Showing posts with label China. Show all posts
Showing posts with label China. Show all posts

Tuesday, May 14, 2013

{P} Eleksyon 2013: Resulta ng Eleksyon sa Konsulado ng Pilipinas sa Guangzhou, Tsina

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 14 May 2013
Nagsimula ang pagbibilang ng mga boto sa Konsulado-Panlahat ng Pilipinas sa Guangzhou, Tsina sa ganap na 8:08 ng gabi.

Ayon sa konsulado, may 241 na valid ballots ang kanilang natanggap, ito ay may 140% na pagtaas laban sa bilang ng mga balota noong Eleksyon 2010 (101 na balota lamang).

Ayon sa panuntunan ng COMELEC, bibilangin ang mga boto sa kada isandaang balota, kaya binilang ng mga opisyales ng konsulado ang mga boto matapos basahin ang unang isandaan, sumunod na isandaan, at ang huling 41 na boto, pagkatapos ay siya namang susumahin ang lahat ng nakuhang boto ng kandidato.

Narito po ang kumpletong resulta ng eleksyon sa Guangzhou, Tsina sa pagkasenador.


RANK NAME OF CANDIDATE 100TH BALLOT 200TH BALLOT 241ST BALLOT TOTAL % [1]
1 GORDON, DICK 69 66 22 157 65.1%
2 LEGARDA, LOREN 62 60 22 144 59.8%
3 ESCUDERO, CHIZ 54 55 28 137 56.8%
4 CAYETANO, ALAN PETER 59 57 16 132 54.8%
5 PIMENTEL, KOKO 51 62 17 130 53.9%
6 MAGSAYSAY, RAMON, JR. 48 57 22 127 52.7%
7 HAGEDORN, ED 51 49 24 124 51.5%
8 ANGARA, EDGARDO 51 53 19 123 51.0%

AQUINO, BENIGNO BAM 48 52 23 123 51.0%
10 HONTIVEROS, RISA 55 47 20 122 50.6%
11 POE, GRACE 52 39 19 110 45.6%
12 TRILLANES, ANTONIO IV 39 47 14 100 41.5%

ZUBIRI, MIGZ 46 39 15 100 41.5%
14 HONASAN, GRINGO 40 47 10 97 40.2%
15 EJERCITO, ESTRADA JV 34 25 7 66 27.4%
16 ENRILE, JUAN PONCE, JR. 29 29 7 65 27.0%

VILLAR, CYNTHIA HANEPBUHAY 25 32 8 65 27.0%
18 BINAY, NANCY 26 29 9 64 26.6%
19 VILLANUEVA, BRO. EDDIE 27 27 9 63 26.1%
20 CASIÑO, TEDDY 23 20 14 57 23.7%
21 MADRIGAL, JAMBY 27 23 5 55 22.8%
22 MACEDA, MANONG ERNIE 21 26 6 53 22.0%
23 MONTAÑO, RAMON 21 24 2 47 19.5%
24 COJUANCGO, TINGTING 14 26 4 44 18.3%
25 MAGSAYSAY, MITOS 11 10 10 31 12.9%
26 DELOS REYES, JC 10 10 2 22 9.1%
27 ALCANTARA, SAMSON 10 6 2 18 7.5%
28 PENSON, RICARDO 6 8 3 17 7.1%
29 SEÑERES, CHRISTIAN 6 7 3 16 6.6%
30 DAVID, LITO 7 7 1 15 6.2%
31 BELGICA, GRECO 4 7 1 12 5.0%

LLASOS, MARWIL 5 5 2 12 5.0%
33 FALCONE, BAL 5 5 0 10 4.1%
[1] Paraan ng pagkwenta: Suma ng bilang ng boto nga kandidato inihati sa kabuuang bilang ng mga balota

|| cHNJoeCo03277iXi5145XQObm

Saturday, December 22, 2012

{M} Inner Thoughts 004: Ang Pasko ko sa 'Pinas at dito sa China

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 22 Dec 2012

For the previous episode, click here.


