FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 1 March 2012.
{M}
Originally posted on 1 March 2012.
{M}
This blog contains mixed Filipino and English languages.
Hay nako....Lunes na naman! Papasok na ulit ako.
Gumising ako ng alas-sais ng araw na 'yun.
Tinatamad pa akong pumasok.
In-almusal ko ang Skyflakes, binaon ko from the Philippines.
Medyo nakaramdam ako ng pagkalungkot...naalala ko na naman sina Mama, mga kapatid ko...at mga naiwan kong kaibigan.
Mabigat sa loob kong iwang muli ang Pilipinas..
Kasi naman si Skyflakes e, pasaway talaga, it reminded me of them...again...just like what happened last August 2011.
'Lam niyo ba na inubos ko sa isang araw lang ang sampung pakete ng Skyflakes (nung mga araw na iyon)?
Oo, aaminin ko, na-homesick ako.
If you can still remember, nag-Facebook post-primetime post ako that night. Hindi ko lang direktang ini-specify bakit kailangan ko ng mga dasal niyo, sinabi ko lang na haharap akong muli sa kasindak-sindak na pamumuhay dito sa GZ (stands for Guangzhou). Pero sa totoo lang, naho-homesick ako.
(Above) FB post-primetime post ko nung 26th August 2011. Note that my date is wrong, I wasn't aware of the time. |
Teka, teka....lumalayo na ako sa topic!
That day, it was chilly cold, siguro mga nasa 8 to 9 degrees Celsius. Before coming back here, I thought the temperature will rise, kahit man lang at least 15degC, pero colder, way colder than expected!
Dala-dala ko ay dalawang excuse letters, isa sa Class President na ang isinulat ay masakit daw ang ulo niya pero sa totoo lang mas nauna pa siyang umalis sa akin ng kwarto; pero maganda din naman ang intensyon niya, magta-translate siya para sa kababayan niyang nagpapagamot dito. Ang isa naman ay sa aming Class Vice President, kararating lang niya kasi ng GZ that early morning. Bangag siya that's why hindi pumasok.
'Di ba, ang saya? First day of class, wala yung pangulo at bise ng klase namin! (Peace!)
Ako naman, may sariling pagkapasaway that day. Wala akong dalang libro, kasi hindi pa bumibili; yeah, "bumibili" yung term ko, not "nakabili", maybe para 'di magklase on the first day. And everything happened as "planned", karamihan hindi din bumili ng libro, hindi nga nagklase, iba na lang ang pinag-usapan! Haha!
During our Advanced Chinese class, bigla na lang may dumating na isang dalagita, humahangos...
Sabi niya mag-sit in muna siya, kung sakto sa Chinese proficiency level niya yung subject, sa amin na daw siya magka-klase, take note, for the rest of her college life!
Galing kasi siya ng ibang kurso, nirekomenda ng isang bisor na lumipat siya sa amin.
Isa siyang Haponesa. Pangalan ay Toyota Anny (Japanese: 豐田 宴以).
When I look at her at first, mukha siyang masungit.
Nevertheless, when she asked me kung matutuloy ba P.E. IV class namin that afternoon (kasi umuulan), my first impression didn't last, she seemed so friendly.
Gandang first day 'to! =7 =7 =7
>> rrj@chn_2012-03-01
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.