FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 31 May 2013
To those blog readers who are not based in the Philippines, just so you know, classes in our country commence every June and end on either March or April. Thus, this blog post is made in time for the upcoming opening of classes in the Philippines next month.
Ayan. Naku, June na naman! Iinit na naman ang mga upuan sa mga classroom dahil nga'y papasok na naman tayo...ay, kayo pala!
Sure na sure ako na nag-iisip kayo what to expect pagpasok ng klase.'Yung iba diyan kinakabahan na, either natatakot kung anong klaseng kaklase na naman ang makakaharap nila, o natatakot sa subjects na haharapin. 'Yung iba naman ay tuwang-tuwa kasi may baon na naman, makikita na naman si crush, o magsisimula muling mag-multiple choice ng mga guys o gals sa campus.
Magbibigay lang naman ako ng tips kung ano ang dapat gawin bago at sa araw ng pasukan.
Bago magpasukan
1. Dahan-dahaning ikundisyon ang sarili.Heto nga't ilang araw na lang ay magsisimula na naman ang klase, medyo tanggapin ninyo na magti-"till we meet again" na kayo ng summer vacation. Puwede pa rin namang magsiyesta kaso kailangang naka-set ang mind mo na magpapasukan na, para hindi kayo mabigla sa araw ng pasukan.
2. Tabunan ng excitement ang kaba.
Mas magandang isipin kung sinu-sino ang makikita mo sa pagpasok mo sa first day rather na alalahanin na mas mahirap na ang mga subjects na kakaharapin mo. Natural lang na mas mahirap ang susunod kasi nga "promoted to next level" ka nga e.
Isipin mo na lang kung ano nang hitsura ng mga classmates mo pagbalik, may tumaba ba, umitim, tumangkad, atbp.
3. Tawagan ang mga kaklase
Medyo not applicable to all ang tip na 'to mas lalo na sa mga transferees at mga Freshman students.
Pero makatutulong ito upang bigyan ng mindset ang sarili bago magpasukan. Tanungin mo sila sinu-sino pa ang posible ninyong maging kaklase pa sa June, sinong mga teacher ang magtuturo sa inyo. Basta't pag-usapan ninyo at mag-imagine kung ano kayang mangyayari sa inyo sa susunod na sampung buwan ng eskwela like Intrams, Buwan ng Wika, school foundation day, JS Prom, etc.
4. Mag-set ng goals
Habang wala pang klase at hindi pa busy sa mga assignments at projects, ito ang tamang panahon para bigyan ng challenge ang sarili: ang magbigay ng goals.
Mag-set ng goals sa lahat ng aspeto mapa-aral (dapat lahat pasado), pinansyal (makaipon, makabili ng bagay-bagay), sosyal at kung ano pa. Siguraduhin lang na tama at makatotohanan ang mga kundisyones.
Mawawala ka ng panahong mag-set pa ng goals kung gagawin mo iyan kaalinsabay ng mga takda sa school. Dapat talagang sa una pa lang ay alam mo na ang dapat mong gawin pagpasok pa lang on the first day.
5. Huwag nang magpuyat at magtamad-tamaran.
Isa sa magandang disiplina ng isang tipikal na pamilyang Pilipino ang laging pagpapaalala na matulog na nang maaga habang papalapit nang papalapit ang pasukan. Taun-taon kong naririnig iyan mula sa aking mga magulang na "hoy, matulog na't magpapasukan na".
At magpaka-busy na rin kayo para hindi kayo mabigla sa buhos ng sandamakmak na mga ipapagawa sa inyo, mga research, homework, essay sa panahong mas madali na ang paghahanap ng kasagutan. Keep in mind na mas tumalino na rin ang mga guro sa pagbibigay ng assignment at sasabihin nila sa inyong "pwede naman nang mag-internet ah?" Kaya ngayon pa lang ay bigyan na ang sarili ng mga pwedeng pagkaabalahan, take note, produktibong pagkakaabalahan.
Sa mismong araw ng pasukan
1. Maging maaga. Huwag na huwag ma-late.Kaugalian ng mga Pilipino na maging maaga sa unang araw ng klase. Tama nga lang naman iyon.
Mas maganda at mas memorable ang first day mo kapag naabutan mo ang buong pangyayari mula flag ceremony hanggang sa pagpapakilala ng inyong mga sarili sa klase. Nakakahiya ang first day kapag nahuli ka at tiyak na magiging good example ka sa pagbasa ng rules and regulations na bawal ang mahuli sa klase.