PAUNAWA: Huwag po sanang ikasama ng inyong kalooban kung halimbawa'y nasaktan o natamaan kayo ng mga nasusulat dito. Maaari po kayong mag-komento (ngunit dadaan po muna ito sa approval bago mailathala rito) kung pakiwari niyo po'y may mali po sa aking nabanggit o may iba pa po kayong mga naiisip. Pinapayuhan din na kung maaari'y basahin po ninyo hanggang sa dulo ang blog post na ito upang magkaroon kayo ng mas kumpleto at mas kongkretong pang-unawa sa inyong nabasa. Maraming salamat po.

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---


Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang blog post na ito.

Sa ngayon, hindi ko pa rin nararamdaman ang Pasko, nasa China pa po ako ngayon. Though kaliwa't kanang Christmas Party na ang mga nagaganap (karamihan sa mga ito'y foreigners ang nagse-celebrate), pero hanggang party na lang yun e. Paglabas ng venue, balik sa dating gawi: computer, aral, pasok sa klase, kinig ng music, kain at tulog. Parang walang masayang okasyon na papalapit.

Dalawang Pasko na ang nakalipas na hindi ko kasama ang mga kapamilya ko sa Pilipinas. Grabeng nami-miss ko ang spaghetti ni Mama na sa palagay ko'y wala nang ibang makapapantay. Nami-miss ko na rin na bumibisita sa bahay namin ang mga tiyuhin at tiyahin namin kasama na ang mga pinakamalalapit naming pinsan.

E dito sa China, sa nakaraang dalawang Pasko, bukod sa pamamasyal na wala rin namang ipinagkaiba kumpara sa mga araw na walang okasyon, ay nakaupo lang ako sa harap ng aking study table, tulala, nagne-net, nag-aaral (kasi review week namin) o matutulog sa hapon. Nakabibingi ang katahimikan ng Pasko dito.

Hinahanap-hanap ko ang ingay at kulay ng Pasko sa Pilipinas.

Hinahanap-hanap ko ang mga awiting pamasko na itinutugtog sa ilang radio stations. Noong Grade 6 ako, nauuna ako nagigising sa aming lahat, bago mag-5AM, kasi inaabangan ko yung one-hour Christmas special ng 90.7 Love Radio. Laging nasa good mood ako kasi puro Christmas songs ang napapakinggan ko. Doon ko din na-discover ang ilang Christmas songs kung paano sila kantahin. May "songhits" kami kaya hawak-hawak ko iyon habang nakikinig sa radyo. Pagtapos ng programa, nilipat ko na sa AM band para sina Mama't Papa naman ang makapakinig ng balita.

Inaabangan ko rin noon ang 30-minute Christmas special ng 102.7 Star FM every Sunday. Bago ako pumunta ng church ay pinipilit ko ang sarili kong tapusin iyon hanggang 8:30AM. Doon ko madalas napapakinggan ang walang kamatayang Twelve Days of Christmas".

Noong Kinder naman ako, naiinis ako at minsa'y iniyakan ko pa nang hindi ako isinama ni Mama sa Simbang Gabi sa kalapit na kapilya. Ang Simbang Gabi o Misa de Gallo ay nagsisimula tuwing Disyembre 16 at nagtatapos traditionally on December 24. Tapos susundan ito ng isang espesyal na misa sa gabi ng Bisperas ng Pasko na magtutuloy hanggang sa madaling-araw ng mismong araw ng Pasko. Sobrang masunurin si Mama sa tradisyon ng Simbang Gabi, kahit na nagdadalantao siya noon ay tuloy pa rin siya. Ilang dekada na niya 'atang nakukumpleto taun-taon ang Simbang Gabi. Si Papa naman ay minsan lang sumasama sa kanya.

