FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 22 Dec 2012
For the previous episode, click here.
PAUNAWA: Huwag po sanang ikasama ng inyong kalooban kung halimbawa'y nasaktan o natamaan kayo ng mga nasusulat dito. Maaari po kayong mag-komento (ngunit dadaan po muna ito sa approval bago mailathala rito) kung pakiwari niyo po'y may mali po sa aking nabanggit o may iba pa po kayong mga naiisip. Pinapayuhan din na kung maaari'y basahin po ninyo hanggang sa dulo ang blog post na ito upang magkaroon kayo ng mas kumpleto at mas kongkretong pang-unawa sa inyong nabasa. Maraming salamat po.
---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang blog post na ito.
Sa ngayon, hindi ko pa rin nararamdaman ang Pasko, nasa China pa po ako ngayon. Though kaliwa't kanang Christmas Party na ang mga nagaganap (karamihan sa mga ito'y foreigners ang nagse-celebrate), pero hanggang party na lang yun e. Paglabas ng venue, balik sa dating gawi: computer, aral, pasok sa klase, kinig ng music, kain at tulog. Parang walang masayang okasyon na papalapit.
Dalawang Pasko na ang nakalipas na hindi ko kasama ang mga kapamilya ko sa Pilipinas. Grabeng nami-miss ko ang spaghetti ni Mama na sa palagay ko'y wala nang ibang makapapantay. Nami-miss ko na rin na bumibisita sa bahay namin ang mga tiyuhin at tiyahin namin kasama na ang mga pinakamalalapit naming pinsan.
E dito sa China, sa nakaraang dalawang Pasko, bukod sa pamamasyal na wala rin namang ipinagkaiba kumpara sa mga araw na walang okasyon, ay nakaupo lang ako sa harap ng aking study table, tulala, nagne-net, nag-aaral (kasi review week namin) o matutulog sa hapon. Nakabibingi ang katahimikan ng Pasko dito.
Hinahanap-hanap ko ang ingay at kulay ng Pasko sa Pilipinas.
Hinahanap-hanap ko ang mga awiting pamasko na itinutugtog sa ilang radio stations. Noong Grade 6 ako, nauuna ako nagigising sa aming lahat, bago mag-5AM, kasi inaabangan ko yung one-hour Christmas special ng 90.7 Love Radio. Laging nasa good mood ako kasi puro Christmas songs ang napapakinggan ko. Doon ko din na-discover ang ilang Christmas songs kung paano sila kantahin. May "songhits" kami kaya hawak-hawak ko iyon habang nakikinig sa radyo. Pagtapos ng programa, nilipat ko na sa AM band para sina Mama't Papa naman ang makapakinig ng balita.
Inaabangan ko rin noon ang 30-minute Christmas special ng 102.7 Star FM every Sunday. Bago ako pumunta ng church ay pinipilit ko ang sarili kong tapusin iyon hanggang 8:30AM. Doon ko madalas napapakinggan ang walang kamatayang Twelve Days of Christmas".
Noong Kinder naman ako, naiinis ako at minsa'y iniyakan ko pa nang hindi ako isinama ni Mama sa Simbang Gabi sa kalapit na kapilya. Ang Simbang Gabi o Misa de Gallo ay nagsisimula tuwing Disyembre 16 at nagtatapos traditionally on December 24. Tapos susundan ito ng isang espesyal na misa sa gabi ng Bisperas ng Pasko na magtutuloy hanggang sa madaling-araw ng mismong araw ng Pasko. Sobrang masunurin si Mama sa tradisyon ng Simbang Gabi, kahit na nagdadalantao siya noon ay tuloy pa rin siya. Ilang dekada na niya 'atang nakukumpleto taun-taon ang Simbang Gabi. Si Papa naman ay minsan lang sumasama sa kanya.
