Tuesday, April 24, 2012

{M} Understanding the job of an emcee

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 24 April 2012

Hindi ko maituturing ang sarili kong batikan o propesyonal na emcee, pero hindi naman sa pagmamayabang, I became an emcee or a host for at least eleven (11) times already, within a span of seven years:
1. 2005 Christmas Party (Dec. 2005) >> Program Hosting debut
2. 2006 Selebrasyon ng Buwan ng Wika (Aug. 2006) >> Competition Hosting debut
3. Undisclosed friend's debut (March 2009)
4. Philippine Tiong Se Academy (PTSA) 110th Foundation Anniversary (Nov. 9, 2009) >> Century Park Hotel Manila
5. PTSA 110th Foundation Anniversary (Nov. 11, 2009) >> SM San Lazaro, Manila
6. PTSA 110th Foundation Anniversary (Jan. 2010) >> SM Manila
7. PTSA 110th Foundation Anniversary (Feb. 2010) >> SM Mall of Asia Concert Grounds
8. 4th Chinese Declamation Contest (April 1, 2011) >> Chinese competition hosting debut
9. 1st Freshmen Collage Making Contest (Oct. 2011) >> Solo Hosting debut
10. 5th Chinese Declamation Contest (April 13, 2012)
11. Fiesta sa Guangzhou: Summer Saya Kasama ang Pamilya (April 22, 2012)

Because of all these hosting experiences, stage fright never existed in me. It also boosted my public speaking ability. Oo, nandun 'yung kaba, kaso 'yung tipong ayaw na ayaw mong tumapak ng stage, wala akong ganung personality.

However, hindi lahat naging madali ang pinagdaanan ko sa pag-e-emcee.

The first two were smooth, wala masyadong problema. Kahit na mga naunang mga pagkakataon ang mga 'yun, hindi naman ako pinagpawisan.

Pero naalala ko, nung March 2009 debut ng isang kaibigan ko, I was not originally the host of the said event, nag-back out the day before ang tunay na host at nagsabing hindi siya makakapunta. Kinausap ako ng debutante kung pwede ako na lang ang humalili. Nagdalawang-isip ako nun kasi unang-una, at that time, wala akong alam sa debut, kung ano ang flow ng program and whatsoever. Pero at the end of the day, napa-oo ako, kasi wala naman na talagang papalit kundi ako.

So that night came, kinakabahan ako kasi wala akong alam kung paano and wala akong script, o kahit man lang outline ng kung anong mangyayari. Namamatay na 'ko sa kaba until an angel came to save me by the name of Ate Tim. Nag-debut siya the year before kaya alam na alam niya ang sequence ng debut, ayun pala, siya ang ka-partner ko sa pagho-host ng debut. Kaya naman, nakadepende ako sa kanya. =7

Dahil doon, napunan ang aking pagka-ignorante sa mga debu-debut na 'yan.
Moreover, nawala 'yung takot ko na humarap sa mga taong generally ay hindi ko kakilala. Puro kasi kamag-anak at well-wishers ng debutante ang nandoon.
Doon din akong natutong mag-impromptu, mag-ad lib. E wala talagang script e.

Ang sumunod na event na nag-host ang inyong lingkod ay ang sunud-sunod na foundation anniversary celebrations ng alma mater ko. To give you a bit history of that, ang orihinal na plano ay magtatanghal lang ang school ng nasabing okasyon sa Century Park Hotel at sa SM San Lazaro na kapwa idinaos noong Nobyembre 2009 dun sa Maynila. Pero bigla na lang nag-imbita ang SM Manila at SM Mall of Asia na kami magtanghal din sa kanila.

Ang pinakanakakakaba sa apat ay ang sa Century Park Hotel.
Ang daming VIPs, ang daming taong alam mong mataas ang antas sa lipunan pero you have no particular idea kung sino talaga sila, ang daming taga-Chinese press (ng Pilipinas), mataas pa ang expectation sa program na ito kaya big deal pag nagkamali kami kasi maaaring maipahiya namin ang school pag nagkataon. Subalit, hindi naman po nabigo ang inyong lingkod, gayundin ang aking partner na isang Chinese.

Nang natapos itong sa Century, dito na po nagsimulang tumaas ang perfectionism sa sarili ko pagdating sa hosting job, 'yung pag nagkamali ako ng sabi ay naiinis ako sa sarili ko.

Kaya naman, nung nasundan ito ng sa SM San Lazaro, SM Manila at sa SM Mall of Asia, tintiyak ko laging hindi ako magkakamali, sa spiels at sa sequence of events. Ngunit ang naging bad effect nito ay nadamay na rin ang ibang tao sa ini-set kong standard na dapat lang ay para sa sarili ko.

'Nung sa SM Manila, which is the biggest crowd na nakita ko, daan-daan ang nanood, I was almost late kasi walang masakyang jeep (lagi kasing puno) papunta sa naturang mall, it took us (kasama friend ko at kapatid ko) more than an hour sa kahahanap lang ng jeep. Kaya naman, I was almost late, mga twenty minutes na lang siguro. Sinabihan ako ni Principal na ang dami-dami na raw tao, kailangan na raw magsimula kasi dapat daw pakiramdaman namin ang aura ng audience. Medyo nainis ako dun, yeah, I know mali ang pagiging almost late, kaso, hindi din naman 'ata maganda na magsimula agad.