By the way, malalim ang impresyon hindi lang ng teacher pati na rin ng buong klase sa mga estudyanteng nale-late sa unang araw ng pasukan. Sa totoo lang, naalala ko pa kung sinong na-late sa amin noong first day ko noong high school.
Ikaw din, you will be branded for life.
2. Maging handa at alisto.
Siyempre, naglalabasan na ang kayamanan sa unang araw ng pasok, kaya nakiki-first day din ang mga halang ang bituka! Sa totoo lang ay wala naman silang pinipiling araw kaso parang sa agriculture lang iyan e, may harvest season. Hala ka't 'pag hindi ka handa, mape-first day ka rin sa kaengotan mo!
3. Tanggalin ang maskara.
Parang requirement na 'ata sa lahat ng schools na "introduce yourself" 'pag first day. Naman! Para nga naman magkakilala lahat, especially na ang mga nasa Freshman level.
Pakatandaan na magpakatotoo sa kanila at sa iyong sarili tuwing magpapakilala. Dahil ito ang magsisilbing unang impression nila sa iyo at nagtatagal ito baka nga hanggang sa huling hininga ng mga kaklase mo. Ito rin ang magsisilbing unang ebidensiya nila sa iyo kapag napatunayan nila na peke ang testimonya mo, thus losing their hard-earned trust.
Kilala ang kasabihang "first impression lasts" diyan kaya tanggalin ang kaplastikan at bigyan ng magandang impresyon ang iyong guro't mga kaklase sa pamamagitan ng isang maganda, friendly at makatotohanang "introductory speech".
4. Makipagkaibigan, 'wag suplado.
First days are made for new beginnings, kaya naman it's also the time for you to establish friendships sa mga tao sa school.
Dito na pumapasok ang problema ng "introversion vs. extroversion" at yung "hindi ko siya ka-level" na mga kaartehan.
Wala tayong problema sa mga extrovert o 'yung mga taong mahilig sa pakikihalubilo sa tao. Kaso ito lang ang masasabi ko sa mga introvert: being one is not an excuse to refrain from making friends. No man is an island. Aba, wala kang matatakbuhan 'pag wala kang karamay. At isa pa, mas maganda kung ikaw ang lumalapit at hindi sila (mas lalo na sa mga guys).
At sa mga naghahanap at namimili lang ng mga ka-level nila, masama naman 'atang manghusga ng kaklase mo sa unang araw. It's prejudice. Hindi iyan ang batas ng moralidad. Talk to those mga inaakala mong hindi mo ka-level, malay mo katulad mo pala sila, o baka nga hindi mo ka-level kasi mas mataas pa ang antas nila kaysa sa iyo.
5. Laging tandaan na "You can't please everybody".
Don't expect na matutuwa lahat sa iyo sa first day. Laging naririyan ang mga insecure at mga maaarte sa klase. Huwag niyo na lang pansinin at sabi ko nga kanina'y be yourself. Start your school year with you being yourself nga kaysa sa binibigyan mo sarili mo ng penitensya sa utak kung paano mo sila mapi-please. Hayaan mo nga 'yan. If they find you weird, then be weird. Basta ang alam mo sa sarili mong ikaw iyan at hindi ka sinapian ng vanity at hypocrisy, at alam mong wala kang nasasaktan at natatapakan sa unang araw at sa mga susunod pang kabanata.
But, but, but, kapag majority ng class ay hindi pabor sa'yo, mag-isip-isip ka na nga. Baka mabago mo pa at maihabol mo ang sarili mo sa pagpapakitang-gilas sa second day.
6. Tandaan na "Teachers are cats outside but are ruthless tigers inside on the first day."
Wala. Sariling opinyon ko lang iyon kasi lahat naman 'ata ng guro ay gusto ring magkaroon ng magandang impresyon sa kanyang mga alaga sa unang araw ng pasukan. Kaya bihira ang may nagagalit na guro on the first day.
'Yun nga lang, huwag na huwag ninyong subukan ang inyong mga guro dahil 'pag ginalit niyo sila, they would be angry at you and your class habambuhay!
---o0o---o0o---o0o---o0o---o0o---o0o---o0o---o0o---o0o---o0o---
Kung may nais po kayong i-share ukol sa topic na ito'y mangyari po na mag-komento sa bandang ibaba ng blog post na ito. Maaari rin naman hong magpadala ng e-mail sa joeco0327@yahoo.com.ph
|| Follow me on Instagram: JoeCo0327
|| Add me up on WeChat: JoeCo0327
|| cHNJoeCo0327Xi50145n145XQObei
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.