Hinahanap-hanap ko ang mga palamuting pamasko namin sa bahay. Mga antique nang maituturing ang mga iyon. Simula daw nang magsama sina Mama't Papa at nagkaanak ay nariyan na ang mga Christmas decorations na nakikita naman naming mga magkakapatid magpahanggang-ngayon, liban na nga lang sa akin kasi wala nga ako doon.
Family tradition na namin na kapag last week ng November, huhugasan na ang mga nakatago lang na krismas tri at parol. Ilalatag naman sa sahig ang mga Christmas lights at ite-test kung lahat pa sila ay gumagana.
Ang krismas tri namin ay ibinili pa raw ng mga magulang ko noong dekada '80. Sumunod na diyan ang mga Christmas lights: may isa na yellow lang ang kulay, may isa namang puti lang, at may isang assorted ang kulay. Iyong assorted ang pinagkakatuwaan ko noong maliit pa 'ko, sa aming tradisyon, ito ang isinasabit namin sa kisame ng unang palapag ng bahay namin. Kinukuha ko 'yung mga spare Christmas bulbs ni Papa at pumapatong pa ako sa pinagpatong-patong na mga upuan, aabutin ko ang mga maliliit na bumbilyang napundi na at papalitan ko iyon lahat. Araw-araw kong ginagawa iyon at waring napapalipad ako sa tuwa kapag nakikita kong kumpletong nagsisipagsindi ang mga mumunting ilaw.
Kapag gabi, pinapatay namin ang mga fluorescent lights at iiwanang nakasindi ang lahat ng mga Christmas lights namin. Ang ganda-ganda nga naman talaga! Sumasabay pa ang parol (Christmas lantern) na pawang mga nakasabit sa aming mga bintana sa makulay na pagniningning ng aming bahay sa gabi. 'Pag nakapatay ang TV, pinapatugtog namin ang isa sa mga parol o 'yung isa sa mga Christmas lights. Doon ko naririnig ang mga melody ng "Angels We Have Heard On High" at "God Rest Ye Merry Gentlemen" na hindi ko alam kung paano kantahin noon.
Balikan natin ang krismas tri, sa tagal ng panahon, unti-unti itong nawawalan ng mga dahon, mga Christmas balls at iba pang de-sabit na mga bagay. Noong nawalan ng trabaho si Mama, naalala kong nag-ipon siya ng mga candy wrappers, 'yung mga Ricoa at Softee na iyan, lahat sila'y ginawang bulaklak ni Mama at ipinagsasasabit sa krismas tri. Payak pero masayang pagkatuwaan. Well, hindi ko na alam kung naririyan pa ang mga iyon. Maglalabing-apat na Pasko din ang nakalipas at nilakihan na naming magkakapatid ang punong iyon.
Hinahanap-hanap ko ang mga aginaldo na natatanggap ko. Alam niyo iyon na unexpected pero may natatanggap ka? Ganyan kami tuwing Kapaskuhan, kasi medyo hindi na rin kami umaasang maaambunan pa kami kasi siyempre may pamilyang binubuhay rin ang mga ninong at ninang namin. Hindi kami tinuruan ng mga magulang namin na manghingi sa kanila kasi nakakahiya daw. Pero kung may nare-receive kami ay talagang natutuwa kami na minsan may halong pagtataka, naaalala pa pala kami ng mga ito?
Hinahanap-hanap ko ang paglabas namin ng bahay kapag Pasko. Pinakanami-miss ko ang "Mini Family Reunion" namin sa bahay ng tiyahin namin sa mother's side sa Dasmariñas, Cavite noong 2008. Natuwa akong nagkita-kita kaming mag-close cousins at ang iba naming never pang nakita na mga pinsan. Sobrang natuwa ako na halos ayaw ko nang bumalik ng bahay. Nauna ang ilan sa amin at nagpaiwan pa ako at ang kapatid kong sunod sa akin nang dalawang araw.
Hinahanap-hanap ko ang Christmas parties sa school. Isa sa pinakamasasayang Christmas Party ko ay noong Grade 6 ako kung saan ako ang emcee. Sinundan pa iyon ng Christmas Party naming mga Boy Scouts na hindi ko na maalala bakit napakasaya ko doon.
