FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 30 July 2013
For the previous episode, click here.
PAUNAWA: Huwag po sanang ikasama ng inyong kalooban kung halimbawa'y nasaktan o natamaan kayo ng mga nasusulat dito. Maaari po kayong mag-komento (ngunit dadaan po muna ito sa approval bago mailathala rito) kung pakiwari niyo po'y may mali po sa aking nabanggit o may iba pa po kayong mga naiisip. Pinapayuhan din na kung maaari'y basahin po ninyo hanggang sa dulo ang blog post na ito upang magkaroon kayo ng mas kumpleto at mas kongkretong pang-unawa sa inyong nabasa. Maraming salamat po.
---0o0o0o0o00o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---
Medyo not so latest ang topic na ito pero kahit gaano man kaluma ang isang isyu, entitled ang bawat tao sa kanyang malayang pagpapahayag ng kanyang saloobin.
Noong nakaraang buwan, nag-suggest ang Komisyon sa Wikang Filipino na palitan ang pangalan ng bansa at kilalanin ang bansa, mapa-wikang Ingles man o Filipino, sa pangalang "Filipinas".
Ayon sa isinumiteng suhestyon, ang "Filipinas" ay ang "orihinal at opisyal na pangalan ng bansa" mula nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa hanggang sa dulo ng ika-19 siglo. Isa lang po iyan sa pagpapaliwanag ang komisyon sa website nito. (See http://www.kwf.gov.ph/?page_id=3121.)
Gayunpaman, umani ng blockbuster na negative comments ang naturang panukala. Kesyo pangit daw pakinggan, kolonyal ang dating at iba pa.
Kahit po ang inyong lingkod ay hindi po sang-ayon dito.
Unang-una, oo nga't orihinal nga na bansag sa bansa natin ito, pero ang hirap nang baguhin ang pangalang taglay natin mas lalo na't the international community recognizes us as "The Philippines", or officially "The Republic of the Philippines". Hindi na natin kailangang balikan pa ang nakaraang "Filipinas" na inaalipin at pinapahirapan ng dayuhan. Having "Pilipinas" or "the Philippines", though they are just names, but they stand for the independent nation situated west of the Pacific.
Nagtataka lang ako, may bansa ba kaya sa mundo na nais magpalit ng panglan? I never heard of such. If this will realize, naku, laughing stock na naman ang bansa natin, iisipin ng global community na imbis serious concerns ang intindihin at baguhin ang internal systems ay mukha 'atang sa pagpapalit ng pangalan ng bansa tayo nagsisipag.
Pangalawa, ang paglalahad ng negatibong reaksiyon ng higit sa nakararaming Pilipino ay isang simbolo na mayroong national identity na kinikilala ang sambayanan sa sarili nating bansa, at ito'y "Pilipinas" sa wikang Filipino at "Philippines" sa wikang Ingles. In other words, strong opposition to the proposed name "Filipinas" is enough to consider the steadfast and obvious face of national identity of the Filipinos.
Pangatlo, lantarang paglabag sa kasalukuyang Saligang Batas ang pagpapalit ng pangalan ng bansa. Actually hindi lang sa kasalukuyan, pati na rin sa historical constitutions ng bansa: 1935, 1943, 1973, 1986 (Freedom) at ang effective as of now na 1987 Consititution, tanging ang 1899 (Malolos) Constitution lang ang hindi gumamit ng "Philippines" dahil nga ang orihinal na teksto nito ay nakasulat pa sa wikang Kastila. Mula 1935, "Philippines" (o "Philippine Islands") na ang tawag sa bansa natin. If they want to insist this, palagay ko'y kailangan pang dumaan sa charter change o sa pagda-draft ng bagong saligang batas ito. Tingnan niyo, pahihirapan pa ba natin ang bansa natin dahil lang sa pagpapalit ng pangalan? What the heck. Poverty incidence almost has not changed, additional national reforms pending institution, iyan ang dapat nating asikasuhin!
May isang report na nagsasabing job daw iyan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kaya naiintindihan daw sila ng Malakanyang. Whew, trabaho talaga nilang magpalit ng pangalan ng bansa? I think wala na 'ata silang magawa diyan e, wala nang maisip na ibang problema kaya pati pangalan ng Pilipinas ay gusto nang butingtingin.
Nananawagan lang po ako sa bumubuo ng KWF, ibaling niyo po sana ang pansin ninyo sa maling paggamit ng sambayanan ng wika natin! Bigyan ko na po kayo ng halimbawa: 'yung "ng" at "nang", marami pong hindi nakakakuha niyan! 'Yung mga maling paggamit ng pormal at di pormal na mga salita, pati sa mga ulat panahon ay madalas kinakikitaan ko rin po ng kamalian! Sa halip na "makararanas" (pormal) ay "makakaranas" (di pormal) po ang ginagamit. At saka may ilan pong hindi batid ang pagkakaiba ng "Filipino" at "Pilipino", maging ang isang sikat na palabas sa telebisyon ('di ko na po babanggitin) ay mali ang pagkakagamit! Sana po iyan po ang pagtuunan natin ng pansin.
Please KWF? Hayaan niyo na po sanang "Pilipinas" ang itawag natin sa bansa natin, at "Philippines" ang gagamitin ng lahat 'pag usapang Ingles! Magmatyag po sana tayo gayon nga't binigyan po tayo ng mandato bilang isang komisyong nagbibigay-halaga sa ating wikang pambansa. Please?
|| pHLJoeCo032716584>15>lQObeo