Thursday, March 29, 2012

{M} My 19th Birthday (Part 1)

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 29 March 2012

{M}
This blog post contains mixed English and Filipino languages.


For the second part of this blog series, click here.
For the last part, click here.


The day before (26th March 2012)
My head was aching that night, that's why I decided to sleep early, kasi expected ko nang mapupuyat ako kinabukasan.

At 8:30PM, I was at my bed, and after thirty minutes, I fell asleep.

Pero bago pa ako humiga, nag-tweet muna ako, sabi ko:



Midnight Scene (27th March 2012)

Sa sarap ng tulog ko, hindi ko na napansing may mga tumatawag na pala sa CP ko, mga friends ko, sina Jam Co and Darlene Sy. Ang daming beses.

Kaya naman, gumawa sila ng paraan, tinawag nila ang isang syoti namin (Joed Necessario) dito upang pababain ako sa lobby ng dorm namin.

Si Joed naman, umakyat. Ayun, I was awaken sa kalabit niya. Sabi niya, "Ano kuya, may pag-uusapan daw sa GFSU (stands for Guangzhou Filipino Student Union, well by the name itself, 'lam niyo na kung anong organisasyon iyan), importante. Baba ka daw sa lobby."

'Eto ako, naalimpungatan, tinanong ko siya, "Anong oras na ba?"

"12:05"

Tiningnan ko cellphone ko, ay, nakapatay. Naka-automatic turn-on and turn-off kasi CP ko, pagsapit ng hatinggabi, nakatakda siyang mamatay....hehe.

Hindi ko na maalala kung binuksan ko CP ko o hindi, ang pagkakatanda ko ay nag-mouthwash muna ako bago dumiretso pababa ng lobby.

If you will ask me kung nainis ba 'ko kasi ang gabi-gabi e magmi-meeting pa. Hindi. 'Di ako nainis or something. Basta bumaba lang ako, 'yun na 'yun.

Pagkarating ko sa lobby, ayun, there they were, waiting for me!

"Happy birthday to you...happy birthday to you..."

Hay nako, sabi na nga ba e!

They presented me this special cake, I don't know how to specifically call it.

Tapos, I wished. I prayed to God that hope He will give me the best pa rin in my 19th year here on Earth. May isa akong tiyak na hiniling pero magiging labag sa kalooban ko kung isisiwalat ko. Sensya.

Natuwa ako sa ginawa nila kasi nagpuyat at nagpahatinggabi pa sila para dito. Ang hirap kayang magpuyat! Hahaha! Para sa 'kin a, kasi recently whenever I lack sleep, my head serves as a target for headaches.

Kaya kahit simple ang ginawa nila, na-appreciate ko ang thoughtfulness nilang lahat at ang isinakripisyo nilang oras na sana'y itinulog na lang nila.

Bumalik ako ng kuwarto dala-dala ang naturang "birthday cake". Hindi na 'ko makatulog ulit. Kaya binuksan ko si buddy laptop at siyempre in-open sina FB at Twitter. Nag-post din ako sa FB as Facebook Post-Primetime Post ng gabing iyon. At nagsimula na ring bumuhos ang flood of comments na nag-greet sa'kin ng Happy Birthday. Inisa-isa ko silang ni-like at ni-comment-an hanggang sa antukin ulit ako bandang alas-dos.

Akala ko eto lang ang mangyayari sa 'kin sa pinaka-espesyal na araw ko taun-taon...

Meron pa pala!

>> rrj@chn_2012-03-29

Wednesday, March 7, 2012

{M} Fail Moments, kahapon at ngayon (6th-7th March 2012)

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 7 March 2012

{M}
The blog contains mixed Filipino and English languages.

FIRST FAIL MOMENT:

Bumili ako ng instant noodles kagabi bilang hapunan. Alas nuwebe na kasi kaya hindi na ako nakakain pa sa kantina namin.

Binuksan ko ang kalahati ng balot, pero may instructions, mabasa nga.

May mga naka-drowing sa balot, sa step one ay may isang lalaki na nilalagyan ng mainit na tubig ang noodles at nakahawak sa seasoning.

So ginaya ko, nilagyan ko nga ng tubig at ng seasoning.

Tinakpan kong muli ang noodles ng balot.

Napanganga ako nang makita ko ang "Drain water here" na instruction.

Tiningnan ko ulit ang step one, this time, binasa ko na ang instruction under the drawing. At ang sabi, tanggalin daw muna ang mga seasoning mula sa lalagyan at punan ito ng mainit na tubig.

Kaya pala may hawak na seasoning ang lalaki sa drawing.

WTH!

Hindi pala 'to beef noodles, parang pancit canton pala 'to!

Pa'no 'yan? Kasama na ng tubig ang contents ng seasoning?

Wala akong nagawa, ni-drain ko na lang 'yung tubig.

