FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 3 Sept 2012
Joke # 1
Biritera 1: Hmp! Wala ka sa 'kin! Nakalimang konsiyerto na 'ko! Sa galing kong kumanta, lagi akong binibigyan ng standing ovation!
Biritera 2: O, talaga? Sigurado ka bang lahat ng tao tumayo't pinalakpakan ka? Ako, oo! Lahat sila binigyan din ako ng standing ovation! Bata, matanda, lalaki babae, mayaman at ultimo 'yung naglilinis ng lugar tumayo din!
Biritera 1: Weh?! 'Di ako makapaniwala!
Biritera 2: Maniwala ka sa hindi, nagtayuan silang lahat! Sabay labas ng pinto! 'Di ba standing ovation 'yun?
Joke # 2[1]
The truth behind the song "Eternal Flame" and who really sang it.
BULAG: Close your eyes,
PILAY: give me your hand, darling.
BINGI: Do you hear my heart beating,
BOBO: do you understand?
MANHID: Do you feel the same?
DUKHA: Am I only dreaming?
BUMBERO: Is this burning, an eternal flame?
PIPI: Say my name,
BALIW: sunshine through the rain.
KAWAWA: My whole life, so lonely,
DOKTOR: they'll come and ease the pain.
MARAMOT: I don't wanna lose this feeling...
WOLF: ooohhh!!!!
Joke # 3*[1]
Tagalog translations for English movie titles...
3. I Know What You Did Last Summer - Uyy...Aminin!
4. Love, Actually - Sa Totoo Lang, Pag-ibig
5. Million Dollar Baby - 50 Milyong Pisong Sanggol (It depends on the exchange rate of the country.)
6. The Blair Witch Project - Ang Proyekto ng Bruhang si Blair
7. Mary Poppins - Si Mariang May Putok
8. Snakes On The Plane - Nag-ahasan sa Ere
10. Sum of All Fears - Takot Mo, Takot Ko, Takot Nating Lahat
12. Pretty Woman - Ganda ng Lola Mo
13. Robin Hood, Men In Tights - Si Robin Hood at ang mga Felix Bakat
14. 4 Weddings In A Funeral - Kahit na Apat na Beses kang Magpakasal, Mamamatay Ka Rin
15. The Good, The Bad and The Ugly - Ako, Ikaw, Kayong Lahat
16. Harry Potter and the Sorcerer's Stone - Adik si Harry, Tumira ng Shabu
18. Brokeback Mountain - Bumigay sa Bundok
20. Waterworld - Basang-basa
22. Employee of the Month - Ang Sipsip
23. Resident Evil - Ang Biyenan
24. Kill Bill - Kilitiin sa Bilbil
25. The Grudge - L**tik lang ang Walang Ganti
26. Nightmare Before Christmas - Binangungot sa Noche Buena
28. Never Been Kissed - Pangit Kasi
29. Gone In 60 Seconds - 1 Round, Tulog
32. Dude, Where's My Car? - Dong, Anong Level Ulit Tayo Nag-Park?
33. Beauty and the Beast - Ang Asawa Ko at Ang Nanay Niya
34. The Lord of the Rings - Ang Alahero
*Some parts of the original text are not included for having obvious inappropriate content.
Joke # 4[1]
Erap Visits The White House
A few years ago, President Erap was given some basic English conversation training before he visit Washington to meet President Bill Clinton.
The instructor told President Erap, "When you shake hands with President Clinton, say 'How are you?' Then, Mr. Clinton will say, 'I am fine, and you?' Now, you should say, 'Me, too.' Afterwards, we translators will do the work for you."
It looks quite simple, but what happened was...
when Erap met Clinton, he mistakenly asked "who are you" instead of "how are you."
Mr. Clinton was a bit shocked, but still managed to react with humor: "Well, I'm Hillary's husband, ha-ha..."
Then, Erap replied, "Me, too. Ha-ha..."
Joke # 5
Girl 1: Alam mo, hindi ko alam sinong pipiliin ko sa dalawa. Si Pipoy ba o si Franco?
Girl 2: Uhum...
Girl 1: Si Franco kasi, mayaman, may kotse, pero 'di ko nararamdaman ang tunay na pagmamahal sa kanya. Samantalang si Pipoy, mahirap, walang kotse, pero lagi niya 'kong hinahatid sa bahay namin, ang sweet-sweet niya palagi sa'kin.
Girl 2: Ah, si Pipoy na lang piliin mo...
Girl 1: E, anong sasabihin ko kay Franco?
Girl 2: Sabihin mo, akin na lang siya!!! I can be his baby!!!
Joke # 6
PUBLIC SIGNAGE
- "NO LEFT TURN" - magandang pampaalala kay Mister mas lalu't ginagabi lagi ng uwi
- "NO SMOKING" - bawal ang mga magdadaing nito
- "NO PARKING ANYTIME" - anumang oras bawal kang mamasyal
- "NO HOWLING" - selfish ako, hindi ka pwedeng magtanong kung bakit, bahala kang magdiskubre
- "PULIS" - panakot sa mga masasamang loob
- "NO BLOWING OF HORNS" - huwag kang mahangin, matatanggal ang mga sungay
- "WALANG BABAAN" - oo nga e! Thanks for reminding me na tumaas na naman lahat ng gastusin ko, ha?
- "THIS SEAT IS STRICTLY FOR THE DISABLED ONLY" - pasensya na, disable makaintindi ng instruction ang nakaupo dito
- "DON'T LEAVE YOUR THINGS UNATTENDED" - huwag kalimutan ang bolpen at notbuk sa meeting niyo sa opisina, pag-atenin din sila ng meeting
- "KEEP OFF THE GRASS" - de-kuryente na ba ang mga damo ngayon? Patayan daw ng ilaw? May switch? May switch?
A: Yak! Pink suot mo? Bading ka ba?
B: Hindi a! Porke ba pink, bakla na?
A: Hindi naman, sa'n ka nga pala pupunta?
B: Ah, makikipagkita lang ako, secret ko na lang kung sino...
(The next day...)
A: O, kamusta ang date mo kahapon? Marami bang chicks?
B: Oo, kakainis nga e. Ang dami kong kakompetensya!
A: Ba't mo naman nasabi iyan?
B: Sa sobrang dami nila, hindi na ko nakapagpicture kasama ni Daniel Padilla! Ang cute-cute-cute pa naman niya kagabi!!! Sana ako na lang si Kathryn Bernardo para ako ka-holding hands niya....
(Nabalentong na lang si A sa narinig...)
Joke # 8
Nag-asawa si Pina Lu ng isang negosyanteng Chinese na si Mr. Tang. Kaya naman ang pangalan niya'y naging Pina Lu-Tang.
Isang araw, sobrang nagulat si Mr. Tang sa laki ng ikinita niya sa Pilipinas, ibinalita niya ito kay Pina at sa sobra ding gulat ay napaanak ito nang hindi oras.
Alam niyo anong ipinangalan nila sa bata?
Gu Lan Tang.
[1]Mula sa isang Pilipinong pandaigdigang magasin, One Journey International Magazine, Vol.01 No.01 August-September 2008. Credits to the editor, Ms. A. Abrugar, and to the publisher, One Journey Int'l Concepts (HK).
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.