Hinahanap-hanap ko ang mga palamuting pamasko namin sa bahay. Mga antique nang maituturing ang mga iyon. Simula daw nang magsama sina Mama't Papa at nagkaanak ay nariyan na ang mga Christmas decorations na nakikita naman naming mga magkakapatid magpahanggang-ngayon, liban na nga lang sa akin kasi wala nga ako doon.

Family tradition na namin na kapag last week ng November, huhugasan na ang mga nakatago lang na krismas tri at parol. Ilalatag naman sa sahig ang mga Christmas lights at ite-test kung lahat pa sila ay gumagana.

Ang krismas tri namin ay ibinili pa raw ng mga magulang ko noong dekada '80. Sumunod na diyan ang mga Christmas lights: may isa na yellow lang ang kulay, may isa namang puti lang, at may isang assorted ang kulay. Iyong assorted ang pinagkakatuwaan ko noong maliit pa 'ko, sa aming tradisyon, ito ang isinasabit namin sa kisame ng unang palapag ng bahay namin. Kinukuha ko 'yung mga spare Christmas bulbs ni Papa at pumapatong pa ako sa pinagpatong-patong na mga upuan, aabutin ko ang mga maliliit na bumbilyang napundi na at papalitan ko iyon lahat. Araw-araw kong ginagawa iyon at waring napapalipad ako sa tuwa kapag nakikita kong kumpletong nagsisipagsindi ang mga mumunting ilaw.

Kapag gabi, pinapatay namin ang mga fluorescent lights at iiwanang nakasindi ang lahat ng mga Christmas lights namin. Ang ganda-ganda nga naman talaga! Sumasabay pa ang parol (Christmas lantern) na pawang mga nakasabit sa aming mga bintana sa makulay na pagniningning ng aming bahay sa gabi. 'Pag nakapatay ang TV, pinapatugtog namin ang isa sa mga parol o 'yung isa sa mga Christmas lights. Doon ko naririnig ang mga melody ng "Angels We Have Heard On High" at "God Rest Ye Merry Gentlemen" na hindi ko alam kung paano kantahin noon.

Balikan natin ang krismas tri, sa tagal ng panahon, unti-unti itong nawawalan  ng mga dahon, mga Christmas balls at iba pang de-sabit na mga bagay. Noong nawalan ng trabaho si Mama, naalala kong nag-ipon siya ng mga candy wrappers, 'yung mga Ricoa at Softee na iyan, lahat sila'y ginawang bulaklak ni Mama at ipinagsasasabit sa krismas tri. Payak pero masayang pagkatuwaan. Well, hindi ko na alam kung naririyan pa ang mga iyon. Maglalabing-apat na Pasko din ang nakalipas at nilakihan na naming magkakapatid ang punong iyon.

Hinahanap-hanap ko ang mga aginaldo na natatanggap ko. Alam niyo iyon na unexpected pero may natatanggap ka? Ganyan kami tuwing Kapaskuhan, kasi medyo hindi na rin kami umaasang maaambunan pa kami kasi siyempre may pamilyang binubuhay rin ang mga ninong at ninang namin. Hindi kami tinuruan ng mga magulang namin na manghingi sa kanila kasi nakakahiya daw. Pero kung may nare-receive kami ay talagang natutuwa kami na minsan may halong pagtataka, naaalala pa pala kami ng mga ito?

Hinahanap-hanap ko ang paglabas namin ng bahay kapag Pasko. Pinakanami-miss ko ang "Mini Family Reunion" namin sa bahay ng tiyahin namin sa mother's side sa Dasmariñas, Cavite noong 2008. Natuwa akong nagkita-kita kaming mag-close cousins at ang iba naming never pang nakita na mga pinsan. Sobrang natuwa ako na halos ayaw ko nang bumalik ng bahay. Nauna ang ilan sa amin at nagpaiwan pa ako at ang kapatid kong sunod sa akin nang dalawang araw.