I agree na pakiramdaman ang audience pero same principle with being too late, too early is also bad. Mabibigla ang madlang tao. 4:30PM ang scheduled start pero gusto nila 4:15 something magsimula na, for me, hindi naman 'ata pwede 'yun. Nangangamba ako na baka may ibang performers na hindi pa nakakarating, o dili kaya may iba pang panauhing hindi pa nakapunta, tapos malalaman nilang "late" sila kasi we started early, so nonsense 'yung pagtatakda ng oras.

At that moment, na-point out ko na the program starts with us bilang emcee. That is a boastful statement, pero, hindi pa 'ko nagtatapos dun, dahil base na rin sa aking mga karanasan, sa kabuuan ng isang programa, 'yun lang ang kayang kontrolin nang buong-buo ng isang emcee. How about the other parts of the program? Heh, hindi na kayang hawakan ng emcee 'yun kasi dahil sa marami pang factors. I will go to details tungkol sa bagay na 'yan later.

Nung naparito ako sa China, laking gulat ko nang ako ang mapili ng Student Council na mag-emcee sa declamation contest, well, it is not campus-wide, restricted to our Overseas Chinese Education course lang; pero kahit na, Chinese 'to e. Nagdalawang-isip na naman ako, pero tinanggap ko pa rin ang hamon.

Sa pagkakataong ito, nag-develop naman ang public speaking ko, in Chinese nga lang; dito rin na-develop ang self-control ko while on stage. Kasi naman, sino bang hindi maiinis sa kapartner mong inagawan ka ng linya on stage? Kapeste talaga 'yun, napansin din 'yun ng audience kaya nag-cause 'yun ng usapan for a short while. Hindi ko na maalala kung nakunot ko noo ko nun sa harap nila, pero what I did after was I plastered on a smile, as if nothing happened. Grabe talaga, nagpaka-ipokrito ako sa harap ng audience dahil doon.

That was the first time sa life ko na kaming emcee ang magbubunyag ng winners, so dapat exciting 'di ba? Kaso inagaw ng kapartner ko 'yung trabahong dapat kaming dalawa ang gagawa. Ang boring kaya, walang excitement, ni-pabitinin ang mga hininga ng mga naonood wala e. Grabe ang pagkalungkot ko noon. Pero I made a determination to do it better, kung ako man ulit ang mapipiling emcee, sa susunod na taon.

At ako nga muli ang naging emcee ng declamation contest ng sumunod na taon, which is this year. Pero bago muna 'yan, I had my very first solo hosting job nung October last year. Hindi rin dapat ako ang emcee nun, pero dahil sa walang ibang mapili, ako na naman ang sumalo. The day before lang ako nasabihan, pero gawa na ang script at sinabi naman na sa'kin ang flow ng program, kaya naging smooth din ang solo hosting ko that day.

At ang sumunod na nga ay itong declamation contest nitong taon. Binuhos kong lahat ng efforts, mula sa costume na pinagkagastusan ko talaga  hanggang sa background music namin ng partner ko sa awarding ceremony. I planned to make this year's contest more exciting and more memorable than the last time, for this will be my last time to do the emcee job dahil restricted na 'ko next year to do so sa susunod na declamation contest.

Maliban sa isang maliit na pangyayari, naging maganda ang flow ng program mula simula hanggang sa bago mag-awarding. Ang pangyayaring tinutukoy ko ay nung nagsimula kami'y napilitang kaming magsimula ulit kasi walang sound 'yung mikropono ng partner ko. Though nakakahiya talaga, binale-wala ko nalang iyon.

Dumating ang awarding ceremony, nagkamali-mali na sa pagkasunod-sunod ang pag-announce namin ng winners kasi may nakalimutan na isang special award. Tapos, minamadali pa ko sa oras, kesyo alas nuwebe na daw; and then nagkamali pa ng pagpindot dun sa makeshift scoreboard. Ilan lang po ito sa mga ikinainis at ikinagalit ko kaya nadismaya ako. Dagdag pa diyan ang gutom kasi hindi ako kumain prior the program. Medyo sumasama kasi tiyan ko nun at plinano kong pagkatapos na lang ng programa tsaka ako kakain.

Marami silang hindi nakaintindi sa 'kin, sinabi pa nilang wala daw akong dapat ikagalit. For me kasi, last ko na 'yun, kung may mga kapalpakang lumabas sa programa, wala na akong tsansang baguhin iyon next year, ibang tao na ang mag-e-emcee. Hindi naman siguro masamang mag-set ng goal, na pagandahin at mas maging exciting ang contest this year, hindi naman ako nagse-set ng pang ilusyon lang, makatotohanan po ang lahat ng isinet ko. Sa isip-isip ko, mahirap bang gawing maganda at flawless ang programa?

Naayos din naman ang problema ko with them (mga kapwa ko SC members) five days later. Naintindihan din nila sa wakas, pero sinabihan ako ng committee head ko na OK lang daw mag-set ng goals, pero dapat hindi ko raw dinadamay ang ibang tao dun, kasi unang-una, hindi nila alam na may ganon pala akong goal. In-accept ko naman ang sinabi niya.

