FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 16 Sept 2012
PAUNAWA: Opinyon ko lamang po ang mga nasusulat dito. Huwag sanang ikasama ng inyong kalooban kung halimbawa'y nasaktan o natamaan ng mga nasusulat dito. Maaari po kayong mag-komento (ngunit dadaan po muna ito sa approval bago mailathala rito) kung pakiwari niyo po'y may mali po sa aking nabanggit o may iba pa po kayong mga naiisip.
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Ang ipis daw ay laging nasa dilim, natatakot sila kapag nakakakita ng liwanag.
Minsan, nagiging "ipis" din tayo, gusto natin na manatili sa mga madidilim na bagay, umaayaw sa paanyaya ng liwanag.
Gaano kadalas ba tayong naging isang "ipis"? Pakitanong po ang ating mga sarili.
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
"Why worry if you can pray?" Sabi ng isang kapanalig namin.
Oo nga naman, no. Pwede ka nga namang manalangin. Oo, worrying is human nature, pero hanggang doon na lang ba iyon?
Sa daming beses na nag-aalala tayo, may pagkakataon ba na nananalangin tayo sa Diyos natin, o pilit nating isinasarili at pilit nating kinakaya sa sarili natin na labanan ito?
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Sana maisaisip ng mga pulitiko hindi lang sa Pilipinas, kundi na rin sa buong mundo ang kasabihang ito ng mga Tsino:
"Ang pinuno ay isang bapor at ang mamamayan ang katubigan."
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Minsang pinagmamasdan ko ang aking relo, ibinibilang ko ang segundo...1, 2, 3, ..., 10, 20, 30, 40, 50, 60, tapos babalik ulit sa 1, 2, 3...
Naisip ko, sanay ang taong magbilang ng 1-100, hindi one-to-sixty.
Kung sandaang segundo ang isang minuto, tiyak maraming magbabagal sa lahat ng bagay, kasi one-to-one-hundred e.
Subukan mong magbilang hanggang isandaan. Hindi mo namalayang humigit-kumulang isa't kalahating minuto ka na pala.
Mabilis nga talaga ang takbo ng oras...
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Isa ito sa mga pinakapinanghihinayangan ko: dahil sa gustong maipagpatuloy ang kanilang karera (career) ay kinakalimutan na ang pagkamamamayang Pilipino pabor sa ibang lahi.
Pasensya na kung may iba kayong opinyon, pero it loses my respect.
Sa halip kasi na tulungang iahon o iraos ang bansa, mas idinidikdik pa...
Tulungan niyo po ang bansa natin! May aberya lang, lilipat na? Ano 'to, TV network?
Kaya maraming salamat sa mga taong nung sumikat ay hindi pa rin nalimutan ang lahing pinagmulan, bumibisita pa nga sila e!
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Lubusan akong naniniwalang may damdaming nasyonalismo pa rin ang mga Pilipino kahit na mabilis na nagbabago ang panahon.
Nakita naman natin sa internet kung paano natin ipagtanggol ang Pilipinas sa mga bumabatikos sa atin, na akala mong napakaperpekto ng kanilang nasyon, o kung sasabihin sa Ingles ay isa silang euphoria.
Pero tingin ko may nakakaligtaan tayo...
Mas saulo natin ang mga awiting dayuhan kaysa sa sarili nating Pambansang Awit.
Ang pag-awit kasi ng "Lupang Hinirang" nang walang mintis at nang buong puso ay pinakasimpleng pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating Inang Bayan.
Saulado ba natin ang bawat salita?
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Hindi ba pwedeng magkaroon ng sariling "Values Education" ang mga guro?
Marahil naiisip ng mga mag-aaral, nagtuturo sila ng mga ganitong bagay, mga patungkol sa moralidad, pero sila mismo, walang values.
'Di bale! Bukal na bukal po sa puso kong sumali sa kung ano mang values-oriented na programa 'pag naging ganap na guro na ako! Huwag po kayong mag-alala!
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
May mga bagay sa mundo na hindi mo magagawa hangga't hindi mo ginagamit ang bagay na makapagpapagawa ng bagay na yaon.
Tulad ng pagsisipilyo, hindi mo magagawa 'yan kapag hindi mo gagamitin ang sipilyo mismo. Lilinlangin mo lang ang sarili mo kung ipapahid mo lang ang toothpaste sa ngipin mo at palabasing nakapagsipilyo ka.
Tulad din ng pagkain, hindi mo maaaring lunukin na lang ang lahat, kailangan pa ring durugin muna ang ating mga kinakain bago lunukin.
Mga simpleng halimbawa lang po iyan ng pagdaan sa tamang proseso. Gawin po natin ang mga kinakailangang gawin. Huwag po tayong magtalon-talon sa mga proseso ng mga bagay-bagay.
>> rrj@chn_2012-09-16
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.