Hinahanap-hanap ko ang Christmas parties sa school. Isa sa pinakamasasayang Christmas Party ko ay noong Grade 6 ako kung saan ako ang emcee. Sinundan pa iyon ng Christmas Party naming mga Boy Scouts na hindi ko na maalala bakit napakasaya ko doon.

Hinahanap-hanap ko ang Noche Buena namin sa bahay. Bukod nga sa pagkasarap-sarap na spaghetti ni Mama ay bumabalandra din sa hapag ang fruit salad, malagkit, fried chicken, adobo, at iba pa. Nang minsang manalo si Papa sa lotto ay may dumagdag na cake sa mesa na hindi naman karaniwan sa isang tipikal na Pilipinong Noche Buena. Kilo-kilo kung magluto si Mama ng spaghetti noodles at sauce! Sa totoo lang, pinakaaabangan ko ang holiday season kasi mas madalas kong nasa-satisfy ang aking cravings dahil nga Pasko't Bagong Taon ko natitikman ang putaheng naging trademark na ni Mama sa aming mag-anak at sa ibang taong nakatikim na rin nito.

Hinahanap-hanap ko ang sikip ng Divisoria mas lalo't papalapit nga ang Pasko. Napapadalas ang late namin sa school dahil hindi na halos makadaan ang pedicab sevice namin na dumadaan pa naman sa mismong gilid ng Divisoria Mall at harap ng 168 Mall. Ang mga mamimili ay hindi rin magkamayaw at sa sobrang dami nila'y ako na lang ang nagpapasensya.

Ang dami kong hinahanap, pero sa ngayon, hanggang hanap na lang ako. Dalawang Pasko pa ang aking palilipasin, tsaka ko lang muling malalasap ang Paskong aking kinalakihan, aking kinagisnan.

Parang aso lang ako na alam kong may buto sa ilalim ng lupa, but it is too deep to uncover and I'm still struggling to dig it up, out from the earth.

I can't go home for Christmas, laging pumapatak sa review week (minor exams week) ang Pasko. Sa katunayan, I will be having my final exams for my two minor subjects this Christmas Eve and on the day after Christmas, tapos may review class ako on the day of Christmas itself. That would be my first time na magpa-Pasko ako sa loob ng classroom!

Sa totoo lang, nalulungkot ako habang ginagawa ko ito.

Kaming mga Filipino students dito ay may Christmas Party din sana pero kinansela namin kasi parang wala na rin lang, hindi rin mararamdaman ang diwa ng Pasko kung saan ay kami -- kaming mga napagkaitan pare-pareho ng pagkakataong maipagdiwang ang Pasko kasama ng kani-kanilang mga pamilya sa Pilipinas, ay marapat lamang na nagdadamayan at sama-samang nagse-celebrate. Sobrang nakalulungkot ito para sa akin. Inakala kong Pasko pa rin ang magbubuklod sa aming mga Pilipino rito sa China pero nagkamali ako.

Anong masayang Pasko pa ang mai-e-expect ko dito, hindi po ba?

But suddenly, as I type the sentence above, I realized something and looked on the bright side.

Christmas is not about antique Christmas decorations and the lights that mystify your eyes in the evening,
nor about Christmas songs being played on the airwaves,
nor about the candy wrappers we used to hung on our thirty-year-old Christmas tree,
nor about the midnight masses held in every church around,
nor about the busy streets of Divisoria in Manila,
nor about any family reunions or maybe reconciliations,
nor about the expected or unexpected Christmas gifts,
nor about the delicious Christmas dinner or the spaghetti of anybody's Mom,
nor about the Christmas parties, whether they pushed through or not.

Let's go back in history two thousand years ago, when the wise men looked above and saw a star. They followed it and found a baby who had nothing of all the things mentioned above but his family and some of the shepherds around.

Christmas is all about Him! Jesus CHRIST! Kaya nga CHRISTmas e!