Tulad nga ng sinabi ko kanina, ang powers lang ng emcee ay nasa umpisa lang ng isang program. Pero the rest, 'yung mga taong nasa technical committee, 'yung mga contestants, 'yung oras, 'yung audience, bilang isang emcee, hindi ko kayang kontrolin ang mga iyan ngunit kailangang sumunod sa flow. Ito ang aking pinakasariwang natutunan sa loob ng labin-isang beses. I have a personality kasi na maiinis ako pag may sudden changes sa naiplano na. I think ito'y kailangan ko talagang maisabuhay hindi lang sa pagiging emcee, kundi na rin sa mismong buhay ko na rin.

Sabi nga ng isang kanta, "Everything can change when you least expect it."

So, sa mga magbabalak mag-emcee in the future, nawa'y may napulot po kayong mga tidbits on how to do it yourself. Madaling magsalita pero pag kaharap mo na ang mga tao, nerbyos at takot ang sasalubong sa'yo, pero kailangan mong harapin ang mga iyan, masasanay ka rin. You'll see! =7

>> rrj@chn_2012-04-24

Friday, April 20, 2012

{P} Joke Sakto: Blogger Edition (Episode 2)

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 20 April 2012


Joke # 1
Tonton (kausap ang kaklase): Uy, pahiram namang lapis diyan, o!
Titser (kay Tonton): Ops ops ops! 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na magdala ka ng sariling lapis mo? Ano ka, pupunta ka sa giyera, wala kang sandata?
Tonton: E ba't ikaw Ma'am? Lagi kang naghihiram ng chalk at eraser sa kabilang classroom? Lagi mo ring hinihiram ang red ballpen ng first honor namin? Sino sa'tin Ma'am ang mas walang sandata?

Joke # 2
"The rains today are caused by the tail-end of a cold front..."
Daming nagsasabing dapat wikang Filipino na daw ang weather forecasts.
Subukan natin.
"Ang pag-ulan ngayon ay sanhi ng dulong buntot ng malamig na harapan..."
Ngayon, mamili ka, sa'n diyan sa dalawa ang magandang pakinggan?

Joke # 3
Ekonomista: Patuloy na tumataas ang inflation dito sa Pilipinas!
Pilosopo: E 'di kumuha ka ng karayom!
Ekonomista: Ano namang magagawa ng karayom?
Pilosopo: 'Di ba ang inflation 'yung paglobo ng balloon? Gamitin mo ang karayom para paputukin mo ang lobo! E 'di tapos!

Joke # 4
Ito ang mga hinaing ng mga bagay-bagay sa mundo na gustong magpakasosyal:
"Buti pa ang universe at earth, may beauty contest, bakit ako wala?"
- araw
"Buti pa si Friday, good; bakit ako, black?"
- Sabado
"Buti pa ang magasin, itinatabi; samantalang ako, ipinapamunas sa bintana!"
- dyaryo
"Buti pa ang dolyar, pag lumakas, ang saya-saya nila. Pero pag ako ang lumakas, nakakunot ang mga noo nila!"
- piso
"Bakit ang salamin, 'pag kumikinang sila, ayaw nilang madumihan? Samantalang ako, wala silang paki kahit na kumikinang ako, bagkus tinatapakan pa rin!"
- sahig
"Bakit si contact lens, mas tuwang-tuwa sila kapag may kulay? Tapos ako, ni asul, pula o brown, hindi mailagay sa'kin?"
- eyeglasses

Joke # 5
(Usapan ng bagong kasal.)
Babae: Hon, may itatanong sana ako sa'yo.
Lalaki: Sige hon, anu 'yun?
Babae: Tumutulo ba laway mo habang natutulog?
Lalaki: Ahm..oo hon e.
Babae: Kasi araw-araw pagkagising ko, lagi kong naaamoy buhok ko, amoy laway.
Lalaki: Pasensya na, hon. Kasi nung hindi pa tayo kinakasal, lagi akong may kayakap na unan, ini-imagine kong ikaw 'yun. Kaso tumutulo nga laway ko, natutuluan ang unan, kaya 'yun, hanggang ngayon ganoon pa rin.
Hayaan mo't hindi na 'ko haharap sa'yo pag matutulog.
Babae: Hon, okay lang, willing akong matuluan ng laway buhok ko, kahit na limampung beses akong mag-shampoo ng buhok, okay lang!
Pero...bago matulog please lang, magsepilyo't mag-mouthwash ka muna, ah? Amoy imburnal!

Joke # 6
'Pag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
Kaya ako nakuba e.
Pa'no ba naman, kumot ko mula paa hanggang tiyan ko lang! Ang lamig-lamig pa! Anong magandang gawin ko, 'di ba?

