Friday, May 31, 2013

{M} Tips on First Day of Classes

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 31 May 2013
Wait, bago ako magsimula, I'll just say a few sentences.

To those blog readers who are not based in the Philippines, just so you know, classes in our country commence every June and end on either March or April. Thus, this blog post is made in time for the upcoming opening of classes in the Philippines next month.

Ayan. Naku, June na naman! Iinit na naman ang mga upuan sa mga classroom dahil nga'y papasok na naman tayo...ay, kayo pala!

Sure na sure ako na nag-iisip kayo what to expect pagpasok ng klase.'Yung iba diyan kinakabahan na, either natatakot kung anong klaseng kaklase na naman ang makakaharap nila, o natatakot sa subjects na haharapin. 'Yung iba naman ay tuwang-tuwa kasi may baon na naman, makikita na naman si crush, o magsisimula muling mag-multiple choice ng mga guys o gals sa campus.

Magbibigay lang naman ako ng tips kung ano ang dapat gawin bago at sa araw ng pasukan.

Bago magpasukan

1. Dahan-dahaning ikundisyon ang sarili.
Heto nga't ilang araw na lang ay magsisimula na naman ang klase, medyo tanggapin ninyo na magti-"till we meet again" na kayo ng summer vacation. Puwede pa rin namang magsiyesta kaso kailangang naka-set ang mind mo na magpapasukan na, para hindi kayo mabigla sa araw ng pasukan.

2. Tabunan ng excitement ang kaba.
Mas magandang isipin kung sinu-sino ang makikita mo sa pagpasok mo sa first day rather na alalahanin na mas mahirap na ang mga subjects na kakaharapin mo. Natural lang na mas mahirap ang susunod kasi nga "promoted to next level" ka nga e.
Isipin mo na lang kung ano nang hitsura ng mga classmates mo pagbalik, may tumaba ba, umitim, tumangkad, atbp.

3. Tawagan ang mga kaklase
Medyo not applicable to all ang tip na 'to mas lalo na sa mga transferees at mga Freshman students.
Pero makatutulong ito upang bigyan ng mindset ang sarili bago magpasukan. Tanungin mo sila sinu-sino pa ang posible ninyong maging kaklase pa sa June, sinong mga teacher ang magtuturo sa inyo. Basta't pag-usapan ninyo at mag-imagine kung ano kayang mangyayari sa inyo sa susunod na sampung buwan ng eskwela like Intrams, Buwan ng Wika, school foundation day, JS Prom, etc.

4. Mag-set ng goals
Habang wala pang klase at hindi pa busy sa mga assignments at projects, ito ang tamang panahon para bigyan ng challenge ang sarili: ang magbigay ng goals.
Mag-set ng goals sa lahat ng aspeto mapa-aral (dapat lahat pasado), pinansyal (makaipon, makabili ng bagay-bagay), sosyal at kung ano pa. Siguraduhin lang na tama at makatotohanan ang mga kundisyones.
Mawawala ka ng panahong mag-set pa ng goals kung gagawin mo iyan kaalinsabay ng mga takda sa school. Dapat talagang sa una pa lang ay alam mo na ang dapat mong gawin pagpasok pa lang on the first day.

5. Huwag nang magpuyat at magtamad-tamaran.
Isa sa magandang disiplina ng isang tipikal na pamilyang Pilipino ang laging pagpapaalala na matulog na nang maaga habang papalapit nang papalapit ang pasukan. Taun-taon kong naririnig iyan mula sa aking mga magulang na "hoy, matulog na't magpapasukan na".
At magpaka-busy na rin kayo para hindi kayo mabigla sa buhos ng sandamakmak na mga ipapagawa sa inyo, mga research, homework, essay sa panahong mas madali na ang paghahanap ng kasagutan. Keep in mind na mas tumalino na rin ang mga guro sa pagbibigay ng assignment at sasabihin nila sa inyong "pwede naman nang mag-internet ah?" Kaya ngayon pa lang ay bigyan na ang sarili ng mga pwedeng pagkaabalahan, take note, produktibong pagkakaabalahan.

Monday, May 27, 2013

{P} Joke Sakto Blogger Edition: Episode 4

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 27 May 2013
Joke # 1 
Isang araw, si Tatay, pinalo si Nono.
Nono (umiiyak): Bakit ba 'Tay lagi niyo na lang akong pinapalo?
Tatay: Kasi mahal kita! Kaya magtanda ka! (sabay palo ng isa pang beses).
Nono: Aray! Hindi naman po patas 'to!
Tatay: At bakit naman?
Nono: Kung pagmamahal lang ang dahilan, sana nagpapaluan na tayong lahat!