Well, we should thank the Lord for this gift of love from above, which no one in this world could ever compare.

Sana ma-realize nating lahat ang tunay na diwa ng Pasko.

Merry Christmas everybody! Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

>> rrj@chn_2012-12-22

Tuesday, April 24, 2012

{M} Understanding the job of an emcee

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 24 April 2012

Hindi ko maituturing ang sarili kong batikan o propesyonal na emcee, pero hindi naman sa pagmamayabang, I became an emcee or a host for at least eleven (11) times already, within a span of seven years:
1. 2005 Christmas Party (Dec. 2005) >> Program Hosting debut
2. 2006 Selebrasyon ng Buwan ng Wika (Aug. 2006) >> Competition Hosting debut
3. Undisclosed friend's debut (March 2009)
4. Philippine Tiong Se Academy (PTSA) 110th Foundation Anniversary (Nov. 9, 2009) >> Century Park Hotel Manila
5. PTSA 110th Foundation Anniversary (Nov. 11, 2009) >> SM San Lazaro, Manila
6. PTSA 110th Foundation Anniversary (Jan. 2010) >> SM Manila
7. PTSA 110th Foundation Anniversary (Feb. 2010) >> SM Mall of Asia Concert Grounds
8. 4th Chinese Declamation Contest (April 1, 2011) >> Chinese competition hosting debut
9. 1st Freshmen Collage Making Contest (Oct. 2011) >> Solo Hosting debut
10. 5th Chinese Declamation Contest (April 13, 2012)
11. Fiesta sa Guangzhou: Summer Saya Kasama ang Pamilya (April 22, 2012)

Because of all these hosting experiences, stage fright never existed in me. It also boosted my public speaking ability. Oo, nandun 'yung kaba, kaso 'yung tipong ayaw na ayaw mong tumapak ng stage, wala akong ganung personality.

However, hindi lahat naging madali ang pinagdaanan ko sa pag-e-emcee.

The first two were smooth, wala masyadong problema. Kahit na mga naunang mga pagkakataon ang mga 'yun, hindi naman ako pinagpawisan.

Pero naalala ko, nung March 2009 debut ng isang kaibigan ko, I was not originally the host of the said event, nag-back out the day before ang tunay na host at nagsabing hindi siya makakapunta. Kinausap ako ng debutante kung pwede ako na lang ang humalili. Nagdalawang-isip ako nun kasi unang-una, at that time, wala akong alam sa debut, kung ano ang flow ng program and whatsoever. Pero at the end of the day, napa-oo ako, kasi wala naman na talagang papalit kundi ako.

So that night came, kinakabahan ako kasi wala akong alam kung paano and wala akong script, o kahit man lang outline ng kung anong mangyayari. Namamatay na 'ko sa kaba until an angel came to save me by the name of Ate Tim. Nag-debut siya the year before kaya alam na alam niya ang sequence ng debut, ayun pala, siya ang ka-partner ko sa pagho-host ng debut. Kaya naman, nakadepende ako sa kanya. =7

Dahil doon, napunan ang aking pagka-ignorante sa mga debu-debut na 'yan.
Moreover, nawala 'yung takot ko na humarap sa mga taong generally ay hindi ko kakilala. Puro kasi kamag-anak at well-wishers ng debutante ang nandoon.
Doon din akong natutong mag-impromptu, mag-ad lib. E wala talagang script e.

Ang sumunod na event na nag-host ang inyong lingkod ay ang sunud-sunod na foundation anniversary celebrations ng alma mater ko. To give you a bit history of that, ang orihinal na plano ay magtatanghal lang ang school ng nasabing okasyon sa Century Park Hotel at sa SM San Lazaro na kapwa idinaos noong Nobyembre 2009 dun sa Maynila. Pero bigla na lang nag-imbita ang SM Manila at SM Mall of Asia na kami magtanghal din sa kanila.

