Thursday, September 20, 2012

{M} Inner Thoughts 002: About Friendships

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 20 Sept 2012

For the first episode, click here.
PAUNAWA: Opinyon ko lamang po ang mga nasusulat dito. Huwag sanang ikasama ng inyong kalooban kung halimbawa'y nasaktan o natamaan kayo ng mga nasusulat dito. Maaari po kayong mag-komento (ngunit dadaan po muna ito sa approval bago mailathala rito) kung pakiwari niyo po'y may mali po sa aking nabanggit o may iba pa po kayong mga naiisip.

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Somebody said to me before that a person who does not talk to you does not mean that you are not friends. It does not mean that your friend has ignored or even forgotten you.

There are several reasons why this happens, we just have to be more understanding and more patient in dealing with this.

I just miss a lot of friends, including my former teachers. Sayang hindi kami nakakapagkita lalu na 'pag umuuwi ako ng Pilipinas 'cause they are busy with their own careers, and in my part naman, I have my own things to do.

Ako naman, hindi ko naman ipinipilit na mag-make time sila para lang magkita-kita kami ulit.

Porke ba hindi na kayo nagkaka-kontakan, e ikatatampo mo na 'yon, accusing them na hindi ka nila kinakamusta? And then, puputulin niyo na lang friendship niyo na parang wala kayong pinagsamahan?

Nonsense.

Hindi nasusukat ng pangangamusta ang tunay na pagkakaibigan. Hindi iyon ang absolute na basehan upang sabihing naalala ka nila.

It's the thought that counts, guys, not actually the words. Words may be deceiving, they may not be sincere.

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Friendship is never a "report-to-me" commitment, like you will tell him/her every single aspect or happening in your life.

You know what I mean?

E 'di sana, naging boss and employee na lang kayo kung ganun na lang.

Hindi kasi natural kung halimbawang sasabihin mo lagi na "Friend, pupunta ako ng Valenzuela, sama ka?", "Bhez, si-CR lang ako.", "Best, nagpagupit na ko ng buhok dun sa barber shop sa Tondo.", "Papasok na 'ko sa trabaho."

Imagine mo nga gawin mo 'yan araw-araw...kakaloko!

OA, grabeng OA ng friendship niyo! 'Wag na lang boss at empleyado, mag-asawa na lang kayo! Phew!

P.S.: Kung ganyan ang na-e-encounter niyo ngayon, maghinala na kayo, may gusto na sa iyo 'yan!

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Naiisip niyo ba sometimes na hindi maganda ang social life mo?

Dalawa lang iyan.

Una, OK naman sila sa iyo, it just happened that you don't have things in common. You may influence them but never expect them all to be in to what you like or what you are doing.

Remember that you can't control their likes and their feelings. Huwag na huwag mong ipilit ang gusto mo sa kanila. Ikaw din, mawawala lang naman ang big and fragile respect nila sa iyo.

The only thing to do is just to be yourself, as long as tama ang ginagawa mo. Malay mo, your being "different" to them may attract them to you. Well, this really happens.

Pangalawa, look yourself at the mirror. You have the looks, the appeal, the fad, the abs at kung ano pa man, but does your attitude OK to them?

The best medicine to that is to obliterate the bad and maintain the good in you.

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

100% ng mga pagkakaibigan ay nagsasabihan ng mga sikreto.

Kaya nga lang, nabubunyag ang karamihan sa mga ito kapag nakaalitan o nakaaway natin sila.

Next time, kung magkaayos kayong muli, don't tell your secrets to him/her again, mas lalo na 'yung mga malulupit at kayang magpabalentong na sikreto.

Ikaw din ang mapapasama kapag binunyag niya secrets mo e. Pero morally speaking, napapasama na din siya kasi nagsisiwalat siya ng mga bagay na dapat ay itinatago muna. Kinakalimutan niya ang definition ng secret.

Dahil ang tunay, genuine, walang kaparis na kaibigan, kahit na mapapatay ka na niya sa galit, hindi nagkakalat ng sikreto ng friend niya.

At kapag ginawa niya iyon, it means that he/she does not care anymore if you will put your trust on him/her again.

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

A true friend is never a spy.

'Di ba? Kung friends kayo, bakit mo pa siya titiktikan?

Let's say may gusto siyang malaman na hindi mo sinasabi sa kanya, kung totoo siyang kaibigan, hindi na niya ipipilit na malaman pa iyon. Understanding must take place. Dapat intindihin na lang niya ang kaibigan niya kung bakit hindi na niya sinabi iyon.

Unang-una pa lang, dapat tanungin mo sarili mo kung bakit hindi niya sinabi sa iyo 'yung bagay na 'yon, baka kasi madaldal ka o sobrang nakukulitan na siya sa'yo sa kapipilit mo. O baka ikaw mismo ang involved. 'Wag mo siyang akusahan agad na hindi siya nagtitiwala sa iyo.