Joke # 7
Amo: Ipagtimpla mo nga 'ko ng copy!
Yaya: Ano po, ser? Tinitimpla po ba 'yung copy?
Amo: Hoy! Ikaw, kabago-bago mo lang dito sa pamamahay ko, marunong ka pa sa 'kin ha? Ayun o! 'Yung Gr*at Taste! Timpla mo 'ko bilis!
(Pagkaraan ng ilang minuto...)
Amo: Indaaaaaaaaaaaaay! Nasa'n na copy ko?
Yaya: Pwede pong mamaya na lang. Ubos na po kasi 'yung Gr*at Taste natin ser e! Bibili po muna ako.
Amo: Sige, at saka pwede pakikape ng mga dokumento ko a? Nasa ibabaw ng misa.
Yaya: Misa? E 'di pupunta pa po ako ng simbahan? At saka, pa'no po kakapehin 'yung dokumento?
Amo: Ah basta! Sundin mo inuutos ko! Gusto ko isang oras lang makuha ko na!
(Makalipas ang isang oras...)
Yaya: 'Eto na po ser o! (Sabay abot sa amo)
Amo: Hoy! Ano 'tong pinaggagagawa mo? Hindi ito ang gusto kong mangyari! Ha? Bakit?
Yaya: E bumili po ako ng Gr*at Taste, tapos kinuha ko po sa simbahan habang nagmimisa ang pari 'yung mga dokumento po niyo, 'yung Marriage ContractBaptismal at Confirmation Certificate po 'yung ibinigay sa 'kin ng sakristan. Tapos nilagyan ko po ng Gre*t Taste 'yung mga dokumento, tapos pagbalik po dito, itinimpla ko na po. Ayan po ang nangyari!
Amo: AAAAAAAAAARGH! YOU'RE PIRED!

Joke # 8
(Isang paslit, kaharap ang bentilador, nagpapahangin)
Bata: Wawawawawawawawawawawa......!!!
Bentilador: Hoo! Araw-araw na lang tinitiis ko laway mo, ang baho ng hininga mo! Kahit anong bilis ng elisi ko hindi umuubra! Heto nga't ma-sample-an ka ulit!
(Buong lakas na binilisan ng bentilador ang ikot ng elisi. Natakot ang bata.)
Bata: Mamaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!
Nanay: Naku't mapalitan na nga ang electric fan na 'to! Hindi ko alam ba't natatakot anak ko dito!
Bentilador: L*ch*! Isa ka pa! Hinahayaan mo lang anak mong marumihan at malawayan ang isang napakamahal na bentilador na katulad ko! Hmmp! Magsama kayong mag-ina!
(Dumating ang asawa ng nanay ng bata.)
Nanay: Mahal, palitan na natin bentilador natin! Laging natatakot si bunso pag kaharap niya 'yun e.

Tatay: Alin do'n, 'yung binili ko sa junk shop? Oo, sige maya-maya't ibebenta ko 'yan dun.

Joke # 9
(Sa palengke...)
Tindero 1: Lambat kayo diyan! Lambat! Lambaaaaaaaaaaaaaaat!
Tindero 2: Sira! Siraaaaaaaaaaaaa!
Tindero 1: Lambat! Lambat!
Tindero 2: Sira! Sira!
Tindero 1: Lambaaaaaaaaaaaaaaaaat!
Tindero 2: Siraaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Tindero 1 (kay Tindero 2): Hoy! Nananadya ka 'ata! Hindi sira lambat ko!
Tindero 2: Inaano kita diyan?! Nagtatawag lang din naman ako ng mamimili a!
Tindero 1: Kung magtatawag ka ng mamimili, 'wag kang maninira ng kapwa mo tindero! (sabay sapak kay Tindero 2, nagkarambulan sa palengke)
Kapitan (kadarating lang): Anong kaguluhan 'to! Ha?
Tindero 1: Kasi po, sinasabi ng pesteng 'to na sira daw lambat ko!
Tindero 2: Hindi po totoo 'yun! Nagtitinda lang ako ng sira e. Akala niya siya sinasabihan ko!
Kapitan (binatukan si Tindero 1): Taga-Maynila ka no? Hindi naman ikaw ang sinasabihan nito e! Ang sira dito sa Bikol ay isda! Ikaw pa may ganang manapak ha? Sige, bugbugin 'yan!

Joke # 10
Judge: The audition is now open. First one, please.
Aplikante 1: Tuwinkol tuwinkol litol istar, aw ay wander wat yu ar...
Judge: Makakaalis ka na! Next please!
Aplikante 2: Twinkel twinkel litel istarrr, haw way wanderrr wat yo arrr...
Judge: Bwis*t! Next!
Aplikante 3: Thwinkle thwinkle lithle sthar, haw I hwandher whath hyoo har...
Judge: Umalis ka sa harapan ko't mababato ko 'tong sapatos sa'yo! Next!
Aplikante 4: Sir, pwede po bang magtanong?
Judge: Ano 'yon?
Aplikante 4: Kasi naririning po kasi sa labas na inayawan niyo 'yung naunang tatlo. Tingin ko naman po okay sila. Ano po ba ang nararapat na pagkanta nito?
Judge: Gusto mong malaman? 'Eto...
Chwinkle chwinkle li'l shtar, how ay wandher whath yoo are.
Up above ja world show high, like a dhiamond in ja shky!
Chwinkle chwinkle li'l shtar, how ay wandher whath yoo aaaaaaaaaaaaaaare!

>> rrj@chn_2012-04-20

Wednesday, April 18, 2012

{M} My 19th Birthday (Part 3)

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 18 April 2012

For the first part of this blog series, click here.
For the second part, click here.

