Thursday, March 29, 2012

{M} My 19th Birthday (Part 1)

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 29 March 2012

{M}
This blog post contains mixed English and Filipino languages.


For the second part of this blog series, click here.
For the last part, click here.


The day before (26th March 2012)
My head was aching that night, that's why I decided to sleep early, kasi expected ko nang mapupuyat ako kinabukasan.

At 8:30PM, I was at my bed, and after thirty minutes, I fell asleep.

Pero bago pa ako humiga, nag-tweet muna ako, sabi ko:



Midnight Scene (27th March 2012)

Sa sarap ng tulog ko, hindi ko na napansing may mga tumatawag na pala sa CP ko, mga friends ko, sina Jam Co and Darlene Sy. Ang daming beses.

Kaya naman, gumawa sila ng paraan, tinawag nila ang isang syoti namin (Joed Necessario) dito upang pababain ako sa lobby ng dorm namin.

Si Joed naman, umakyat. Ayun, I was awaken sa kalabit niya. Sabi niya, "Ano kuya, may pag-uusapan daw sa GFSU (stands for Guangzhou Filipino Student Union, well by the name itself, 'lam niyo na kung anong organisasyon iyan), importante. Baba ka daw sa lobby."

'Eto ako, naalimpungatan, tinanong ko siya, "Anong oras na ba?"

"12:05"

Tiningnan ko cellphone ko, ay, nakapatay. Naka-automatic turn-on and turn-off kasi CP ko, pagsapit ng hatinggabi, nakatakda siyang mamatay....hehe.

Hindi ko na maalala kung binuksan ko CP ko o hindi, ang pagkakatanda ko ay nag-mouthwash muna ako bago dumiretso pababa ng lobby.

If you will ask me kung nainis ba 'ko kasi ang gabi-gabi e magmi-meeting pa. Hindi. 'Di ako nainis or something. Basta bumaba lang ako, 'yun na 'yun.

Pagkarating ko sa lobby, ayun, there they were, waiting for me!

"Happy birthday to you...happy birthday to you..."

Hay nako, sabi na nga ba e!

They presented me this special cake, I don't know how to specifically call it.

Tapos, I wished. I prayed to God that hope He will give me the best pa rin in my 19th year here on Earth. May isa akong tiyak na hiniling pero magiging labag sa kalooban ko kung isisiwalat ko. Sensya.

Natuwa ako sa ginawa nila kasi nagpuyat at nagpahatinggabi pa sila para dito. Ang hirap kayang magpuyat! Hahaha! Para sa 'kin a, kasi recently whenever I lack sleep, my head serves as a target for headaches.

Kaya kahit simple ang ginawa nila, na-appreciate ko ang thoughtfulness nilang lahat at ang isinakripisyo nilang oras na sana'y itinulog na lang nila.

Bumalik ako ng kuwarto dala-dala ang naturang "birthday cake". Hindi na 'ko makatulog ulit. Kaya binuksan ko si buddy laptop at siyempre in-open sina FB at Twitter. Nag-post din ako sa FB as Facebook Post-Primetime Post ng gabing iyon. At nagsimula na ring bumuhos ang flood of comments na nag-greet sa'kin ng Happy Birthday. Inisa-isa ko silang ni-like at ni-comment-an hanggang sa antukin ulit ako bandang alas-dos.

Akala ko eto lang ang mangyayari sa 'kin sa pinaka-espesyal na araw ko taun-taon...

Meron pa pala!

>> rrj@chn_2012-03-29

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.