Kat*ngahan mo kasi...tsk tsk...

Pinagtiisan ko na lang kainin ang instant noodles, kahit na konti ang lasa.


SECOND FAIL MOMENT:

Kanina, 7:20AM na 'ko nagising, kailangang magmadali kasi 8:00AM pasok namin.

Buti na lang tapos nang maligo ang roommate kong Pinoy. 'Yung dalawa kong roommate natutulog pa, sinamantala ko 'yung pagkakataon.

Nakatapos akong maliigo, tsaka ko lang naisip na may nakalimutan ako...

Wala akong tuwalya!

Ang ginawa ko na lang ay pinagpupupunas ko ng kamay ko ang buong katawan ko, para mabawasan ang basa.

Ayun, natuyo naman.

Papalabas na ko ng CR nang kumatok sa pinto ang Cambodian kong roommate. Kakagising lang.


THIRD FAIL MOMENT:

During our Advanced Chinese class, tinanong ng prof namin kung kailan daw kami naging down.

Isang Indonesian classmate ko ang nagsalita.

Sabi niya sana sa Australia dapat siya mag-aaral ng kolehiyo, kaso hindi siya matuloy-tuloy, kaya napadpad siya sa dito sa Tsina. Na-depress daw siya nang todo, 'di siya maka-get over.

Tapos, nag-request ang prof namin na sino daw ang pwedeng kumatawan bilang magulang niya, kunwari, para to give advice daw sa kanya na OK lang na hindi siya natuloy sa Australia.

Habang nagtatawag ang prof, tumulo na lang ang luha sa mata ng kaklase ko, halatang masakit sa kanya na hindi siya natuloy dun.

Sa ganoong kalagayan niya, wala sa amin ang nag-dare mag-volunteer. Baka mas lalo kasi siyang masaktan or whatsoever.

Kaya si prof na lang ang nag-act bilang nanay niya, sabi niya...

"Okay lang na hindi natuloy dun sa Australia, ano bang mapapala mo dun? Puro kangaroo lang naman dun, baka maibulsa ka pa. Buti nang nandito ka sa Tsina, at least nakakakita ka ng nagwagwapuhang mga lalaki..."

Toinks! Corny no? Fail "advice".


FOURTH FAIL MOMENT:

Pagtapos ng naturang klase ay bumalik na ko ng dorm, 3:00PM pa kasi sunod  kong klase.

Nung oras na 'yon lang ako nag-almusal, kasi nga wala nang oras kanina.

Nagtimpla ako ng milk tea, binili ko kagabi sa mini store sa ibaba ng dorm namin, kasama nung fail na instant noodles.

Binuhos ko ang milk tea powder sa mug, nilagyan ko ng mainit na tubig.

Ininom ko.

Putik! Ba't ang pakla? Walang kalasa-lasa!

"Next time hindi na 'ko bibili ng brand na 'to! Sayang pera ko! Halos sampung pakete pa naman binili ko!" saad ko sa sarili ko.

Well, ininom ko na lang ng ininom, mahilig kasi akong magtiis e.

Nung papaubos na, naigalaw ko nang kaunti ang kutsaritang nasa loob ng tasa. Nagtaka ako bakit medyo nagmamatigas ang kutsarita.

Iniangat ko ito...at nakita ko may "residue" sa kutsarita.

Kay nako! Hindi ko pala naihalo! Hehehehehe!

Nilagyan ko ulit ng mainit na tubig ang tasa. Aaaah! Katamis naman pala e!


>> rrj@chn_2012-03-07

Saturday, March 3, 2012

{M} My Class Sched for this Semester (AY 2011-2012 2nd Sem)

FROM THE MAIN BLOG: Originally posted on 3 March 2012.

{M}
The blog contains mixed Filipino and English languages.

(Above) My Schedule of Classes for AY 2011-2012 2nd Semester.
10 subjects....tsk tsk...
Pinakamaraming subjects na napili ko sa buong buhay ko, so far, bilang isang college student.


Nung First Year 1st Sem, 6 subjects lang ako. Nung sumunod na semestre, naging walo. Nitong nakaraan, walo ulit......ngayon, sampu na!

What-a-men!

Pero I'm glad kasi out of these ten subjects, at least five ang may written Final exams, namely, Advanced Chinese II, Practical Chinese Writing II, Chinese Extensive Reading II, Extensive Reading of Magazines and Papers I, and Chinese Contemporary Literature.

'Yung Finals naman ng Chinese Urban Culture, thesis type. P.E. IV, Music Appreciation and Computer III will have practical/hands-on type of exams.

Let's focus on the superscripts 1-5.