My batchmates' "gift"

After lunch, may "Chinese Urban Culture" class ako ng 1PM, nataon din namang magtatawag ang prof namin ng ilang students para mag-discuss sa harap regarding ng napili nilang city in Southern China.

At isa sa mga natawag ay ako. Well, the prof told me that whether mabunot niya 'ko o hindi, I would still discuss in front of the class.

Sa mga nakakakilala sa 'kin, alam na nila what I'll do, most of the time, hindi po naghe-hesitate ang inyong lingkod. 'Pag natawag, sige lang...go!

E 'di 'yun nga, natawag nga ko. Punta ako sa harap. Discuss lang. Never expected that they will appreciate my work.

Tapos nagbotohan, sino daw 'yung Top 3 for them. Thanks to the 44 votes, I topped the voting. That was the "birthday gift" I received from my fellow batchmates.

The Committee Meeting that made me irritated at first, but...

At 5:30PM that day, a committee meeting was scheduled to tackle about the recently held "Chinese Tourism Seminar" and the upcoming Chinese declamation contest. Present are my committee head, my fellow committee members, and one of our student council's vice chair.

Una, hinanapan ako ni vice chair ng script, ako kasi muli ang tatayong emcee sa naturang contest, this will be my second year in a row na mag-emcee nun. Sabi ko, first part pa lang ang nagawa ko. So pinabasa niya 'yung first part. Binasa namin ng partner ko. Pero dissatisfaction was seen in her face. Sinabi niya na sinabihan na daw niya ang student council chairman at ang council adviser na maipapakita na daw niya ang script sa araw na 'yun, nadismaya siya kasi mapapahiya siya sa dalawa.

Ang sabi ko naman, wala pa kasi akong ideya kung ano ang magiging takbo ng program, kung pagsasalitain ba ang mga pinuno ng college, kung ilan ang contestants for both individual and group categories, kung magla-live comment ba ang mga inampalan kada pagtapos mag-declaim ang isang contestant and the like. Sinabi ni committee head ko na ibibigay na daw ang mga iyon sa akin kinagabihan.

Kaya naman, nag-promise ako na kinabukasan na nila matatanggap ang script. Malakas akong mangako that time kasi at 10AM the next day, wala akong pasok, 3PM pa next class ko so I have at least 5 hours to do that. And sa tanang buhay ko, hindi ako umabot nang ganun katagal sa pagsulat ng script, besides, naka-type naman.

Natapos ang isyu ng script. Sinundan ito ng ebalwasyon tungkol sa katatapos lang na seminar na ang komite namin ang punong-abala.

Unang binanggit ng vice chair namin ang case ng biglaang pagkawala ng  projector na isang vital tool para sa naturang seminar. Yeah, totoong biglang nawala ang projector, pero ani ng commitee head namin, hours before ng seminar, nakita pa niya itong nakakabit sa kisame. 'Nung nadiskubre ko lang na nawawala ito tsaka lang siya naalarma. 'Yun pala, tinanggal muna ito kasi may sira daw. Kaya naman, humiram kami ng another projector.

Pero si vice chair, sinabihan pa rin na sa susunod, tingnan muna ang bawat kagamitan kung present ba sila o hindi, para mapaghandaan.

Sunod na binanggit ay ang paglitaw ng messages ng committee head namin from a chatter sa MSN, na nakabukas pala while the seminar is ongoing. Laptop kasi ni committee head ang gamit namin kaya whatever happens sa laptop niya ay naka-broadcast ito sa output ng projector. Sinabon ni vice chair ang head namin dahil unang-una, hinayaang naka-online ang MSN ng huli habang nagse-seminar ang speaker. Kahiya-hiya daw. At pangalawa, kasabay ng tawanan ng audience, tumawa-tawa rin daw ang head namin.

Dito ako unang nainis, tinanong ko vice chair namin, sabi ko, "E anong gusto mong ilabas na facial expression ng committee head ko?" Hindi niya tuwirang sinagot ang katanungan ko, bagkus sinabi lang niya na hindi naman daw kailangang tumawa pa ang head namin sa ganung pangyayari. Whatever, sa isip-isip ko.

Pangalawang ni-raise na problem kuno ay ang comprehension difficulty ng ilang audience sa seminar. Sinabihan ni vice chair si head namin na sa susunod, piliin daw mabuti ang iimbitahang audience, kasi nagmukhang walang kwenta ang seminar kasi panay daw daldal ng ibang audience kasi nga hindi daw nila naintindihan.

Pangatlong problema kuno ay ang sa question and answer portion, ang hihirap daw ng questions namin. Kitang-kita daw dahil may ilang natawag pero nung pumili na ng munero sa PowerPoint, hindi daw makasagot kasi napakahirap nga ng tanong.

Habang naririnig ko ang mga ito, sa isip isip ko, bakit sa amin mo binabato lahat ng 'to? 'Di ba inaprubahan ninyong lahat ito? 'Yung questions, siya mismo ang nag-check nun e. E 'di ibig sabihin responsable din siya dun sa kahirapan ng mga tanong kasi hindi niya man lang binago or what.