Joke # 2
Anak: 'Tay, ba't ang dami niyo pong puting buhok?
Itay: Aba, nagtanong ka pa? Dahil iyan sa pagiging kunsumisyon at pasaway ninyo! Sana hindi ko na lang kayo naging mga anak! Buti pa 'ko noong araw, ke-bait-bait!
Anak: Weh, kaya pala ang dami-dami ring puting buhok ni Lolo?

Joke # 3
(Sa sementeryo.)
Ale: Huhuhuhu! Bakit mo 'ko iniwan??! Huhuhu!
Baliw (napadaan): OK lang ho ba kayo?
Ale: Huhuhuhu! Iniwan ako ng asawa ko e!
Baliw: Nasaan po ba ang asawa mo? Sa'n ba kayo dapat magkikita? Dito ba sa sementeryo?
Ale (medyo inis): Ano ka ba naman? Patay na asawa ko! Kaya nga 'ko nandito, 'di ba?
Baliw: Oo nga naman, ba't ka nandito? 'Di ba mga patay lang nandito? Patay ka na rin pala! Wahahahaha!
Ale (mas nainis): E, ba't ka rin nandirito? 'Di ka rin naman patay a?
Baliw: Patay...patay...ako? Ha? Ako? Patay? Wahahahahaha!
Ate (sobrang naiirita na): Tse! Diyan ka na ngang baliw ka! Wala ka lang makausap e! Heto piso, maghanap ka ng kausap mo! (umalis)
Baliw: E sinong kausap mo kanina? Wala rin 'di ba? Hahahahaha! Iniwan daw? Hahahahaha! Text mo 'ko 'pag bumalik na siya a? Hahahahaha!

Joke # 4
May isang hambog akong kaklase, pinagmamayabang niyang lahat ng gamit nila ay imported.
Isang araw, nagsuot siya ng polo na puro square ang disenyo. Tanong namin sa'n galing, from Czech Republic daw.
Dinala naman niya ang alaga niyang isda, tatlo 'yun, from Finland daw.
Minsang nagpa-project ang guro namin, magdala daw ng kahit anong halamang naka-paso na, para gumanda naman daw ang silid. Nagdala nga siya, ang halama'y galing Greenland at ang lupa, bagong tuklas lang daw, galing Newfoundland.
Tapos, nag-contact lens naman siya, kulay berde! 'Di niya matandaan sa'n galing pero baka from Iceland daw iyon.
Naghinala na kaming magkakaklase, grabe naman iyan. Napakaimposible namang lahat ng gamit nila imported!
Gumawa kami ng paraan kung paano siya mabisto. Pero napagkasunduan na lang naming pagtripan na lang siya.
Isang araw, nag-abang kami sa kalyeng dinaraanan niya pauwi. Noong naroon na siya, binulaga namin siya at itinali.
Ako: Hulaan mo sa'n galing 'tong tali?
Hambog: Saan?
Ako: Sa Italy, bobo!
Hambog: Imposible! Ba't niyo ginagawa sa'kin 'to?
Ako: Tara na, mga kasama! Itali natin siya sa flagpole na galing Poland! Buhusan siya ng putik na may pawis, libag, laway, kulangot, tinga, tutuli at sipon na galing pang Germany! Pakainin din ng labuyo galing Chile! Palibutan siya ng dagang galing Costa Rica!
Batuhin na rin siya ng bato galing Estonia at ng mga sapatos galing Netherlands at Slovakia!
Lahat: Oman! Yemen!
Simula noon ay hindi na siya nagyabang pa. Alam na namin ang panloloko niya e.
Kayo, alam niyo na rin ba?

Joke # 5
Guro: Noong primitibong panahon, walang masyadong kasuotan ang mga tao. Ngayong modernong panahon, sobra-sobra na ang damit ng mga tao.
(Nakita ng guro si Lando, hinubad ang uniporme.)
Guro: Lando! At bakit hinubad mo ang uniform mo?
Lando: Sabi niyo po kanina, sobra-sobra na ang damit natin? Hinubad ko lang po yung sobra!

Joke # 6

Bakit nga ba mahal kita
kahit 'di pinapansin mga pimples ko?
'Di mo man ako mahal,
heto pa rin ako, nagpupuyat para lang sa'yo?
Bakit nga ba mahal kita
kahit na may pigsa na 'kong iba?
Ba't ba baliw na baliw ako sa'yo?
Hanggang kailan ako magtitiis?
O bakit nga ba mahal kita?
(Awit ng isang babaeng punumpuno na ng pimples ang mukha.)

