pala 'yun? 'Kala ko ang ganda niya, kainis! Nagpapagamit pala ako sa panlilinlang niya!
Joke # 5 (isang tunay na pangyayari)
Meron po akong isang kaibigan, nakakatuwa.
Isang araw, pagka-uwian, nagsitayuan mga kaklase ko, nang bigla niyang sabihin, "Manatili po muna tayo sa ating mga kinalalagyan" (kasi may pag-uusapan ang klase namin). You know what she did? Hindi siya nanatili, umalis siya mismo ng classroom, well para sumagot sa tawag ng kalikasan.
Joke # 6
Ang alamat ng salitang "palpak"
May isang Amerikano at isang Pilipino, magkaibigan sila.
May nagustuhan ang Amerikano na isang mayuming nilalang. Isang araw, sinama niya ang kaibigang Pilipino sa kanilang date.
Habang nagde-date, niyaya ng Kano ang kasintahan na gawin ang gusto nilang gawin. Ngunit pagkatapos ang ilang segundo, lumabas ng kwarto ang Kano at ang kasintahang bigla na lang umiksi ang buhok.
Sabi ng Pinoy: "What happened? Did you enjoy it?"
Sagot ng Kano habang nakaturo sa baklang kasintahan: "Pal..." sabay sampal sa kanya...PAK!
'Yun na po 'yun, ang alamat ng salitang "palpak"!
Joke # 7
'Yan ang napapala ng mga mayayabang! 'Kala mo kung sino! Sana mahulog sa manhole lahat ng mayayabang sa mundo!
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
Peste! Nahulog ako!
Joke # 8
(Si Totoy, nakita si Nono, hinahalukay ang laman ng itlog sa loob ng bowl.)
Totoy: Hoy Nono! Ano 'yang hinahanap mo diyan?
Nono: May sisiw daw kasi sa loob ng itlog, kuya e. Kaya hinahanap ko, kaso wala naman.
Totoy (sabay batok): Loko! Kitang hilaw pa ang itlog e! Natural walang sisiw!
(Pagkalipas ng ilang minuto...)
Totoy: O, ano na naman 'yang hinahalukay mo?
Nono: Niluto ko 'yung itlog, baka maging sisiw e!
Joke # 9
(Isang banat)
'Lam mo, nahihilo ako sa'yo e.
Ayaw mo sa matatamis, pero gusto mo ng sorbetes;
ayaw mo sa color violet, pero parang walang araw na hindi mo suot ang headband, earphones, hikaw at necklace mong violet;
ayaw mong mag-alaga ng hayop, kaso lagi mong hinahawakan aso namin.
'Lam mo, ayaw ko sa inconsistent e,
kaso,
GUSTO KITA!
Joke # 10
Kinaiinisan natin ang mga taong...
sinosolo ang aircon...
Sige na! Ikaw na! Bigyan pa kita ng sampu diyan e!
Teka teka, bago 'yan, bigyan ko muna siya ng pabango! Useless din ang sampung aircon kung may isang dambuhalang "air defreshener" ang nakaharang! Hehehe!
Sige! Unang episode pa lang naman 'to. May susunod na!
Joke lang itong lahat! 'Wag totohanin!
Hanggang sa muli!
>> rrj@chn_2012-04-11
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.