Huling ni-raise na problem ay ang frequent daw naming paglabas pasok sa mga pinto. Nakaka-istorbo daw ng audience (nasa harap kasi ng audience ang mga pinto). Ako na ang nagsalita dito in defense of our team, sabi ko, e anong gusto mong mangyari? Ipagpilitan naming dumaan sa likod kahit wala talagang space para dumaan? Or dili kaya dumaan in front of the audience and the speaker? Sinabi ko talaga nang harap-harapan na "hinahanapan mo kami ng butas sa mga sitwasyong wala naman kaming choice".

Si committee head din naman ay nangangatuwiran din kaso ipinagkibit-balikat lang ito ni vice chair at sinabi sa kanya na "hindi ka naparito para pangaralan ako kung anong dapat kong gawin". This time, nakita ko face ni head, hindi maipinta, mangiyak-ngiyak na. She took her bag and literally walked out of the meeting venue. Tinawag siya ni vice chair na bumalik pero umalis lang siya.

Grabe naman kasi si vice chair makapang-comment. Parang wala kaming ginawang tama.

By the time our committee head walked out, I asked the vice chair, "Kung ginaganito niyo lang kami, sana 'di na ikaw nag-text sa'min isa-isa na 'Job well done' "

Depensa niya, "'Yun ba ang tinext ko sa inyo? Ang tinext ko ay 'OK lang ang kinalabasan ng seminar.' "

Sinabad ko siya, "Kahit na, positive pa rin ang text mo. Pang-aasar 'ata itong ginagawa mo sa amin e."

Hindi na siya sumagot. Tinawagan na lang niya si committee head na bumalik na agad.

Sa isip-isip ko, grabe, last year, nabahiran ang birthday ko ng pagkainis, ito't birthday ko ulit, ito na naman!

Tsk tsk tsk!

Kinakausap ko pa ang kapwa ko member nang biglang pumasok si committee head...

...may bitbit na cake!

'Wag niyong sabihing...

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! ..."

HAY NAKU! NAKAKAINIS!

Hindi ako makapagsalita. Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko kanina. Nahiya ako kay vice chair.

Ang meeting pala na iyon ay isa lamang MALAKING setup para pabanasin nila ako.

Ang mastermind ay si committee head.

Hay, grabe talaga!


Conclusion

Isang napaka-memorable ang naging ika-19th birthday ko. Hindi ko alam anong nagawa ko sa kanilang mabuti that will make them feel grateful for having me. I just did my part as a member of the student council, as a classmate, as a friend, at kung anu-ano pa.
Apart from my 17th birthday last 2010 wherein I graduated from high school and delivered my third valedictory speech, my most recent birthday was the best. Kaya naman bawat oras, bawat minuto ng araw na 'yon ay aking inalala upang maibahagi ko ito sa aking blog.

Sa mga nagmamahal sa'kin, I'm very glad for having you too.
Sa mga nag-greet ng araw na 'yon sa Facebook, Twitter at kung saan pa, many thanks to all of you!
To those who were with me on that day, thanks for making that day memorable not only for me but also of yours also.

Thanks be to God. Hope that my 20th will be as happy as the 19th.

>> rrj@chn_2012-04-18

Wednesday, April 11, 2012

{P} Joke Sakto: Blogger Edition (Episode 1)

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 11 April 2012

Ito po ang kauna-unahang pagkakataong sumulat ang inyong lingkod ng blog sa wikang Filipino. Ito rin ang unang pagkakataong mapasaya ko kayong lahat, aking mga mambabasa, kahit man lang sa paraang medyo corny kumbaga.

Hindi na po bago ang "Joke Sakto" sa pandinig ng aking mga kaklase at ka-eskuwela noong nasa hayskul pa 'ko. Ito po ay naging comedy segment ng noo'y "25 Oras" na ang inyong lingkod din po ang gumawa.

Nagsimula itong "Joke Sakto" noong taong 2007 sa "25 Oras", mula pa sa isang tabloid ang mga kalokohang pinagkukuha ko noon. Naging patok naman iyon sa mga ginigiliw kong mambabasa kaya naman mula sa isang beses sa isang buwan, naging kada dalawang linggo ang labas nito hanggang sa tuluyang mamaaalam sa paningin ng mga mambabasa ang "25 Oras" noong Nobyembre 2009.

Ngayon at nagkaroon na 'ko ng sariling blog, ito nga't napagdesisyunan ko na ibalik ang "Joke Sakto" na halos dalawa't kalahating taon na ding nabaon sa limot.

Ngunit sa pagkakataong ito, karamihan po ng jokes ay hindi ko na po kukunin mula sa mga pahayagan, o dili kaya sa internetPawang orihinal po ang ipo-post ko dito. 19 taong gulang na po ang inyong lingkod, baka ako pa po'y mademanda...hehehe! Subalit kung sakaling may pinanggalingan ang mga naturang jokes, sasabihin ko naman po kung saan o kung kanino galing.

Simulan na po natin!

Joke # 1
Laging sinasabi ng teacher natin na mag-take notes palagi para hindi makalimot.
Eh, lagi kong nakakalimutan ang mga panaginip ko eh.
Pa'no 'yon? Mag-take notes habang nananaginip?!
Imba!