Joke # 7
DRAMA SA RADYO
Babae: Walang-hiya ka! Nakuha mo pang mambabae! Galit na galit ako! Kukuha na 'ko ng kutsilyo sa kusina. Heto na't hawak ko na!
Lalaki: Sige! Nakahiga na 'ko ngayon sa sahig, ang paa mo'y nakatapak sa aking dibdib. Gawin mo na kung anong gusto mo sa akin!
Babae: Iniaangat ko na ang dalawa kong braso! At buong-lakas kong isasaksak sa dibdib mo ang kutsilyo! Ugh!

Lalaki: Uh! Nakatusok sa dibdib ko ang kutsilyo! May dugo nang lumalabas! Nahihirapan na 'kong huminga! Uh....uh.... Mamamatay na 'ko! Uh.....uh.....uh..... Pumipikit na mga mata 'ko! Patay na 'ko...
WHEW, buti na lang naimbento ang TV!

|| cHNJoeCo0327Xi50145n145XQObql

Friday, May 17, 2013

{P} Eleksyon 2013: Resulta sa Lungsod ng Maynila (Alkalde at Bise-Alkalde)

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 17 May 2013
Ginanap ang eleksyon sa Maynila kaalinsabay sa pambansang halalan noong Mayo 13, 2013.

Inabangan ng mga Manileño ang resulta ng halalan sa pagka-alkalde kung saan naglaban ang kasalukuyang nanunungkulang si Mayor Alfredo Lim at ang dating Pangulong Joseph Estrada.

Hindi rin naman pinalampas ng mga mamamayan ng Maynila ang labanan sa bise-alkalde kung saan nagtuos ang kasalukuyang bise-mayor Isko Moreno (Domagoso) at ang artista-konsehal Lou Veloso.

Sa huling ulat sa transparency server ng COMELEC (16 Mayo 2013, ganap na ika-10 ng gabi), may mahigit sa 90% na ang naipapasang resulta mula sa iba't ibang bahagi ng lungsod. Sa 16 na geographical districts, tanging San Andres at Sta. Mesa na lamang ang hindi pa nakakapagpadala ng resulta.

Narito po ang resulta ng eleksyon sa pagka-alkalde sa bawat distrito heograpikal ng Maynila (mula sa COMELEC):


Distrito Joseph Estrada (UNA) Alfredo Lim (LP) Invalid/Blank Votes
[Note 1]
Aktwal na Bumoto
Binondo            2,728            2,822               219            5,769
Ermita            2,103            2,400               210            4,713
Intramuros            2,086            1,325                 99            3,510
Malate          15,315          11,196            1,017          27,528
Paco          14,151          11,997               972          27,120
Pandacan          16,524          14,493            1,188          32,205
Port Area            8,602            6,093               776          15,471
Quiapo            6,675            6,593               430          13,698
Sampaloc          64,173          65,177            4,183        133,533
San Andres                 ---                  ---                  ---                   --- 
Sta. Mesa                 ---                  ---                  ---                   --- 
San Miguel            2,103            2,984               198            5,285
San Nicolas            7,946            6,204               513          14,663
Sta. Ana          37,103          27,209            2,470          66,782
Sta. Cruz          26,141          26,693            1,551          54,385
Tondo        119,638        107,525            6,016        233,179
TOTAL        325,288        292,711          19,842        637,841
[1] Datos ayon sa sariling pagkwenta, hindi mula sa COMELEC.

Narito naman po ang resulta ng eleksyon sa pagka-bise alkalde sa bawat distrito heograpikal ng Maynila (mula pa rin sa COMELEC):


Distrito Isko Moreno Domagoso (UNA) Lou Veloso (LP) Invalid/Blank Votes
[Note 2]
Aktwal na Bumoto
Binondo            3,071            2,249               449            5,769
Ermita            2,652            1,653               408            4,713
Intramuros            2,443               778               289            3,510
Malate          16,600            8,968            1,960          27,528
Paco          15,475            9,803            1,842          27,120
Pandacan          14,615          15,784            1,806          32,205
Port Area          10,465            3,160            1,846          15,471
Quiapo            8,382            4,347               969          13,698
Sampaloc          74,503          50,970            8,060        133,533
San Andres                  ---                   ---                 ---                   --- 
Sta. Mesa                 ---                   ---                 ---                   --- 
San Miguel            2,183            2,698               404            5,285
San Nicolas            9,260            4,304            1,099          14,663
Sta. Ana          37,170          25,167            4,445          66,782
Sta. Cruz          32,680          17,805            3,900          54,385
Tondo        143,821          75,247          14,111        233,179
TOTAL        373,320        222,933          41,588        637,841
[2] Datos ayon sa sariling pagkwenta, hindi mula sa COMELEC.

Sa ibaba naman po ang mga color-coded na mapa ng Maynila upang magkaroon ng biswal na pang-unawa ang mga mambabasa sa naging resulta ng halalan.

