FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 20 Sept 2012
For the first episode, click here.
PAUNAWA: Opinyon ko lamang po ang mga nasusulat dito. Huwag sanang ikasama ng inyong kalooban kung halimbawa'y nasaktan o natamaan kayo ng mga nasusulat dito. Maaari po kayong mag-komento (ngunit dadaan po muna ito sa approval bago mailathala rito) kung pakiwari niyo po'y may mali po sa aking nabanggit o may iba pa po kayong mga naiisip.
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Somebody said to me before that a person who does not talk to you does not mean that you are not friends. It does not mean that your friend has ignored or even forgotten you.
There are several reasons why this happens, we just have to be more understanding and more patient in dealing with this.
I just miss a lot of friends, including my former teachers. Sayang hindi kami nakakapagkita lalu na 'pag umuuwi ako ng Pilipinas 'cause they are busy with their own careers, and in my part naman, I have my own things to do.
Ako naman, hindi ko naman ipinipilit na mag-make time sila para lang magkita-kita kami ulit.
Porke ba hindi na kayo nagkaka-kontakan, e ikatatampo mo na 'yon, accusing them na hindi ka nila kinakamusta? And then, puputulin niyo na lang friendship niyo na parang wala kayong pinagsamahan?
Nonsense.
Hindi nasusukat ng pangangamusta ang tunay na pagkakaibigan. Hindi iyon ang absolute na basehan upang sabihing naalala ka nila.
It's the thought that counts, guys, not actually the words. Words may be deceiving, they may not be sincere.
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Friendship is never a "report-to-me" commitment, like you will tell him/her every single aspect or happening in your life.
You know what I mean?
E 'di sana, naging boss and employee na lang kayo kung ganun na lang.
Hindi kasi natural kung halimbawang sasabihin mo lagi na "Friend, pupunta ako ng Valenzuela, sama ka?", "Bhez, si-CR lang ako.", "Best, nagpagupit na ko ng buhok dun sa barber shop sa Tondo.", "Papasok na 'ko sa trabaho."
Imagine mo nga gawin mo 'yan araw-araw...kakaloko!
OA, grabeng OA ng friendship niyo! 'Wag na lang boss at empleyado, mag-asawa na lang kayo! Phew!
P.S.: Kung ganyan ang na-e-encounter niyo ngayon, maghinala na kayo, may gusto na sa iyo 'yan!
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Naiisip niyo ba sometimes na hindi maganda ang social life mo?
Dalawa lang iyan.
Una, OK naman sila sa iyo, it just happened that you don't have things in common. You may influence them but never expect them all to be in to what you like or what you are doing.
Remember that you can't control their likes and their feelings. Huwag na huwag mong ipilit ang gusto mo sa kanila. Ikaw din, mawawala lang naman ang big and fragile respect nila sa iyo.
The only thing to do is just to be yourself, as long as tama ang ginagawa mo. Malay mo, your being "different" to them may attract them to you. Well, this really happens.
Pangalawa, look yourself at the mirror. You have the looks, the appeal, the fad, the abs at kung ano pa man, but does your attitude OK to them?
The best medicine to that is to obliterate the bad and maintain the good in you.
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
100% ng mga pagkakaibigan ay nagsasabihan ng mga sikreto.
Kaya nga lang, nabubunyag ang karamihan sa mga ito kapag nakaalitan o nakaaway natin sila.
Next time, kung magkaayos kayong muli, don't tell your secrets to him/her again, mas lalo na 'yung mga malulupit at kayang magpabalentong na sikreto.
Ikaw din ang mapapasama kapag binunyag niya secrets mo e. Pero morally speaking, napapasama na din siya kasi nagsisiwalat siya ng mga bagay na dapat ay itinatago muna. Kinakalimutan niya ang definition ng secret.
Dahil ang tunay, genuine, walang kaparis na kaibigan, kahit na mapapatay ka na niya sa galit, hindi nagkakalat ng sikreto ng friend niya.
At kapag ginawa niya iyon, it means that he/she does not care anymore if you will put your trust on him/her again.
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
A true friend is never a spy.
'Di ba? Kung friends kayo, bakit mo pa siya titiktikan?
Let's say may gusto siyang malaman na hindi mo sinasabi sa kanya, kung totoo siyang kaibigan, hindi na niya ipipilit na malaman pa iyon. Understanding must take place. Dapat intindihin na lang niya ang kaibigan niya kung bakit hindi na niya sinabi iyon.
Unang-una pa lang, dapat tanungin mo sarili mo kung bakit hindi niya sinabi sa iyo 'yung bagay na 'yon, baka kasi madaldal ka o sobrang nakukulitan na siya sa'yo sa kapipilit mo. O baka ikaw mismo ang involved. 'Wag mo siyang akusahan agad na hindi siya nagtitiwala sa iyo.
Kaya kung ikaw nga 'yan, e bagu-baguhin mo na sarili mo ASAP at huwag mo nang idaan pa sa pang-eespiya.
'Pag nalaman lang ng friend mo 'yang ginagawa mo, don't expect them to trust you more. Mas lalo ka nilang iiwasan at lalayuan.
Payo ko lang, doon ka na lang sa NBI magtrabaho, may kwenta talaga ang spying skills mo! Maaari mo pang ma-save ang bansa natin from harm.
Kung nagustuhan mo ang advice ko, 'wag mong pagpraktisan at gawing OJT ang mga friends mo, ha? Kasi hindi naman sila threat sa national security. Sukdulang OA mo naman kung gagawin mo talaga iyon.
So guys, if you ever had one, don't trust a "spy friend" around you.
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Huwag kang laging umasa ng magagandang komento mula sa mga tunay mong kaibigan.
Kung approve sila, ipe-praise ka naman nila e. Ngunit 'pag alam nilang may mali ka, sasabihin nila iyan sa iyo.
Kung ie-expect mo lang na everytime may gagawin ka at sasabihin nila sa iyo na "Wow, ang galing-galing mo!", "Ay, tama lang 'yan!", "Perfect!", etc., hindi friends ang hinahanap mo.
Fans.
Dahil kung minsan, ang fans, kahit obvious na obvious at halatang-halata kulang na lang pati lupa ay magsasabi na mali ang ginawa ng idolo nila, ipagtatanggol nila ito at pati sila mawawalan na ng kahit katiting na moralidad sa kanilang mga sarili.
Sila pa ang may ganang magmura, magbanta at mang-blackmail sa mga pumupuna sa kamalian ng idolo nila.
Better seek for yourself true fans, este, true friends pala rather than true fans.
>> rrj@chn_2012-09-20
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.