Joke # 2
Na-e-excite ako, magkikita kami ngayong araw!
Habang siya'y papalapit, bumibilis tibok ng puso ko...
Tumakbo ako, napatigil siya...
Humihingal pa 'ko nang biglang sabihin niya, "Alam mo, Troy, may sabihin sana 'ko sa'yo eh..."
"Ano 'yon?" Mukha ko'y pulang-pula tulad ng mansanas...naghihintay sa kanyang sasabihin.
"Troy, I hate to say this, but... Talikod ka muna, bukas zipper mo."

Joke # 3 (mula sa isang website dito sa Tsina)
Anak: 'Tay, bakit wala po akong kapatid?
Tatay: (naistorbo sa pagbabasa ng dyaryo) At bakit gising ka pa? Matulog ka na nga!

Joke # 4
(Nag-uusap sina Webcam at A***e Photoshop)
Webcam: Alam mo, nagtatampo ako sa amo natin.
Photoshop: Bakit naman?
Webcam: Kasi, nagmumukha akong sinungaling pag nakikita niya sarili niya sa 'kin.
Photoshop: Ha? 'Di ko gets?
Webcam: E alam mo naman 'tong amo natin, hindi niya matanggap na hindi siya kagandahan, e 'yun naman talaga siya e.
Photoshop: Ah, siya pala 'yun? 'Kala ko ang ganda niya, kainis! Nagpapagamit pala ako sa panlilinlang niya!

Joke # 5 (isang tunay na pangyayari)
Meron po akong isang kaibigan, nakakatuwa.
Isang araw, pagka-uwian, nagsitayuan mga kaklase ko, nang bigla niyang sabihin, "Manatili po muna tayo sa ating mga kinalalagyan" (kasi may pag-uusapan ang klase namin). You know what she did? Hindi siya nanatili, umalis siya mismo ng classroomwell para sumagot sa tawag ng kalikasan.

Joke # 6
Ang alamat ng salitang "palpak"
May isang Amerikano at isang Pilipino, magkaibigan sila.
May nagustuhan ang Amerikano na isang mayuming nilalang. Isang araw, sinama niya ang kaibigang Pilipino sa kanilang date.
Habang nagde-date, niyaya ng Kano ang kasintahan na gawin ang gusto nilang gawin. Ngunit pagkatapos ang ilang segundo, lumabas ng kwarto ang Kano at ang kasintahang bigla na lang umiksi ang buhok.
Sabi ng Pinoy: "What happened? Did you enjoy it?"
Sagot ng Kano habang nakaturo sa baklang kasintahan: "Pal..." sabay sampal sa kanya...PAK!

'Yun na po 'yun, ang alamat ng salitang "palpak"!

Joke # 7
'Yan ang napapala ng mga mayayabang! 'Kala mo kung sino! Sana mahulog sa manhole lahat ng mayayabang sa mundo!

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

Peste! Nahulog ako!

Joke # 8
(Si Totoy, nakita si Nono, hinahalukay ang laman ng itlog sa loob ng bowl.)
Totoy: Hoy Nono! Ano 'yang hinahanap mo diyan?
Nono: May sisiw daw kasi sa loob ng itlog, kuya e. Kaya hinahanap ko, kaso wala naman.
Totoy (sabay batok): Loko! Kitang hilaw pa ang itlog e! Natural walang sisiw!
(Pagkalipas ng ilang minuto...)
Totoy: O, ano na naman 'yang hinahalukay mo?
Nono: Niluto ko 'yung itlog, baka maging sisiw e!

Joke # 9
(Isang banat)
'Lam mo, nahihilo ako sa'yo e.
Ayaw mo sa matatamis, pero gusto mo ng sorbetes;
ayaw mo sa color violet, pero parang walang araw na hindi mo suot ang headbandearphones, hikaw at necklace mong violet;
ayaw mong mag-alaga ng hayop, kaso lagi mong hinahawakan aso namin.

'Lam mo, ayaw ko sa inconsistent e,
kaso,

GUSTO KITA!

Joke # 10
Kinaiinisan natin ang mga taong...
sinosolo ang aircon...

Sige na! Ikaw na! Bigyan pa kita ng sampu diyan e!

Teka teka, bago 'yan, bigyan ko muna siya ng pabango! Useless din ang sampung aircon kung may isang dambuhalang "air defreshener" ang nakaharang! Hehehe!



Sige! Unang episode pa lang naman 'to. May susunod na!
Joke lang itong lahat! 'Wag totohanin!
Hanggang sa muli!

>> rrj@chn_2012-04-11

Monday, April 2, 2012

{M} 2012 1st Quarter Wikipedia page views among Philippine Chinese schools.

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 2 April 2012

{M}
This blog post contains mixed Filipino and English languages.

Generally positive ang impression sa Wikipedia page ng ilang Chinese schools sa bansa.

According to http://stats.grok.se, most of the Philippine Chinese schools had increased their Wiki viewership on the first quarter of 2012. Please refer to the table below.

