FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 7 March 2012
{M}
The blog contains mixed Filipino and English languages.
FIRST FAIL MOMENT:
Bumili ako ng instant noodles kagabi bilang hapunan. Alas nuwebe na kasi kaya hindi na ako nakakain pa sa kantina namin.
Binuksan ko ang kalahati ng balot, pero may instructions, mabasa nga.
May mga naka-drowing sa balot, sa step one ay may isang lalaki na nilalagyan ng mainit na tubig ang noodles at nakahawak sa seasoning.
So ginaya ko, nilagyan ko nga ng tubig at ng seasoning.
Tinakpan kong muli ang noodles ng balot.
Napanganga ako nang makita ko ang "Drain water here" na instruction.
Tiningnan ko ulit ang step one, this time, binasa ko na ang instruction under the drawing. At ang sabi, tanggalin daw muna ang mga seasoning mula sa lalagyan at punan ito ng mainit na tubig.
Kaya pala may hawak na seasoning ang lalaki sa drawing.
WTH!
Hindi pala 'to beef noodles, parang pancit canton pala 'to!
Pa'no 'yan? Kasama na ng tubig ang contents ng seasoning?
Wala akong nagawa, ni-drain ko na lang 'yung tubig.
Kat*ngahan mo kasi...tsk tsk...
Pinagtiisan ko na lang kainin ang instant noodles, kahit na konti ang lasa.
SECOND FAIL MOMENT:
Kanina, 7:20AM na 'ko nagising, kailangang magmadali kasi 8:00AM pasok namin.
Buti na lang tapos nang maligo ang roommate kong Pinoy. 'Yung dalawa kong roommate natutulog pa, sinamantala ko 'yung pagkakataon.
Nakatapos akong maliigo, tsaka ko lang naisip na may nakalimutan ako...
Wala akong tuwalya!
Ang ginawa ko na lang ay pinagpupupunas ko ng kamay ko ang buong katawan ko, para mabawasan ang basa.
Ayun, natuyo naman.
Papalabas na ko ng CR nang kumatok sa pinto ang Cambodian kong roommate. Kakagising lang.
THIRD FAIL MOMENT:
During our Advanced Chinese class, tinanong ng prof namin kung kailan daw kami naging down.
Isang Indonesian classmate ko ang nagsalita.
Sabi niya sana sa Australia dapat siya mag-aaral ng kolehiyo, kaso hindi siya matuloy-tuloy, kaya napadpad siya sa dito sa Tsina. Na-depress daw siya nang todo, 'di siya maka-get over.
Tapos, nag-request ang prof namin na sino daw ang pwedeng kumatawan bilang magulang niya, kunwari, para to give advice daw sa kanya na OK lang na hindi siya natuloy sa Australia.
Habang nagtatawag ang prof, tumulo na lang ang luha sa mata ng kaklase ko, halatang masakit sa kanya na hindi siya natuloy dun.
Sa ganoong kalagayan niya, wala sa amin ang nag-dare mag-volunteer. Baka mas lalo kasi siyang masaktan or whatsoever.
Kaya si prof na lang ang nag-act bilang nanay niya, sabi niya...
"Okay lang na hindi natuloy dun sa Australia, ano bang mapapala mo dun? Puro kangaroo lang naman dun, baka maibulsa ka pa. Buti nang nandito ka sa Tsina, at least nakakakita ka ng nagwagwapuhang mga lalaki..."
Toinks! Corny no? Fail "advice".
FOURTH FAIL MOMENT:
Pagtapos ng naturang klase ay bumalik na ko ng dorm, 3:00PM pa kasi sunod kong klase.
Nung oras na 'yon lang ako nag-almusal, kasi nga wala nang oras kanina.
Nagtimpla ako ng milk tea, binili ko kagabi sa mini store sa ibaba ng dorm namin, kasama nung fail na instant noodles.
Binuhos ko ang milk tea powder sa mug, nilagyan ko ng mainit na tubig.
Ininom ko.
Putik! Ba't ang pakla? Walang kalasa-lasa!
"Next time hindi na 'ko bibili ng brand na 'to! Sayang pera ko! Halos sampung pakete pa naman binili ko!" saad ko sa sarili ko.
Well, ininom ko na lang ng ininom, mahilig kasi akong magtiis e.
Nung papaubos na, naigalaw ko nang kaunti ang kutsaritang nasa loob ng tasa. Nagtaka ako bakit medyo nagmamatigas ang kutsarita.
Iniangat ko ito...at nakita ko may "residue" sa kutsarita.
Kay nako! Hindi ko pala naihalo! Hehehehehe!
Nilagyan ko ulit ng mainit na tubig ang tasa. Aaaah! Katamis naman pala e!
>> rrj@chn_2012-03-07
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.