Ang pinakanakakakaba sa apat ay ang sa Century Park Hotel.
Ang daming VIPs, ang daming taong alam mong mataas ang antas sa lipunan pero you have no particular idea kung sino talaga sila, ang daming taga-Chinese press (ng Pilipinas), mataas pa ang expectation sa program na ito kaya big deal pag nagkamali kami kasi maaaring maipahiya namin ang school pag nagkataon. Subalit, hindi naman po nabigo ang inyong lingkod, gayundin ang aking partner na isang Chinese.

Nang natapos itong sa Century, dito na po nagsimulang tumaas ang perfectionism sa sarili ko pagdating sa hosting job, 'yung pag nagkamali ako ng sabi ay naiinis ako sa sarili ko.

Kaya naman, nung nasundan ito ng sa SM San Lazaro, SM Manila at sa SM Mall of Asia, tintiyak ko laging hindi ako magkakamali, sa spiels at sa sequence of events. Ngunit ang naging bad effect nito ay nadamay na rin ang ibang tao sa ini-set kong standard na dapat lang ay para sa sarili ko.

'Nung sa SM Manila, which is the biggest crowd na nakita ko, daan-daan ang nanood, I was almost late kasi walang masakyang jeep (lagi kasing puno) papunta sa naturang mall, it took us (kasama friend ko at kapatid ko) more than an hour sa kahahanap lang ng jeep. Kaya naman, I was almost late, mga twenty minutes na lang siguro. Sinabihan ako ni Principal na ang dami-dami na raw tao, kailangan na raw magsimula kasi dapat daw pakiramdaman namin ang aura ng audience. Medyo nainis ako dun, yeah, I know mali ang pagiging almost late, kaso, hindi din naman 'ata maganda na magsimula agad.

I agree na pakiramdaman ang audience pero same principle with being too late, too early is also bad. Mabibigla ang madlang tao. 4:30PM ang scheduled start pero gusto nila 4:15 something magsimula na, for me, hindi naman 'ata pwede 'yun. Nangangamba ako na baka may ibang performers na hindi pa nakakarating, o dili kaya may iba pang panauhing hindi pa nakapunta, tapos malalaman nilang "late" sila kasi we started early, so nonsense 'yung pagtatakda ng oras.

At that moment, na-point out ko na the program starts with us bilang emcee. That is a boastful statement, pero, hindi pa 'ko nagtatapos dun, dahil base na rin sa aking mga karanasan, sa kabuuan ng isang programa, 'yun lang ang kayang kontrolin nang buong-buo ng isang emcee. How about the other parts of the program? Heh, hindi na kayang hawakan ng emcee 'yun kasi dahil sa marami pang factors. I will go to details tungkol sa bagay na 'yan later.

Nung naparito ako sa China, laking gulat ko nang ako ang mapili ng Student Council na mag-emcee sa declamation contest, well, it is not campus-wide, restricted to our Overseas Chinese Education course lang; pero kahit na, Chinese 'to e. Nagdalawang-isip na naman ako, pero tinanggap ko pa rin ang hamon.

Sa pagkakataong ito, nag-develop naman ang public speaking ko, in Chinese nga lang; dito rin na-develop ang self-control ko while on stage. Kasi naman, sino bang hindi maiinis sa kapartner mong inagawan ka ng linya on stage? Kapeste talaga 'yun, napansin din 'yun ng audience kaya nag-cause 'yun ng usapan for a short while. Hindi ko na maalala kung nakunot ko noo ko nun sa harap nila, pero what I did after was I plastered on a smile, as if nothing happened. Grabe talaga, nagpaka-ipokrito ako sa harap ng audience dahil doon.

That was the first time sa life ko na kaming emcee ang magbubunyag ng winners, so dapat exciting 'di ba? Kaso inagaw ng kapartner ko 'yung trabahong dapat kaming dalawa ang gagawa. Ang boring kaya, walang excitement, ni-pabitinin ang mga hininga ng mga naonood wala e. Grabe ang pagkalungkot ko noon. Pero I made a determination to do it better, kung ako man ulit ang mapipiling emcee, sa susunod na taon.

