FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 27 May 2013
Isang araw, si Tatay, pinalo si Nono.
Nono (umiiyak): Bakit ba 'Tay lagi niyo na lang akong pinapalo?
Tatay: Kasi mahal kita! Kaya magtanda ka! (sabay palo ng isa pang beses).
Nono: Aray! Hindi naman po patas 'to!
Tatay: At bakit naman?
Nono: Kung pagmamahal lang ang dahilan, sana nagpapaluan na tayong lahat!
Joke # 2
Anak: 'Tay, ba't ang dami niyo pong puting buhok?
Itay: Aba, nagtanong ka pa? Dahil iyan sa pagiging kunsumisyon at pasaway ninyo! Sana hindi ko na lang kayo naging mga anak! Buti pa 'ko noong araw, ke-bait-bait!
Anak: Weh, kaya pala ang dami-dami ring puting buhok ni Lolo?
Joke # 3
(Sa sementeryo.)
Ale: Huhuhuhu! Bakit mo 'ko iniwan??! Huhuhu!
Baliw (napadaan): OK lang ho ba kayo?
Ale: Huhuhuhu! Iniwan ako ng asawa ko e!
Baliw: Nasaan po ba ang asawa mo? Sa'n ba kayo dapat magkikita? Dito ba sa sementeryo?
Ale (medyo inis): Ano ka ba naman? Patay na asawa ko! Kaya nga 'ko nandito, 'di ba?
Baliw: Oo nga naman, ba't ka nandito? 'Di ba mga patay lang nandito? Patay ka na rin pala! Wahahahaha!
Ale (mas nainis): E, ba't ka rin nandirito? 'Di ka rin naman patay a?
Baliw: Patay...patay...ako? Ha? Ako? Patay? Wahahahahaha!
Ate (sobrang naiirita na): Tse! Diyan ka na ngang baliw ka! Wala ka lang makausap e! Heto piso, maghanap ka ng kausap mo! (umalis)
Baliw: E sinong kausap mo kanina? Wala rin 'di ba? Hahahahaha! Iniwan daw? Hahahahaha! Text mo 'ko 'pag bumalik na siya a? Hahahahaha!
Joke # 4
May isang hambog akong kaklase, pinagmamayabang niyang lahat ng gamit nila ay imported.
Isang araw, nagsuot siya ng polo na puro square ang disenyo. Tanong namin sa'n galing, from Czech Republic daw.
Dinala naman niya ang alaga niyang isda, tatlo 'yun, from Finland daw.
Minsang nagpa-project ang guro namin, magdala daw ng kahit anong halamang naka-paso na, para gumanda naman daw ang silid. Nagdala nga siya, ang halama'y galing Greenland at ang lupa, bagong tuklas lang daw, galing Newfoundland.
Tapos, nag-contact lens naman siya, kulay berde! 'Di niya matandaan sa'n galing pero baka from Iceland daw iyon.
Naghinala na kaming magkakaklase, grabe naman iyan. Napakaimposible namang lahat ng gamit nila imported!
Gumawa kami ng paraan kung paano siya mabisto. Pero napagkasunduan na lang naming pagtripan na lang siya.
Isang araw, nag-abang kami sa kalyeng dinaraanan niya pauwi. Noong naroon na siya, binulaga namin siya at itinali.
Ako: Hulaan mo sa'n galing 'tong tali?
Hambog: Saan?
Ako: Sa Italy, bobo!
Hambog: Imposible! Ba't niyo ginagawa sa'kin 'to?
Ako: Tara na, mga kasama! Itali natin siya sa flagpole na galing Poland! Buhusan siya ng putik na may pawis, libag, laway, kulangot, tinga, tutuli at sipon na galing pang Germany! Pakainin din ng labuyo galing Chile! Palibutan siya ng dagang galing Costa Rica!
Batuhin na rin siya ng bato galing Estonia at ng mga sapatos galing Netherlands at Slovakia!
Lahat: Oman! Yemen!
Simula noon ay hindi na siya nagyabang pa. Alam na namin ang panloloko niya e.
Kayo, alam niyo na rin ba?
Joke # 5
Guro: Noong primitibong panahon, walang masyadong kasuotan ang mga tao. Ngayong modernong panahon, sobra-sobra na ang damit ng mga tao.
(Nakita ng guro si Lando, hinubad ang uniporme.)
Guro: Lando! At bakit hinubad mo ang uniform mo?
Lando: Sabi niyo po kanina, sobra-sobra na ang damit natin? Hinubad ko lang po yung sobra!
Joke # 6
Bakit nga ba mahal kita
kahit 'di pinapansin mga pimples ko?
'Di mo man ako mahal,
heto pa rin ako, nagpupuyat para lang sa'yo?
Bakit nga ba mahal kita
kahit na may pigsa na 'kong iba?
Ba't ba baliw na baliw ako sa'yo?
Hanggang kailan ako magtitiis?
O bakit nga ba mahal kita?
(Awit ng isang babaeng punumpuno na ng pimples ang mukha.)
Joke # 7
DRAMA SA RADYO
Babae: Walang-hiya ka! Nakuha mo pang mambabae! Galit na galit ako! Kukuha na 'ko ng kutsilyo sa kusina. Heto na't hawak ko na!
Lalaki: Sige! Nakahiga na 'ko ngayon sa sahig, ang paa mo'y nakatapak sa aking dibdib. Gawin mo na kung anong gusto mo sa akin!
Babae: Iniaangat ko na ang dalawa kong braso! At buong-lakas kong isasaksak sa dibdib mo ang kutsilyo! Ugh!
Lalaki: Uh! Nakatusok sa dibdib ko ang kutsilyo! May dugo nang lumalabas! Nahihirapan na 'kong huminga! Uh....uh.... Mamamatay na 'ko! Uh.....uh.....uh..... Pumipikit na mga mata 'ko! Patay na 'ko...
WHEW, buti na lang naimbento ang TV!
|| cHNJoeCo0327Xi50145n145XQObql
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.