Kaya kung ikaw nga 'yan, e bagu-baguhin mo na sarili mo ASAP at huwag mo nang idaan pa sa pang-eespiya.

'Pag nalaman lang ng friend mo 'yang ginagawa mo, don't expect them to trust you more. Mas lalo ka nilang iiwasan at lalayuan.

Payo ko lang, doon ka na lang sa NBI magtrabaho, may kwenta talaga ang spying skills mo! Maaari mo pang ma-save ang bansa natin from harm.

Kung nagustuhan mo ang advice ko, 'wag mong pagpraktisan at gawing OJT ang mga friends mo, ha? Kasi hindi naman sila threat sa national security. Sukdulang OA mo naman kung gagawin mo talaga iyon.

So guys, if you ever had one, don't trust a "spy friend" around you.

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Huwag kang laging umasa ng magagandang komento mula sa mga tunay mong kaibigan.

Kung approve sila, ipe-praise ka naman nila e. Ngunit 'pag alam nilang may mali ka, sasabihin nila iyan sa iyo.

Kung ie-expect mo lang na everytime may gagawin ka at sasabihin nila sa iyo na "Wow, ang galing-galing mo!", "Ay, tama lang 'yan!", "Perfect!", etc., hindi friends ang hinahanap mo.

Fans.

Dahil kung minsan, ang fans, kahit obvious na obvious at halatang-halata kulang na lang pati lupa ay magsasabi na mali ang ginawa ng idolo nila, ipagtatanggol nila ito at pati sila mawawalan na ng kahit katiting na moralidad sa kanilang mga sarili.

Sila pa ang may ganang magmura, magbanta at mang-blackmail sa mga pumupuna sa kamalian ng idolo nila. 

Better seek for yourself true fans, este, true friends pala rather than true fans.

>> rrj@chn_2012-09-20

Sunday, September 16, 2012

{P} Inner Thoughts 001: Random Thoughts 1

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 16 Sept 2012

PAUNAWA: Opinyon ko lamang po ang mga nasusulat dito. Huwag sanang ikasama ng inyong kalooban kung halimbawa'y nasaktan o natamaan ng mga nasusulat dito. Maaari po kayong mag-komento (ngunit dadaan po muna ito sa approval bago mailathala rito) kung pakiwari niyo po'y may mali po sa aking nabanggit o may iba pa po kayong mga naiisip.

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Ang ipis daw ay laging nasa dilim, natatakot sila kapag nakakakita ng liwanag.
Minsan, nagiging "ipis" din tayo, gusto natin na manatili sa mga madidilim na bagay, umaayaw sa paanyaya ng liwanag.

Gaano kadalas ba tayong naging isang "ipis"? Pakitanong po ang ating mga sarili.

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

"Why worry if you can pray?Sabi ng isang kapanalig namin.

Oo nga naman, no. Pwede ka nga namang manalangin. Oo, worrying is human nature, pero hanggang doon na lang ba iyon?

Sa daming beses na nag-aalala tayo, may pagkakataon ba na nananalangin tayo sa Diyos natin, o pilit nating isinasarili at pilit nating kinakaya sa sarili natin na labanan ito?

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Sana maisaisip ng mga pulitiko hindi lang sa Pilipinas, kundi na rin sa buong mundo ang kasabihang ito ng mga Tsino:

"Ang pinuno ay isang bapor at ang mamamayan ang katubigan."

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Minsang pinagmamasdan ko ang aking relo, ibinibilang ko ang segundo...1, 2, 3, ..., 10, 20, 30, 40, 50, 60, tapos babalik ulit sa 1, 2, 3...

Naisip ko, sanay ang taong magbilang ng 1-100, hindi one-to-sixty.
Kung sandaang segundo ang isang minuto, tiyak maraming magbabagal sa lahat ng bagay, kasi one-to-one-hundred e.

Subukan mong magbilang hanggang isandaan. Hindi mo namalayang humigit-kumulang isa't kalahating minuto ka na pala.

Mabilis nga talaga ang takbo ng oras...

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Isa ito sa mga pinakapinanghihinayangan ko: dahil sa gustong maipagpatuloy ang kanilang karera (career) ay kinakalimutan na ang pagkamamamayang Pilipino pabor sa ibang lahi.

Pasensya na kung may iba kayong opinyon, pero it loses my respect.

Sa halip kasi na tulungang iahon o iraos ang bansa, mas idinidikdik pa...

Tulungan niyo po ang bansa natin! May aberya lang, lilipat na? Ano 'to, TV network?

Kaya maraming salamat sa mga taong nung sumikat ay hindi pa rin nalimutan ang lahing pinagmulan, bumibisita pa nga sila e!