Hinahanap-hanap ko ang Noche Buena namin sa bahay. Bukod nga sa pagkasarap-sarap na spaghetti ni Mama ay bumabalandra din sa hapag ang fruit salad, malagkit, fried chicken, adobo, at iba pa. Nang minsang manalo si Papa sa lotto ay may dumagdag na cake sa mesa na hindi naman karaniwan sa isang tipikal na Pilipinong Noche Buena. Kilo-kilo kung magluto si Mama ng spaghetti noodles at sauce! Sa totoo lang, pinakaaabangan ko ang holiday season kasi mas madalas kong nasa-satisfy ang aking cravings dahil nga Pasko't Bagong Taon ko natitikman ang putaheng naging trademark na ni Mama sa aming mag-anak at sa ibang taong nakatikim na rin nito.
Hinahanap-hanap ko ang sikip ng Divisoria mas lalo't papalapit nga ang Pasko. Napapadalas ang late namin sa school dahil hindi na halos makadaan ang pedicab sevice namin na dumadaan pa naman sa mismong gilid ng Divisoria Mall at harap ng 168 Mall. Ang mga mamimili ay hindi rin magkamayaw at sa sobrang dami nila'y ako na lang ang nagpapasensya.
Ang dami kong hinahanap, pero sa ngayon, hanggang hanap na lang ako. Dalawang Pasko pa ang aking palilipasin, tsaka ko lang muling malalasap ang Paskong aking kinalakihan, aking kinagisnan.
Parang aso lang ako na alam kong may buto sa ilalim ng lupa, but it is too deep to uncover and I'm still struggling to dig it up, out from the earth.
I can't go home for Christmas, laging pumapatak sa review week (minor exams week) ang Pasko. Sa katunayan, I will be having my final exams for my two minor subjects this Christmas Eve and on the day after Christmas, tapos may review class ako on the day of Christmas itself. That would be my first time na magpa-Pasko ako sa loob ng classroom!
Sa totoo lang, nalulungkot ako habang ginagawa ko ito.
Kaming mga Filipino students dito ay may Christmas Party din sana pero kinansela namin kasi parang wala na rin lang, hindi rin mararamdaman ang diwa ng Pasko kung saan ay kami -- kaming mga napagkaitan pare-pareho ng pagkakataong maipagdiwang ang Pasko kasama ng kani-kanilang mga pamilya sa Pilipinas, ay marapat lamang na nagdadamayan at sama-samang nagse-celebrate. Sobrang nakalulungkot ito para sa akin. Inakala kong Pasko pa rin ang magbubuklod sa aming mga Pilipino rito sa China pero nagkamali ako.
Anong masayang Pasko pa ang mai-e-expect ko dito, hindi po ba?
But suddenly, as I type the sentence above, I realized something and looked on the bright side.
Christmas is not about antique Christmas decorations and the lights that mystify your eyes in the evening,
nor about Christmas songs being played on the airwaves,
nor about the candy wrappers we used to hung on our thirty-year-old Christmas tree,
nor about the midnight masses held in every church around,
nor about the busy streets of Divisoria in Manila,
nor about any family reunions or maybe reconciliations,
nor about the expected or unexpected Christmas gifts,
nor about the delicious Christmas dinner or the spaghetti of anybody's Mom,
nor about the Christmas parties, whether they pushed through or not.
Let's go back in history two thousand years ago, when the wise men looked above and saw a star. They followed it and found a baby who had nothing of all the things mentioned above but his family and some of the shepherds around.
Christmas is all about Him! Jesus CHRIST! Kaya nga CHRISTmas e!
Well, we should thank the Lord for this gift of love from above, which no one in this world could ever compare.
Sana ma-realize nating lahat ang tunay na diwa ng Pasko.
Merry Christmas everybody! Maligayang Pasko po sa inyong lahat!
>> rrj@chn_2012-12-22