Nakahati sa distrito heograpikal ang mga mapa, ang kulay ng bawat distrito ay depende sa kung sino sa mga kandidato ang may pinakamaraming boto sa lugar na iyon.

  • Alkalde ng Maynila

(Itaas) Mapa ng Maynila na nagpapakita ng resulta ng eleksyon sa pagka-alkalde.
1: Binondo; 2: Intramuros; 3: Pandacan; 4: Quiapo; 5: San Miguel; 6: San Nicolas.
Ang orihinal na mapa ay nagmula sa Wikipedia.

  • Bise-Alkalde ng Maynila

(Itaas) Mapa ng Maynila na nagpapakita ng resulta ng eleksyon sa pagka-bise alkalde.
1: Binondo; 2: Intramuros; 3: Pandacan; 4: Quiapo; 5: San Miguel; 6: San Nicolas.
Ang orihinal na mapa ay nagmula sa Wikipedia.
|| cHNJoeCo03277iXi5145XQObk

Tuesday, May 14, 2013

{P} Eleksyon 2013: Resulta ng Eleksyon sa Konsulado ng Pilipinas sa Guangzhou, Tsina

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 14 May 2013
Nagsimula ang pagbibilang ng mga boto sa Konsulado-Panlahat ng Pilipinas sa Guangzhou, Tsina sa ganap na 8:08 ng gabi.

Ayon sa konsulado, may 241 na valid ballots ang kanilang natanggap, ito ay may 140% na pagtaas laban sa bilang ng mga balota noong Eleksyon 2010 (101 na balota lamang).

Ayon sa panuntunan ng COMELEC, bibilangin ang mga boto sa kada isandaang balota, kaya binilang ng mga opisyales ng konsulado ang mga boto matapos basahin ang unang isandaan, sumunod na isandaan, at ang huling 41 na boto, pagkatapos ay siya namang susumahin ang lahat ng nakuhang boto ng kandidato.

Narito po ang kumpletong resulta ng eleksyon sa Guangzhou, Tsina sa pagkasenador.


RANK NAME OF CANDIDATE 100TH BALLOT 200TH BALLOT 241ST BALLOT TOTAL % [1]
1 GORDON, DICK 69 66 22 157 65.1%
2 LEGARDA, LOREN 62 60 22 144 59.8%
3 ESCUDERO, CHIZ 54 55 28 137 56.8%
4 CAYETANO, ALAN PETER 59 57 16 132 54.8%
5 PIMENTEL, KOKO 51 62 17 130 53.9%
6 MAGSAYSAY, RAMON, JR. 48 57 22 127 52.7%
7 HAGEDORN, ED 51 49 24 124 51.5%
8 ANGARA, EDGARDO 51 53 19 123 51.0%

AQUINO, BENIGNO BAM 48 52 23 123 51.0%
10 HONTIVEROS, RISA 55 47 20 122 50.6%
11 POE, GRACE 52 39 19 110 45.6%
12 TRILLANES, ANTONIO IV 39 47 14 100 41.5%

ZUBIRI, MIGZ 46 39 15 100 41.5%
14 HONASAN, GRINGO 40 47 10 97 40.2%
15 EJERCITO, ESTRADA JV 34 25 7 66 27.4%
16 ENRILE, JUAN PONCE, JR. 29 29 7 65 27.0%

VILLAR, CYNTHIA HANEPBUHAY 25 32 8 65 27.0%
18 BINAY, NANCY 26 29 9 64 26.6%
19 VILLANUEVA, BRO. EDDIE 27 27 9 63 26.1%
20 CASIÑO, TEDDY 23 20 14 57 23.7%
21 MADRIGAL, JAMBY 27 23 5 55 22.8%
22 MACEDA, MANONG ERNIE 21 26 6 53 22.0%
23 MONTAÑO, RAMON 21 24 2 47 19.5%
24 COJUANCGO, TINGTING 14 26 4 44 18.3%
25 MAGSAYSAY, MITOS 11 10 10 31 12.9%
26 DELOS REYES, JC 10 10 2 22 9.1%
27 ALCANTARA, SAMSON 10 6 2 18 7.5%
28 PENSON, RICARDO 6 8 3 17 7.1%
29 SEÑERES, CHRISTIAN 6 7 3 16 6.6%
30 DAVID, LITO 7 7 1 15 6.2%
31 BELGICA, GRECO 4 7 1 12 5.0%

LLASOS, MARWIL 5 5 2 12 5.0%
33 FALCONE, BAL 5 5 0 10 4.1%
[1] Paraan ng pagkwenta: Suma ng bilang ng boto nga kandidato inihati sa kabuuang bilang ng mga balota

|| cHNJoeCo03277iXi5145XQObm