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Lubusan akong naniniwalang may damdaming nasyonalismo pa rin ang mga Pilipino kahit na mabilis na nagbabago ang panahon.

Nakita naman natin sa internet kung paano natin ipagtanggol ang Pilipinas sa mga bumabatikos sa atin, na akala mong napakaperpekto ng kanilang nasyon, o kung sasabihin sa Ingles ay isa silang euphoria.

Pero tingin ko may nakakaligtaan tayo...

Mas saulo natin ang mga awiting dayuhan kaysa sa sarili nating Pambansang Awit.

Ang pag-awit kasi ng "Lupang Hinirang" nang walang mintis at nang buong puso ay pinakasimpleng pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating Inang Bayan.

Saulado ba natin ang bawat salita?

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

Hindi ba pwedeng magkaroon ng sariling "Values Education" ang mga guro?

Marahil naiisip ng mga mag-aaral, nagtuturo sila ng mga ganitong bagay, mga patungkol sa moralidad, pero sila mismo, walang values.

'Di bale! Bukal na bukal po sa puso kong sumali sa kung ano mang values-oriented na programa 'pag naging ganap na guro na ako! Huwag po kayong mag-alala!

---0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0---

May mga bagay sa mundo na hindi mo magagawa hangga't hindi mo ginagamit ang bagay na makapagpapagawa ng bagay na yaon.

Tulad ng pagsisipilyo, hindi mo magagawa 'yan kapag hindi mo gagamitin ang sipilyo mismo. Lilinlangin mo lang ang sarili mo kung ipapahid mo lang ang toothpaste sa ngipin mo at palabasing nakapagsipilyo ka.

Tulad din ng pagkain, hindi mo maaaring lunukin na lang ang lahat, kailangan pa ring durugin muna ang ating mga kinakain bago lunukin.

Mga simpleng halimbawa lang po iyan ng pagdaan sa tamang proseso. Gawin po natin ang mga kinakailangang gawin. Huwag po tayong magtalon-talon sa mga proseso ng mga bagay-bagay.

>> rrj@chn_2012-09-16

Monday, September 3, 2012

{M} Joke Sakto: Blogger Edition (Episode 3)

FROM THE MAIN BLOG:
Originally posted on 3 Sept 2012

Joke # 1
Biritera 1: Hmp! Wala ka sa 'kin! Nakalimang konsiyerto na 'ko! Sa galing kong kumanta, lagi akong binibigyan ng standing ovation!
Biritera 2: O, talaga? Sigurado ka bang lahat ng tao tumayo't pinalakpakan ka? Ako, oo! Lahat sila binigyan din ako ng standing ovation! Bata, matanda, lalaki babae, mayaman at ultimo 'yung naglilinis ng lugar tumayo din!
Biritera 1: Weh?! 'Di ako makapaniwala!
Biritera 2: Maniwala ka sa hindi, nagtayuan silang lahat! Sabay labas ng pinto! 'Di ba standing ovation 'yun?

Joke # 2[1]
The truth behind the song "Eternal Flame" and who really sang it.
BULAG: Close your eyes,
PILAY: give me your hand, darling.
BINGI: Do you hear my heart beating,
BOBO: do you understand?
MANHID: Do you feel the same?
DUKHA: Am I only dreaming?
BUMBERO: Is this burning, an eternal flame?
PIPI: Say my name,
BALIW: sunshine through the rain.
KAWAWA: My whole life, so lonely,
DOKTOR: they'll come and ease the pain.
MARAMOT: I don't wanna lose this feeling...
WOLF: ooohhh!!!!

Joke # 3*[1]
Tagalog translations for English movie titles...
3. I Know What You Did Last Summer - Uyy...Aminin!
4. Love, Actually - Sa Totoo Lang, Pag-ibig
5. Million Dollar Baby - 50 Milyong Pisong Sanggol (It depends on the exchange rate of the country.)
6. The Blair Witch Project - Ang Proyekto ng Bruhang si Blair
7. Mary Poppins - Si Mariang May Putok
8. Snakes On The Plane - Nag-ahasan sa Ere
10. Sum of All Fears - Takot Mo, Takot Ko, Takot Nating Lahat
12. Pretty Woman - Ganda ng Lola Mo
13. Robin Hood, Men In Tights - Si Robin Hood at ang mga Felix Bakat
14. 4 Weddings In A Funeral - Kahit na Apat na Beses kang Magpakasal, Mamamatay Ka Rin
15. The Good, The Bad and The Ugly - Ako, Ikaw, Kayong Lahat
16. Harry Potter and the Sorcerer's Stone - Adik si Harry, Tumira ng Shabu
18. Brokeback Mountain - Bumigay sa Bundok
20. Waterworld - Basang-basa
22. Employee of the Month - Ang Sipsip
23. Resident Evil - Ang Biyenan
24. Kill Bill - Kilitiin sa Bilbil
25. The Grudge - L**tik lang ang Walang Ganti
26. Nightmare Before Christmas - Binangungot sa Noche Buena
28. Never Been Kissed - Pangit Kasi
29. Gone In 60 Seconds - 1 Round, Tulog
32. Dude, Where's My Car? - Dong, Anong Level Ulit Tayo Nag-Park?
33. Beauty and the Beast - Ang Asawa Ko at Ang Nanay Niya
34. The Lord of the Rings - Ang Alahero

*Some parts of the original text are not included for having obvious inappropriate content.

