FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 10 Jan 2013
Maaga pa nga ba sa ngayon para magdesisyon kung sino ang ating ihahalal sa darating na May 13, 2013 midterm elections kung saan boboto tayong mga rehistradong botante ng mga susunod na senador, congressman, party list representatives, governor, vice governor, provincial board members, city/municipal mayors, city/municipal vice mayors, at mga konsehal (councilors) ng bawat siyudad o bayan?
For everybody's information, especially to my foreign blog viewers, local elections in the Philippines are held every three (3) years. The local government positions that are to be decided by the Filipino voters this coming May are stated at the previous paragraph. Meanwhile, the Philippine presidential elections are held every six (6) years, therefore, the presidential and the local elections coincide in every six years. The local election which falls on the third year after the most recent presidential election is called midterm election, as the incumbent president is at his/her middle part of her term as chief executive.
The last presidential and local elections were held in May 10, 2010 where Pres. Benigno S. Aquino III and Vice Pres. Jejomar C. Binay won. Three years after, which is this year 2013, a local midterm election is scheduled as mandated by our 1987 Constitution.
Read more: {Type P} Inner Thoughts 001: Random Thoughts 1
This will be my very first time to vote, and this is my very first time to publicly discuss Philippine politics, dati hindi ko naman nagagawa 'to.
At ang masaya pa dito, isa akong overseas absentee voter.
Nagparehistro ako noong Nov. 2011 sa konsulado namin dito sa Guangzhou. Halos wala naman naging problema sa proseso maliban sa hindi ko matukoy kung saang geographical district ang aking barangay. Ayun, sabi sa records ng COMELEC, taga-San Nicolas, Manila daw ako, kasi doon ang barangay ko. E mula pagkabata'y Binondo ako nang Binondo.
Naaprubahan ang aking rehistro, kasama ng ilan sa aming mga Filipino students dito, noong Jan. 05, 2012 ngunit noong October ko lang nalaman kasi unang-una, walang nagsabi sa'min na approved na; pangalawa, hindi ko alam bakit may times na hindi ma-access 'yung DFA-OAVS website kung saan nakalabas ang mga pangalan namin; pangatlo, kung hindi sana dala ng trabaho ko dito (bilang kalihim ng student union ng mga Pinoy), malamang hindi ko pa rin ito alam.
(Above) From Department of Foreign Affairs Overseas Absentee Voting Secretariat website. |
Simula April 13 hanggang May 13 ang voting period para sa aming mga absentee voters, ganun katagal kasi para mapagbigyan din ang ibang botante na manggagaling pa sa ibang siyudad, probinsya o bansa para lang makaboto sa pinakamalapit na embassy o consulate. Sa case ng Guangzhou consulate, may diplomatic jurisdiction ito hindi lang sa Guangdong province, pati na rin sa Hunan, Guangxi, at Hainan provinces, na milya-milya ang layo mula dito, parang Pagudpud hanggang Sorsogon ang biyahe (well, except kung mag-plane o high speed train na ginto ang pamasahe), paniguradong hindi abot o bangag ka (kung abot) sa election day if iisang araw nga lang iyon.
Ngayon nga'y alam ko nang isa na kong registered voter, nag-isip-isip na ko sinu-sinong senatoriables ang lalagyan ko ng shade sa bilog na hugis itlog. 'Yung party-list wala pa kong bet. Nga pala, mga senador at party list lang ang maiboboto ng mga absentee voters.
Read more: {Type E} Philippines' population now at 92.34 million!
Tumingin ako sa Wikipedia na tanging sandigan ko lang ngayon sa pagpili, nandoon kasi ang list ng candidates. As of this writing, meron na 'kong sampu (10) na iboboto, pito sa kanila ay siento porsyento kong iboboto, tatlo sa kanila ay maaari pero baka magbago pa isip ko na huwag na lang silang piliin. Kulang pa 'ko ng dalawa to complete the twelve.
Ops, hindi required na ma-complete ang twelve. Pwede kang mag-undervote, pero hinding-hindi ka pwedeng mag-overvote.
Ang pito na sigurado na ako ay may limang lalaki at dalawang babae. Ang medyo not sure na tatlo ay puro lalaki.
Sa sampung iyan, lima ang gusto kong bumalik o magpatuloy pa bilang senador. Ang limang natitira ay hindi pa nakaupo sa mga upuan doon sa Pasay, gusto ko lang na maipagpatuloy nila ang kanilang political agenda, this time, sa Senado.
One thing is for sure, hindi po ako mag-"straight" ng vote. May ilan na taga-UNA (of VP Binay and former Pres. Estrada) at may ilan ding taga-LP-Akbayan-NPC-NP-LDP coalition (or the Administration senatorial line-up).
Sa party list naman, inaamin ko wala akong masyadong alam sa mga isinusulong ng mga iyan maliban sa mga sikat na tulad ng para sa mga kababaihan, o kaya ay para sa ikauuna ng bayan ('di ako magbabanggit! Hehe!). Hindi pa 'ko makapag-decide sa ngayon ukol sa bagay na 'yan.
Read more: {Type M} Fail Moments, kahapon at ngayon (6th-7th March 2012)
Ang pamantayan ko sa pagpili ay tinignan ko ang track record ng bawat kandidato, kung may magagawa ba talaga siya habang nagpapainit ng mga upuan sa Batasan o sa GSIS Main Building.
Pero, hindi po ako nagpapadala sa mga survey survey na iyan. Sa katunayan, ang mga bet ko ngayon ay hindi tugma sa Top 12 o sa Top 15 na inilalabas nila.
May four months pa para mag-decide. Mahaba pa iyan. Marami pang pwedeng mangyari.
Kung halimbawang may itatanong ho kayo, magkomento lang ho sa ibaba, I will answer them to the best that I can.
|| cHNJoeCo0327Xi5045n3n3QOb1o