[1] Extensive Reading of Magazines and Papers: I already told you in the earlier blog post that there will be no magazine reading. Newspapers are under the spotlight.
[2] Physical Education IV: Among the three choices, I chose tennis. The other two are dancing and wushu.
[3] Computer Application in Chinese III: This subject is a good one. This time, Flash and Internet Webpage Design (via HTML, in which I'm good...hehe) are to be taught. =7
[4] Music Appreciation: Pinili ko 'to bilang pampuno ng 24 units.
[5] Demo Teaching: From this sem until Fourth Year 1st Sem namin ma-e-encounter ang subject na ito. The units, however, will be credited on Fourth Year 1st Sem. This subject will be holding its classes starting on the fifth week (29th March).

If you can notice, Thursday is my very hectic school day in terms of the number of subjects, and the period it occupies. In other words, I have classes in the morning, afternoon and evening on Thursdays!

Wait lang, Joe....ano ba 'yang sinasabi mong 24 units?

The university gives us 20 units (basic) in every semester. If your general average (from the previous semesters) is higher than 2.5 (equivalent to 75% in the Philippines, passing grade here is 60%), a student is surely entitled for "extra credits". The higher the average, the more extra credits will be given. In my case, I will not disclose my average but I was credited four extra units, that's why I have 24 units for this semester.

Balak kong gamitin lahat ng 24 units ko, para mas magaan ang load ko sa mga susunod na semestre.


>> rrj@chn_2012-03-03

Thursday, March 1, 2012

{M} First day of class (2nd Year 2nd Sem >> 27th Feb. 2012)

FROM THE MAIN BLOG: 
Originally posted on 1 March 2012.

{M}
This blog contains mixed Filipino and English languages.


Hay nako....Lunes na naman! Papasok na ulit ako.

Gumising ako ng alas-sais ng araw na 'yun.
Tinatamad pa akong pumasok.

In-almusal ko ang Skyflakes, binaon ko from the Philippines.

Medyo nakaramdam ako ng pagkalungkot...naalala ko na naman sina Mama, mga kapatid ko...at mga naiwan kong kaibigan.

Mabigat sa loob kong iwang muli ang Pilipinas..

Kasi naman si Skyflakes e, pasaway talaga, it reminded me of them...again...just like what happened last August 2011.

'Lam niyo ba na inubos ko sa isang araw lang ang sampung pakete ng Skyflakes (nung mga araw na iyon)?

Oo, aaminin ko, na-homesick ako.

If you can still remember, nag-Facebook post-primetime post ako that night. Hindi ko lang direktang ini-specify bakit kailangan ko ng mga dasal niyo, sinabi ko lang na haharap akong muli sa kasindak-sindak na pamumuhay dito sa GZ (stands for Guangzhou). Pero sa totoo lang, naho-homesick ako.

(Above) FB post-primetime post ko nung 26th August 2011. Note that my date is wrong, I wasn't aware of the time.

Teka, teka....lumalayo na ako sa topic!

That day, it was chilly cold, siguro mga nasa 8 to 9 degrees Celsius. Before coming back here, I thought the temperature will rise, kahit man lang at least 15degC, pero colder, way colder than expected!

Dala-dala ko ay dalawang excuse letters, isa sa Class President na ang isinulat ay masakit daw ang ulo niya pero sa totoo lang mas nauna pa siyang umalis sa akin ng kwarto; pero maganda din naman ang intensyon niya, magta-translate siya para sa kababayan niyang nagpapagamot dito. Ang isa naman ay sa aming Class Vice President, kararating lang niya kasi ng GZ that early morning. Bangag siya that's why hindi pumasok.

'Di ba, ang saya? First day of class, wala yung pangulo at bise ng klase namin! (Peace!)

Ako naman, may sariling pagkapasaway that day. Wala akong dalang libro, kasi hindi pa bumibili; yeah, "bumibili" yung term ko, not "nakabili", maybe para 'di magklase on the first day. And everything happened as "planned", karamihan hindi din bumili ng libro, hindi nga nagklase, iba na lang ang pinag-usapan! Haha!

During our Advanced Chinese class, bigla na lang may dumating na isang dalagita, humahangos...

Sabi niya mag-sit in muna siya, kung sakto sa Chinese proficiency level niya yung subject, sa amin na daw siya magka-klase, take note, for the rest of her college life!

Galing kasi siya ng ibang kurso, nirekomenda ng isang bisor na lumipat siya sa amin.

Isa siyang Haponesa. Pangalan ay Toyota Anny (Japanese: 豐田 宴以).

(Above) Countries in our class: (first row) Thailand, Myanmar, (second row) Laos, Vietnam, Indonesia, Cambodia, (third row) Japan, Philippines. Captions are translated by Google Translate from original English to various languages seen above. Accuracy may not be guaranteed.

When I look at her at first, mukha siyang masungit.

Nevertheless, when she asked me kung matutuloy ba P.E. IV class namin that afternoon (kasi umuulan), my first impression didn't last, she seemed so friendly.

Gandang first day 'to! =7 =7 =7

>> rrj@chn_2012-03-01