Rank (1st Q 2012)
School
Year
Jan
Feb
Mar
TOTAL
% Change 2012 vs. 2011
1
Xavier School
2012
1879
1745
1869
5493
4.21%
2011
1709
1792
1770
5271
2
Saint Jude Catholic School
2012
1255
1087
1446
3788
7.19%
2011
1233
1123
1178
3534
3
Immaculate Conception Academy-Greenhills
2012
1053
1029
1145
3227
-26.68%
2011
1444
1433
1524
4401
4
Chiang Kai Shek College
2012
1228
887
889
3004
-3.41%
2011
1062
1077
971
3110
5
Iloilo Central Commercial High School
2012
712
878
727
2317
83.45%
2011
330
448
485
1263
6
Ateneo de Iloilo
2012
783
712
752
2247
15.65%
2011
585
651
707
1943
7
Saint Stephen's High School
2012
850
688
633
2171
32.62%
2011
545
572
520
1637
8
MGC-New Life Christian Academy
2012
616
782
754
2152
35.18%
2011
507
531
554
1592
9
Grace Christian College
2012
731
709
659
2099
0.33%
2011
731
628
733
2092
10
Philippine Tiong Se Academy
2012
617
478
447
1542
-1.66%
2011
179
949
440
1568
11
Philippine Cultural College
2012
494
446
552
1492
15.48%
2011
359
479
454
1292
12
LIGHT Christian Academy
2012
365
348
420
1133
48.49%
2011
206
260
297
763
13
Bohol Wisdom School
2012
341
298
338
977
-4.31%
2011
332
337
352
1021
14
Cebu Eastern College
2012
318
280
357
955
-0.83%
2011
203
380
380
963
15
Bacolod Tay Tung High School
2012
311
303
316
930
-18.49%
2011
335
383
423
1141
16
Divine Word Academy of Dagupan
2012
269
277
257
803
6.78%
2011
171
296
285
752
17
Zamboanga Chong Hua High School
2012
264
186
203
653
16.82%
2011
128
212
219
559
18
Iloilo Sun Yat Sen High School
2012
205
202
237
644
24.32%
2011
113
221
184
518
19
Davao Central High School
2012
222
156
234
612
125.83%
2011


271
271
21
Leyte Progressive High School
2012
192
161
226
579
-7.51%
2011
136
247
243
626
23
Manila Patriotic School
2012
162
137
166
465
37.17%
2011

197
142
339
24
Lorenzo Ruiz Academy
2012
159
135
133
427
0.23%
2011
94
156
176
426
25
Davao Christian High School
2012
156
107
132
395
-15.60%
2011
135
146
187
468
26
Iloilo Scholastic Academy
2012
132
91
123
346
-0.57%
2011
76
119
153
348
27
Lanao Chung Hua School
2012
115
89
89
293
318.57%
2011

61
9
70
28
Sacred Heart School - Ateneo de Cebu
2012
43
49
58
150
212.50%
2011
19
14
15
48

Xavier School managed to dominate the Wiki viewership with a runaway total quarterly views of nearly 5,500, 4.21% higher than the same period of the previous year.

Sinungkit naman ng Saint Jude Catholic School ang pangalawang pwesto na dating hawak ng ICA-Greenhills nung kaparehong panahon ng nakaraang taon.  Kapansin-pansin din ang malaking pagbaba ng Wiki page views ng huli, dahilan upang maungusan ng una.

Hindi naman nagbago ang pwesto ng Chiang Kai Shek College.

The recently-turned-100-year-old Iloilo Central Commercial High School (ICCHS) significantly gained 1,054 or 83.45% more views than the first quarter of the previous year, giving the school a spot in the Top 5.

Speaking of the Centennial Foundation Anniversary ng ICCHS last February, binantayan din po ng inyong lingkod ang Wiki page views ng naturang school mula Feb. 24 (the date before the Foundation Day) hanggang 26 (the day after). Please refer to the table below.


School
24-Feb
25-Feb
26-Feb
Iloilo Central Commercial High School
58
39
22
Xavier School
51
55
69
MGC-New Life Christian Academy
47
21
68
Immaculate Conception Academy-Greenhills
45
31
35
Saint Jude Catholic School
39
41
31
Saint Stephen's High School
(undisclosed)
45

Ang nasa brown ay ang number one sa total day views ng araw na 'yon. Pinutol pansamantala ng ICCHS ang dominasyon ng Xavier sa Wiki noong Feb. 24, na umani ng 58 views laban sa 51 ng pumangalawa.

Ngunit sa mismong araw ng Foundation Day ng Huasiong (isa pang bansag sa ICCHS), pumangatlo na lang ito.

At noong Feb. 26, balik-average na lamang ang total day views ng Huasiong na hindi pumasok sa Top 5 ng araw na 'yon.

Nevertheless, the Wiki page of Huasiong had a good start this 2012, from being number eleven (11) during the first quarter last year, it leaped to the Top 5.

And finally, this year's first quarter no more did it give any Chinese school a double-digit figure. A good example is the Sacred Heart School - Ateneo de Cebu. It's Wiki page earned 48 total quarterly views on the first quarter of last year; this year, it has 150 total quarterly views, making a great 212.5% jump!

The second quarter of 2012 will be having a switch of audience. Students are out for summer vacation, but parents, who will be pondering again on where will they enroll their children the next school year, will surely look for available sources for schools on the net, and one of them is Wikipedia.

Sana lang makatulong ang Wikipedia sa kanila, especially when searching for Chinese schools within their area. Sana lang din ay magbakasyon muna ang mga nagva-vandal sa mga Wiki page na ito...hehehe!

>> rrj@chn_2012-04-02