At ako nga muli ang naging emcee ng declamation contest ng sumunod na taon, which is this year. Pero bago muna 'yan, I had my very first solo hosting job nung October last year. Hindi rin dapat ako ang emcee nun, pero dahil sa walang ibang mapili, ako na naman ang sumalo. The day before lang ako nasabihan, pero gawa na ang script at sinabi naman na sa'kin ang flow ng program, kaya naging smooth din ang solo hosting ko that day.

At ang sumunod na nga ay itong declamation contest nitong taon. Binuhos kong lahat ng efforts, mula sa costume na pinagkagastusan ko talaga  hanggang sa background music namin ng partner ko sa awarding ceremony. I planned to make this year's contest more exciting and more memorable than the last time, for this will be my last time to do the emcee job dahil restricted na 'ko next year to do so sa susunod na declamation contest.

Maliban sa isang maliit na pangyayari, naging maganda ang flow ng program mula simula hanggang sa bago mag-awarding. Ang pangyayaring tinutukoy ko ay nung nagsimula kami'y napilitang kaming magsimula ulit kasi walang sound 'yung mikropono ng partner ko. Though nakakahiya talaga, binale-wala ko nalang iyon.

Dumating ang awarding ceremony, nagkamali-mali na sa pagkasunod-sunod ang pag-announce namin ng winners kasi may nakalimutan na isang special award. Tapos, minamadali pa ko sa oras, kesyo alas nuwebe na daw; and then nagkamali pa ng pagpindot dun sa makeshift scoreboard. Ilan lang po ito sa mga ikinainis at ikinagalit ko kaya nadismaya ako. Dagdag pa diyan ang gutom kasi hindi ako kumain prior the program. Medyo sumasama kasi tiyan ko nun at plinano kong pagkatapos na lang ng programa tsaka ako kakain.

Marami silang hindi nakaintindi sa 'kin, sinabi pa nilang wala daw akong dapat ikagalit. For me kasi, last ko na 'yun, kung may mga kapalpakang lumabas sa programa, wala na akong tsansang baguhin iyon next year, ibang tao na ang mag-e-emcee. Hindi naman siguro masamang mag-set ng goal, na pagandahin at mas maging exciting ang contest this year, hindi naman ako nagse-set ng pang ilusyon lang, makatotohanan po ang lahat ng isinet ko. Sa isip-isip ko, mahirap bang gawing maganda at flawless ang programa?

Naayos din naman ang problema ko with them (mga kapwa ko SC members) five days later. Naintindihan din nila sa wakas, pero sinabihan ako ng committee head ko na OK lang daw mag-set ng goals, pero dapat hindi ko raw dinadamay ang ibang tao dun, kasi unang-una, hindi nila alam na may ganon pala akong goal. In-accept ko naman ang sinabi niya.

Tulad nga ng sinabi ko kanina, ang powers lang ng emcee ay nasa umpisa lang ng isang program. Pero the rest, 'yung mga taong nasa technical committee, 'yung mga contestants, 'yung oras, 'yung audience, bilang isang emcee, hindi ko kayang kontrolin ang mga iyan ngunit kailangang sumunod sa flow. Ito ang aking pinakasariwang natutunan sa loob ng labin-isang beses. I have a personality kasi na maiinis ako pag may sudden changes sa naiplano na. I think ito'y kailangan ko talagang maisabuhay hindi lang sa pagiging emcee, kundi na rin sa mismong buhay ko na rin.

Sabi nga ng isang kanta, "Everything can change when you least expect it."