Joke # 4[1]
Erap Visits The White House
A few years ago, President Erap was given some basic English conversation training before he visit Washington to meet President Bill Clinton.
The instructor told President Erap, "When you shake hands with President Clinton, say 'How are you?' Then, Mr. Clinton will say, 'I am fine, and you?' Now, you should say, 'Me, too.' Afterwards, we translators will do the work for you."
It looks quite simple, but what happened was...
when Erap met Clinton, he mistakenly asked "who are you" instead of "how are you."
Mr. Clinton was a bit shocked, but still managed to react with humor: "Well, I'm Hillary's husband, ha-ha..."
Then, Erap replied, "Me, too. Ha-ha..."

Joke # 5
Girl 1: Alam mo, hindi ko alam sinong pipiliin ko sa dalawa. Si Pipoy ba o si Franco?
Girl 2: Uhum...
Girl 1: Si Franco kasi, mayaman, may kotse, pero 'di ko nararamdaman ang tunay na pagmamahal sa kanya. Samantalang si Pipoy, mahirap, walang kotse, pero lagi niya 'kong hinahatid sa bahay namin, ang sweet-sweet niya palagi sa'kin.
Girl 2: Ah, si Pipoy na lang piliin mo...
Girl 1: E, anong sasabihin ko kay Franco?
Girl 2: Sabihin mo, akin na lang siya!!! I can be his baby!!!

Joke # 6
PUBLIC SIGNAGE
  1. "NO LEFT TURN" - magandang pampaalala kay Mister mas lalu't ginagabi lagi ng uwi
  2. "NO SMOKING" - bawal ang mga magdadaing nito
  3. "NO PARKING ANYTIME" - anumang oras bawal kang mamasyal
  4. "NO HOWLING" - selfish ako, hindi ka pwedeng magtanong kung bakit, bahala kang magdiskubre
  5. "PULIS" - panakot sa mga masasamang loob
  6. "NO BLOWING OF HORNS" - huwag kang mahangin, matatanggal ang mga sungay
  7. "WALANG BABAAN" - oo nga e! Thanks for reminding me na tumaas na naman lahat ng gastusin ko, ha?
  8. "THIS SEAT IS STRICTLY FOR THE DISABLED ONLY" - pasensya na, disable makaintindi ng instruction ang nakaupo dito
  9. "DON'T LEAVE YOUR THINGS UNATTENDED" - huwag kalimutan ang bolpen at notbuk sa meeting niyo sa opisina, pag-atenin din sila ng meeting
  10. "KEEP OFF THE GRASS" - de-kuryente na ba ang mga damo ngayon? Patayan daw ng ilaw? May switch? May switch?
Joke # 7
A: Yak! Pink suot mo? Bading ka ba?
B: Hindi a! Porke ba pink, bakla na?
A: Hindi naman, sa'n ka nga pala pupunta?
B: Ah, makikipagkita lang ako, secret ko na lang kung sino...
(The next day...)
A: O, kamusta ang date mo kahapon? Marami bang chicks?
B: Oo, kakainis nga e. Ang dami kong kakompetensya!
A: Ba't mo naman nasabi iyan?
B: Sa sobrang dami nila, hindi na ko nakapagpicture kasama ni Daniel Padilla! Ang cute-cute-cute pa naman niya kagabi!!! Sana ako na lang si Kathryn Bernardo para ako ka-holding hands niya....
(Nabalentong na lang si A sa narinig...)

Joke # 8
Nag-asawa si Pina Lu ng isang negosyanteng Chinese na si Mr. Tang. Kaya naman ang pangalan niya'y naging Pina Lu-Tang.
Isang araw, sobrang nagulat si Mr. Tang sa laki ng ikinita niya sa Pilipinas, ibinalita niya ito kay Pina at sa sobra ding gulat ay napaanak ito nang hindi oras.
Alam niyo anong ipinangalan nila sa bata?
Gu Lan Tang.


[1]Mula sa isang Pilipinong pandaigdigang magasin, One Journey International Magazine, Vol.01 No.01 August-September 2008. Credits to the editor, Ms. A. Abrugar, and to the publisher, One Journey Int'l Concepts (HK).