So, sa mga magbabalak mag-emcee in the future, nawa'y may napulot po kayong mga tidbits on how to do it yourself. Madaling magsalita pero pag kaharap mo na ang mga tao, nerbyos at takot ang sasalubong sa'yo, pero kailangan mong harapin ang mga iyan, masasanay ka rin. You'll see! =7

>> rrj@chn_2012-04-24

Thursday, March 1, 2012

{M} First day of class (2nd Year 2nd Sem >> 27th Feb. 2012)

FROM THE MAIN BLOG: 
Originally posted on 1 March 2012.

{M}
This blog contains mixed Filipino and English languages.


Hay nako....Lunes na naman! Papasok na ulit ako.

Gumising ako ng alas-sais ng araw na 'yun.
Tinatamad pa akong pumasok.

In-almusal ko ang Skyflakes, binaon ko from the Philippines.

Medyo nakaramdam ako ng pagkalungkot...naalala ko na naman sina Mama, mga kapatid ko...at mga naiwan kong kaibigan.

Mabigat sa loob kong iwang muli ang Pilipinas..

Kasi naman si Skyflakes e, pasaway talaga, it reminded me of them...again...just like what happened last August 2011.

'Lam niyo ba na inubos ko sa isang araw lang ang sampung pakete ng Skyflakes (nung mga araw na iyon)?

Oo, aaminin ko, na-homesick ako.

If you can still remember, nag-Facebook post-primetime post ako that night. Hindi ko lang direktang ini-specify bakit kailangan ko ng mga dasal niyo, sinabi ko lang na haharap akong muli sa kasindak-sindak na pamumuhay dito sa GZ (stands for Guangzhou). Pero sa totoo lang, naho-homesick ako.

(Above) FB post-primetime post ko nung 26th August 2011. Note that my date is wrong, I wasn't aware of the time.

Teka, teka....lumalayo na ako sa topic!

That day, it was chilly cold, siguro mga nasa 8 to 9 degrees Celsius. Before coming back here, I thought the temperature will rise, kahit man lang at least 15degC, pero colder, way colder than expected!

Dala-dala ko ay dalawang excuse letters, isa sa Class President na ang isinulat ay masakit daw ang ulo niya pero sa totoo lang mas nauna pa siyang umalis sa akin ng kwarto; pero maganda din naman ang intensyon niya, magta-translate siya para sa kababayan niyang nagpapagamot dito. Ang isa naman ay sa aming Class Vice President, kararating lang niya kasi ng GZ that early morning. Bangag siya that's why hindi pumasok.

'Di ba, ang saya? First day of class, wala yung pangulo at bise ng klase namin! (Peace!)

Ako naman, may sariling pagkapasaway that day. Wala akong dalang libro, kasi hindi pa bumibili; yeah, "bumibili" yung term ko, not "nakabili", maybe para 'di magklase on the first day. And everything happened as "planned", karamihan hindi din bumili ng libro, hindi nga nagklase, iba na lang ang pinag-usapan! Haha!

During our Advanced Chinese class, bigla na lang may dumating na isang dalagita, humahangos...

Sabi niya mag-sit in muna siya, kung sakto sa Chinese proficiency level niya yung subject, sa amin na daw siya magka-klase, take note, for the rest of her college life!

Galing kasi siya ng ibang kurso, nirekomenda ng isang bisor na lumipat siya sa amin.

Isa siyang Haponesa. Pangalan ay Toyota Anny (Japanese: 豐田 宴以).

(Above) Countries in our class: (first row) Thailand, Myanmar, (second row) Laos, Vietnam, Indonesia, Cambodia, (third row) Japan, Philippines. Captions are translated by Google Translate from original English to various languages seen above. Accuracy may not be guaranteed.

When I look at her at first, mukha siyang masungit.

Nevertheless, when she asked me kung matutuloy ba P.E. IV class namin that afternoon (kasi umuulan), my first impression didn't last, she seemed so friendly.

Gandang first day 'to! =7 =7 =7

>> rrj@chn_2012-03-01